"Desmond ilang taon ka na?" Bigla kong tanong sa kanya. Kusa lang iyong lumabas sa bibig ko na di ko man lang pinag-isipan. Nakatutok lang kasi ako sa mukha niya at wala sa isip ko na napatanong bigla.

"Thirty-one."

"Huh?" Gulat kong sambit at napa ayos sa aking pagkakaupo sa kama.

Napatawa naman si Desmond pero iyong tawa na parang... nanghahalina. Hindi ko maintindihan o siguro di ko lang alam kung paano ko ipapaliwanag ang kanyang boses na may pagkapaos pero malaki.

"Why you're so surprise? You thought I'm older than that?"

"No," iling ko. "Akala ko nasa twenty plus ka lang."

Tumawa siya. "I'm thirty-one and how about you. You keep calling me Desmond."

"I'm... I'm twenty."

"What?" Ngayon ay siya na naman ang gulat na gulat sa sinabi ko.

Napalobo ako sa bibig ko at napanguso pagkuwan kay Desmond.

Nakita kong napahilamos si Desmond sa kanyang kamay na bumabakat ang kanyang mga ugat doon. Napatagis siya sa kanyang bagang at napahawak sa kanyang baywang at tumitig sa akin.

"A-Ano?"

"You are kidding me, right?" tanong niya.

"Sa edad ko Desmond?"

Gumalaw ang panga niya at tumango.

"Hindi. Totoo iyon. Twenty pa lang ako at mag-t-twenty-one ako sa November 27."

"Jesus!" sambit niya at napabuga ng marahas na hininga.

"Ayos ka lang ba Desmond?" Nag-aalala kong tanong kay Desmond kasi parang nagpipigil na siya sa kung ano man ang kanyang nararamdaman. Parang nagtitimpi na siya sa kanyang sarili.

"No."

"Hala!" Ako at lumipad ang dalawa kong kamay sa bibig ko habang nakatingin pa rin kay Desmond.

"I just can't believe that I want to french kiss a fucking twenty year-old guy."

"I-french kiss ang twenty years old? Ako ba 'yan?"

Hindi niya ako sinagot pero tinitigan niya lang ako.

Napanguso na lang ako kay Desmond.

"Kanina ka pa french kiss nang french kiss, Desmond. Di mo naman sinasabi kung ano iyan."

Napaungol si Desmond at nasapo ang kanyang noo gamit ang kanyang isang kamay habang ang isa ay nanatili sa kanyang baywang. Napatalikod siya sa akin. Sinusundan ko lang talaga ang bawat galaw ni Desmond nang nakaupo lang ako sa kama.

"You'll never understand it."

"Edi magbigay ka nang example o kung hindi ipakita ko sa akin kung ano iyan." Ani ko naman at pinatong ko ang dalawang paa ko sa kama at nag cross-sit ako.

"Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na inosente ka pa Finn o hindi. Mababaliw ako sayo." aniya sabay lingon sa akin sa balikat niya.

[MUS3] Love In A Mess (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon