Teasers

31 21 1
                                    

Teasers
     
     

//important note: Ang nobelang ito at pawang kathang-isip lamang, lahat ng pangalan, lugar, at pangyayari ay produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda.//

           

Insert Music: Popular Monster by Falling in Reverse or Halocence cover (it's up to you)
    

  
"Lamia! Anong ginagawa mo?!" Nagitla ito ng dumadagundong ang boses ni ama sa buong kaharian. Agad itong napatingin sa hawak nitong bagay, nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung anong hawak. Nanginginig na binitiwan ang ginituang baso na may lamang pulang likido- marahas niyang pinunasan ang sarling bibig na may bahid pa ng dugo mula sa laman ng baso.

    
 
"Hindi ko po alam ama, patawad po! Di ko sinasadya!" Pakiusap nito sa kanya. "D-di ko po alam kung paano nangyari iyon, b-basta ang alam ko ay gusto ko lang magkulay pula ang iniinom kong tubig." Paliwanag niya ngunit ng binalik nitong muli si ama ay wala siyang naaninag na kahit anong awa sa mga mata niya- napalunok ito sa takot.

 
"Kagaya ka rin nila Lucifer at Lilith! Mga suwail!" Sigaw ni ama, nangilakbot si Lamia ng makita ang isang kidlat ang igagawad nito sa kawawang anghel- napaatras siya ng pakawalan na ito ng ama, ng biglang humarang si Jilaiyah sa kanyang harapan. Nanlaki ang mata nito sa ginawa niya- umitim ang kulay niya sa pagkakatusta ng kidlat ni ama.

 
"Jilaiyah bakit mo ginawa yon?" Maluha-luhang sambit nito kay Jilaiyah- nagawa pa nitong ngumiti sa kanya at kahit naginginig na ang natustang kamay ay pilit niyang inabot ang pisngi ng babae.

 
"Ayaw kong masaktan ka Lamia." Sagot nito at nawalan na ng malay sa bisig niya.

      
"Jilaiyah!" Sigaw nito.

   
"Jilaiyah!" Ulit ni Lamia na gisingin ang lalaki ngunit wala na talaga siyang malay- nagsikiskisan ang kanyang mga ngipin sa inis habang lumuha.
 
  
"Sino pang gustong umalis dito? Maluwang ang pinto para magsilayas kayo sa kaharian ko!" Dagundong na sigaw ni ama sa lahat ng anghel na naririto. Pinunasan ni Lamia ang luha at marahas na tumayo para harapin si ama.

 
"Oo talagang lalayas na ako dito! Di ko na kaya pang matagalan ang ugali mo ama! Di na ako babalik pa dito!" Pabalang na sagot nito.

  
"Layas mga taksil! Lumayas kayong mga makasarili! Puro pansariling interes lamang ang inyong iniintindi!" Pagpupuyos nito sa galit. Kinuha nito ang katawan ni Jilaiyah at sabay nilang tinalon ang huling hakbang kaharian ng langit papunta sa lupa.

   
"Mga wala kayong utang na loob! Layas mga taksil! Kahit kailang hindi kayo makakatanggap ng kahit na anong pagpapala mula sa akin!" Hanggang sa himpapawid ay dinig na dinig pa rin ni Lamia ang dagundong ng boses ni ama- sinasabayan ito ng malakas na hangin, kulog at kidlat. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakakapit sa katawan ni Jilaiyah at sinubukan ikumpas ang pakpak ngunit unti-unti itong nasunog at nawala na parang bula.

  
"Jilaiyah! Gumising ka na pakiusap!" Sigaw niya sa lalaki. Mula sa malayo ay natanawan niya ang isang anyo ng tubig at isang maliit na isla- ilang saglit pa ay bumulusok sila sa tubig, nabitiwan nito ang katawan ni Jilaiyah kaya dagli siyang pumaibabaw sa tubig at hinanap ang katawan ni Jilaiyah.

 
"Jilaiyah! Asan ka na?!" Sigaw nito, sumisid pa para tanawin ang katawan niya.

  
"Jilaiyah!" Natutuwang sigaw niya ng makita itong lumutang sa tubig, di na ito nagdalawang isip pa na lapitan at kunin ito. Napadapa ito sa sobrang pagod ng marating ang pampang- kasama ng katawan ni Jilaiyah ay napaangat siya ng mata ng makita ang pares na paa na tumigil sa harap ko, agad siyang nagalak ako ng mapagsino ito.
  

"Lilith!"
   
    
-----
    

-🖋☻Yuki

La Reina De Los VampirosWhere stories live. Discover now