Chapter 1

42 3 0
                                    

Shandrea P.O.V.

Part 1

"So, anong gusto mo sa isang babae?" Rinig kong tanong ni Rodel kay Carlo. Nang tumingin ako sa kanila ay nakita kong nakatingin siya saakin kaya tinuloy ko na lang ulit ang pagbabasa ko.

"Hindi naman ako tumitingin sa panlabas na itsura. Basta yung hindi ka papabayaan if may pinagda-daanan ka. Palaging naniniwala sa'yo.. More on time bonding keysa don sa puro regalo ." Rinig kong sabi niya. He's right. Tama naman sinabi niya. Ganoon din naman ang gusto ko. Sa tagal na naming magkakilala halos parehas na lang ata kami ng mga gusto.

"Kunwari, may chance ka na pumili ng babae HAHAHAHAHAHA ideal girl mo lang!" Tukso pa ni Raven na parang may hinihintay na sagot.

"Just a simple girl with a glasses." Tawa naman agad ng tawa sila Benjamin sa sagot ni Carlo.

"You mean, Shandrea Rodriguez?" Dagdag pa ni Wilson. Napailing nalang ako sa kanila. May iba naman ang tinutukoy ni Carlo na gusto niya eh. Well, most of boys ganoon ang mga gusto. Pero dapat maganda. Kaya di na ako maga-assume.

"HEY, OKAY KA LANG?" Tumango agad ako sa kaniya. Bakit ba kase ang hirap maging babae.  "Teka lang ha." Sabi niya at agad nang lumabas ng classroom. Ako naman ay agad nang yumuko para medyo mawala ang sakit ng puson ko. Maya-maya ay narinig ko ulit ang boses niya na tinatawag ako kaya lumingon ako sa kaniya.

"Kumain ka na muna." Nilapag niya yung burger at isang bottled water sa lamesa ko.

"Okay lang ako. Sayo na iyan--"

"You should not skipped your snacks. Baka pumayat ka niyan" nanliit agad ang mata ko sa kaniya.

SINASABI NIYA BANG MATABA AKO?!

"WHAT? HAHAHA! I didn't say anything!" Tss.  Defensive masyado.

"Sinasabi mong mataba ako ganon?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"I didn't say that!"  And he bark of laughter.
Pinalo ko agad siya ng notebook na naabot ko sa katabing table. "HAHAHAHA ARAY NAMAN!" tss.

"Kumain na lang jan. Matatapos na ang breaktime di ka pa tapos." Hayst.

"Thank you." Ginulo naman niya yung buhok ko at agad nang umalis para pumunta sa mga kaibigan niya.

"Diba may aktibidad pa mamaya sa kapilya mamaya?" Tumango ako sa kaniya. Wala kaming last period dahil may meeting daw si Ma'am.

"Oo. Dederetso na ako mamaya." Bigla namang umaliwalas agad ang mukha niya.

"Great! Sabay na tayo pumunta!" Isa din ito sa mga katangian na nagustuhan ko sa kaniya. Napakasigla niya sa mga gawaing paglilingkod sa Ama.

---

"Ingat kayo!" Paalam saamin ng kasamahan namin nang matapos na ang ginawa naming project sa bahay ng isa naming kaklase.

"Kain muna tayo bago tayo umuwi." Basag niya sa katahimikan. Nakakahiya naman kase magsalita. Non-sense ang mga naiisip kong topic.

"S-sige." Napa face-palm nalang ako.

"HAHAHA alam mo ang weird mo talaga." Nilingon ko naman siya. "Mas nahihiya ka pa kapag tayong dalawa nalang keysa sa marami tayong kasama." Hayst.

"A-anong nahihiya?! Ihulog kita sa tulay eh." Tawa naman siya ng tawa saakin. Pero mas lalo akong kinabahan nang hinawakan niya yung kamay ko.  "A-anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya.

IKAW PA RINWhere stories live. Discover now