Chapter 4

25 0 0
                                    

Chapter 4 - Happy Ending

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga para ihanda ang sarili ko sa mga magaganap mamaya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umikot sa buong kwarto ko, naghahanap ng pwedeng gagawin upang mawala sa isipan ko ang lalaking iyon. Sino ba kase sya at bakit binabagabag nya ng ganito ang isipan ko?

Simula kase kagabi ay hindi na mawala wala sa isipan ko ang sinabi nya. Ako, mabubuhay? Nagpapatawa ata sya.

Sa sobrang kalutangan ko ata ay hindi ko napansin na kanina pa pala nag ri-ring ang cellphone ko. "Kade Lucas?" Bakit naman tumatawag ang mokong na to? Imbes na kwestyunin pa ang biglaan nyang pag tawag ay dali-dali ko nalang sinagot ito at mukhang naka ilang missed call nadin.

[ Kade Lucas ] : Hello!

Kaagad kong nilayo sa tenga ko ang cellphone. "Napaka ingay mo. What if i try mong manahimik muna?" Hindi ko napigilang mag taray at kaagad din naman akong na guilty sa inasta ko. Parang sinasabi ko tuloy na ayaw ko syang maging masiyahin.

[ Kade Lucas ] : Eto naman, ang aga-aga mainit kaagad yang ulo mo. Ganyan ka ba palagi ha?

"Diba med student ka? Diba ang mga med student ay palaging busy?" Pinindot ko ang loud speaker ay binitawan ang phone ko sa harap ng salamin upang maipagpatuloy ko padin ang mga ginagawa ko habang kausap sya.

[ Kade Lucas ] : Hindi naman ako ganon ka busy, may gusto lang akong itanong sayo

Hindi ko maipaliwanag ang kaba na biglang bumalot sa buong sistema ko. "Anong itatanong mo?" Umupo ako sa kama at hinintay syang mag salita.

[ Kade Lucas ] : Bago kita tulungan sa listahan mo, syempre gusto ko munang makita.

Yun lang pala, akala ko kung ano na. Dali-dali kong hinanap ang letrato nung listahan na kinunan ko nung nakaraan. Naka save lang ito sa cellphone ko para kung sakaling may magawa ako ay kaagad kong ma-mamarkahan.

Clinick ko na ang send button at hinintay syang mag salita. Mukhang binabasa nya pa ang listahan kaya may ilang minutong naka upo lang ako sa kama habang pinapakinggan ang katahimikan. Ayaw na ba nya akong samahan? Nag bago na ba ang isip nya?

"Alam mo, wag na nga. Gets naman kita kung nagbago na ang isip mo. After all, weird naman talaga na biglang may babaeng magpapatulong sayo na—"

[ Kade Lucas ] : Can you please shut up for a moment? Hindi naman nag bago ang isip ko, Tacia. Iniisip ko lang kung saan tayo magsisimula sa listahan mo

Napa tahimik nalang ako at tumango sa sarili ko kahit alam kong hindi naman nya ako nakikita. Mabait naman pala sya. Kahit papaano ay napanatag ako. Kahit na saglit na panahon palang kaming magkakilala ay alam kong po-protektahan nya ako.

Bigla tuloy akong natawa sa naisip ko. Ang lalaking to na isang linggo ko palang kilala ay poprotektahan ako? Halos marinig sa buong kwarto ang tawa ko at bigla kong na realize na kausap ko pa pala sa kabilang linya si Lucas kaya naman kaagad kong tinakpan ang bibig ko.

Narinig ko ang mahina nyang pag tawa "ikaw ah, masyado ka na atang natutuwa saken" kaagad kong hinawakan ang pisngi ko at naramdaman ang pag init nito.

"Masyado kang assuming! Natawa lang ako kase ang pangit mo" pagpapalusot ko. Pero sa totoo lang ay hindi naman talaga sya panget. Kung tutuusin ay tipo ko ang mga kagaya nya. Pero hindi yun ang point! Hindi ko naman sya gusto kaya kahit na ano pang mangyari, ang tanging misyon ko lang ay matapos ang letcheng listahan na yan at makapag reunion kasama sila mama.

"Sus, palusot ka pa. Alam ko namang gwapong gwapo ka saken at madami nading nakapag sabi sakin non kaya wag ka na masyadong mahiya" hindi ko nalang pinansin ang sinabi nya na yon at pinatay na ang tawag. Ilang segundo lang ay nag message sya saken para sabihin susunduin nya ako mamayang gabi dahil may klase pa sya.

Buong araw ata ay yun lang ang iniisip ko. "Tacia, kumain ka na muna at mamaya mo na isipin kung ano mang bumabagabang sayo" seven o'clock na pero hindi padin sya nag me-message ulit saken. Budol ata tong lalaking to eh. Gabi na pero wala padin.

Hindi maman sa minamadali ko sya pero hindi ba ay dapat meron syang isang salita? Bawal pa naman sakin ang mag puyat. "Wala lang po akong gana. Akyat na po ako" hindi ko nanaman naubos ang pagkain ko at kung nandito siguro si mama ay kanina nya pa ako pinagalitan. Ma, Pa, konting panahon nalang at magkakasama na ulit tayo.

Nag ayos lang ako saglit at hindi na ako naligo dahil baka magka sakit pa ako dahil gabi na. Kahit na may 30% na baka hindi sya sumipot ay nag ayos padin ako. Just incase na bigla syang dumating. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa sya at mukhang pagod din sya. Para ko tuloy syang binigyan ng responsibilidad. Eh sya din naman ang nag insist na sasamahan nya ako eh.

"Teka nga, bakit ba ako na gu-guilty eh ginusto nya din naman to? Tyaka hindi ko naman sya pinilit na samahan ako kaya okay lang yan, Tacia!" Nababaliw na ata ako dahil bigla ko nalang kinakausap ang sarili ko.

[ Kade Lucas ] : Hello! Sorry na late ako pero nandito na ako sa tapat ng bahay nyo. Medyo busy lang kanina pero tuloy padin naman tayo, kung gusto mo pa? Medyo late nadin kase at baka hindi na pwede? Gusto mo ba bukas nalang?

[ Anaztacia Rivera ] : Masyado na akong malaking abala sayo, Lucas. Ituloy na natin to ngayon para hindi nadin mabalewala ang effort mong pumunta dito. Pababa na ako.

Kinuha ko lang ang bag ko na naglalaman ng wallet ko kung nasaan ang listahan at cellphone. "Tita, alis lang po ako saglit" hindi ko na hinintay na sumagot pa sya at lumabas na ako kaagad ng pinto.

Pag labas ko nga ay nakita ko kaagad si Lucas na naka sandal sa sasakyan nya habang may hawak na pagkain. "Hello" kumaway sya sabay ngiti saakin. Bakas sa boses nya ang pagod at halata nadin sa mata nya ang antok. Pwede pa bang mag drive to? Baka maaksidente pa kame.

"Mukhang inaantok ka na, doc" tumawa lang sya at binuksan ang pinto para saken. "May kape naman kaya wag kang mag-alala" ngumiti nalang ako at inantay syang sumakay.

Inalok nya saken ang kape na kanina pa hawak. Para ata saken? "Bawal ako, remember?" Bigla syang natauhan sa sinabi ko. "Sorry, nawala sa isip ko" tumango nalang ako at tumahimik na. Ilang sandali lang ay naka ramdam nadin ako ng antok. Mga ganitong oras kase talaga ang tulog ko.

"Pwede ka namang matulog kung inaantok ka na" umiling ako sakanya. "Ang sabi sakin ng tatay ko ay kapag may nag mamaneho, ang number one rule ay wag mong tutulugan para hindi din sya antukin" napa ngiti nalang ako sa ala-ala nung nabubuhay pa si papa. Mahilig din kasing gumala yon at madalas ay pinapasyal nya kame ni mama kung saan-saan. Laking panghihinayang ko talaga na kaagad nila akong iniwan sa mapait na mundo na to.

"Tell me more about your parents"

"Hindi sila perpekto pero sobrang mahal nila ako. Sila ang happy ending ko" ang happy ending ko lang naman sa buhay ay kapag nakasama ko na silang dalawa sa langit. Wala nang mas sasaya pa kapag nakita ng anak na matagal nang nangungulila ang mga magulang nyang matagal ng lumisan sa mundo.

"Happy ending?"

"Oo, happy ending"

"What do you mean by that?"

"Sa buong buhay ko, bilang lang sa daliri kung ilang beses ako naging masaya. At lahat yon, kasama sila mama. Wala nang mas sasaya pa kapag nakasama ko na sila ulit"

Yun lang naman ata ang hiling ko every year tuwing birthday ko. Ang makasama na ulit ang mga magulang ko. Kaya nung nalaman kong may sakit ako, imbes na malungkot ay mas natuwa pa ata ako. Kase finally, pagkatapos ng ilang taong pangungulila, hindi na ako ulit mag isa.

"Yun ang happy ending mo? Iwanan ang mga taong nagmamahal sayo dito?" Natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Meron ba? Bukod kay cesca at kay tita ay wala naman na ata" at sigurado naman akong aalagaan ni cesca ang mama nya para saken. Alam kong lalaki syang isang mabuting bata kahit na wala na ako.

"Meron pa, Tacia. Ako, nandito ako. Mahal kita kase kaibigan mo ako"... ano daw?

Mahal?

List of Historyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें