Napatango na lamang ako sa kaniya hindi parin mawala sa aking isipan ang mga nangyari ng mapatingin ako sa panyo na hanggang ngayon ay bitbit ko padin. Alanganin naman akong napatingin kay ginoong Akio.

"Pacensya na ginoo... Lalabhan ko na lamang ito saka ko na lang ibabalik sa iyo kapag ito'y malinis na"

"Huwag ka ng mag abala pa binibini... Sa'yo na lamang iyan" pagpupumilit niya. Tatanggihan ko pa sanang muli siya pero wala na akong nagawa pa dahil sa labis na pagpupumilit niya. Nagpaalam na lamang akong papasok na sa loob ng dormitoryo. Hinayaan niya naman na ako at hindi na inusisa pa.

Sa bawat pagtapak ko pausad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga gawi ng taong nakakasalubong ko. Pakiramdam ko tuloy gaya ng mga tingin sa akin ng mga taong nasa pamilihan ganoon rin sila kung makapanuri sakin.

"Marina!" narinig kong tinig ni Corazon malapit lang sa kinaroroonan ko nagmula iyon.

Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid pero hindi ko siya makita. Sa pangalawang pagkakataong tinawag niya ang aking pangalan doon ko napag-alamang nasa pangalawang palapag pala siya ng dormitoryo.

Kitang-kita ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Nakakunot ang kaniyang noo at salubong din ang kilay. Mukhang lubusang nagtataka sa nakikita niya ngayon. 

Sumenyas siya sa akin ng 'Halika rito, Marina!' pero hindi ko rin magawang  humakbang papunta sa kaniya para bang mas pinipili ng katawan kong manatili na lamang sa kinakatayuan ko.

Kaya siya na ang gumawa ng paraan upang makalapit sakin. Ilang minuto lang ang nakalipas ng mamalayan kong nasa harapan ko na pala si Corazon.

"Anong nangyari sa'yo, Marina?" nagaalalang aniya.

"Maaari ba'ng saka na natin pagusapan, Corazon... Pakiusap?" mabilis naman siyang tumango bilang pag sangayon. Pagkatapos niyon ay niyaya niya nakong pumasok sa loob kaya't inalalayan niya ako sa paglalakad.

"Pacensya na Corazon hindi ko masabi sayo agad... Masyado lang okyupado ng maraming bagay ang aking isipan ngayon. Pero sasabihan kita kapag handa na ako pangako" sinserong pagkakasabi ko habang naglalakad kami.

"Naiintindihan ko, Marina. Huwag kang mag-alala" sambit niya sabay ngiti ng tipid.

Sa totoo nga lang hindi ko na alam kung kaya ko pa bang sabihin sa ibang tao yung nangyari. Yung maling nagawa ko na pagsisisihan ko kahit ilang taon pa ang lumipas dahil sa nangyari dadalhin ko ang trahedyang yun sa lahat ng oras at hindi ko alam kung paano pa kong mapapanatag kapag tuluyang mawala si ginoong Alfredo. Masyado nang magulo ang isipan ko ayaw ko nang madagdagan pa ito ng isa pang pagkakamali pagkatapos ng nagawa ko.

Pagpasok namin sa loob nakasalubong pa namin ang ilang mga estudyante pero nagdirediretso lang kami hanggang sa makarating sa kwarto namin.

Aalis sana siya pero hinawakan ko ang pala-pulsuhan niya upang pigilan siya. Gulantang siyang nakatingin sakin ng dahil sa ginawa ko. Ilang segundong katahimikan rin ang namayani sa amin bago ko nagsalita. "Salamat, Corazon"

Muli nanamang sumilay ang kaniyang ngiti. "Ayos lang yun, Marina. Gaya nga ng sabi ko sa iyo kanina... Naiintindihan ko 'wag kang mag-alala.... Basta ba'y ilakad mo ako sa'yong nakatatandang kapatid eh" pilyang aniya sabay tawa. Napangiti rin tuloy ako ng wala sa oras. Pinapagaan niya talaga ang loob ko kaya siguro kong nararamdaman niya rin na malaki ang problema ko.

Stars Between Us | CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt