CHAPTER 33

1.9K 85 6
                                    

"Mom can I buy Cotton Candy?" Ngumiti sya ng malaki at kumurap-kurap.Kinurot ko Ang pisnge nya.

"Nope,kanina kapa kumakain ng cotton candy gusto mo bang masira Ang teeth mo?"

Napanguso sya, "Isa Lang po please..." Pakiusap nya pero umiling ako Kaya bumagsak Ang balikat nya.

"Makipag laro ka na Lang Kay janella,later kakain na tayo," Sabi ko. Naka busangot syang tumungo sa kinaroroonan ni janella.

"Hoy!"

Napalingon ako kina Archie na nakaupo sa nakalatag na blanket sa damuhan.naka taas Ang kilay na lumapit ako sakanila.

"Oh?" Pabalang Kong Sabi.Nandito kaming apat sa park ng village. Hindi sumama si ate dahil masakit daw Ang balakang nya Kaya Hindi na Rin sumama Ang asawa nito,pinasama nya na Lang si janella para daw makapag bonding Ang dalawang bata. Si kuya Naman ay may inaasikaso sa kompanya,Si mommy at daddy ay may sariling date at hindi ko Alam Kung saan nag susuot Ang dalawang matanda.

"Uy soon to be sister in law san pupunta Ang asawa ko? Bat Ang bilis nya lumarga kanina?" Tanong ni Sheila.

"Girl Hindi mo Asawa si fafa sky no!" Atungal ni Archie.iniripan sya ni Sheila.

"Soon nga diba? Sa ngayon bf ko palang sya." Kinikilig na Anya at sumubo ng ubas.

Kumuha Naman ako ng chichirya at tinanaw Ang dalawang bata na nag lalaro di kalayuan samin.

"Pustahan pa Tayo,Hindi magiging Kayo ni Fafa sky." Rinig Kong hamon ni Archie.

"Oo ba! Bigyan mo ko ng isang buwan lalambot sakin yang Kuya ni sheya!" Determinadong sagot ni sheila, "oh ano? Pupusta ka Hestia? Sheya?"

Bumaling ako sakanila ng marinig Ang pangalan ko.

"Sige," sagot ni hestia.

"Hindi ako sasali,ako na Lang Ang hahawak ng pera nyo para Kung sakaling may manalalo siguradong mababayadan." Nakangising wika ko at inilahad Ang kamay sakanila.

Dumukot Naman si Archie sa bulsa nya ng pera at inilagay sa kamay ko.

"One thousand?!" Bulalas ko. "Ang kuripot mo Naman Archie! Pustahan to pustahan! Dapat ten thousand!" Angal ko at inilad ulit Ang kamay ko sa harap nya. "Kulang ka ng nine thousand."

"Sus takot sigurong matalo Kaya one thousand Lang Ang afford." Parinig ni Sheila na nag bibilang na ng perang ibibigay sakin.agad namang dumukot ulit si Archie sa bulsa nya.

"Ayan! Gosh Kaya one thousand Lang binigay ko kasi naawa ako sayo Kapag natalo ka!"

Napatawa ako at nilanghap Ang bango ng libong nasa kamay ko.

"Uy,uy,uy! Baka lokohin mo kaming bruha ka! Kapag may nanalo na baka walang Kang mabigay Kasi ginatos mo yang pera namin!" Bulyaw ni Sheila. Napaturo ako sa sarili ko at umaktong nasasaktan.

"Mukha ba akong mahirap para pag interesan Ang kakarampot nyong pera?" anya ko pero inirapan Lang ako nito.

"Thirty thousand Rin Yan no!" sabi Naman ni Archie.

"Anong pake ko? May 100 thousand ako rito anong laban ng 30 thousand nyo?" Sarkastikong sagot ko. "At saka 20 thousand palang to! Wala pang binibigay si hestia!"

"Ito oh" Sabat ni hestia at pinatong Ang 10 thousand nya sa perang nasa kamay ko.

"Oh Ayan kumpleto na!" Nakangising Sabi ko at pinang paypay Ang pera.

"Hayup ka,sa oras manalo ako siguraduhin mong may maibibigay ka!"

"Archie my dear Wala ka bang tiwala sakin?" Sabi ko at itinago Ang pera sa bag.

A night to remember(UNDER MAJOR EDITING)Where stories live. Discover now