*bogsh!*

Nabangga ko pa yung basong ininuman ni Hevin.

++++++++++++++++

Helen’s Point of View

“Ano nang plano mo, Helen?” muli ay tanong sa akin ni Calvin habang nag-uusap kami sa opisina niya. Mabuti nalang at natyempuhan kong breaktime niya at wala siyang kausap na mga suppliers.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko tungkol sa problema namin ni Hevin at offer ni Marvin na tumira sa kanila hanggang sa maayos ang problema naming mag-ina, kaya naman napilitan na kong magpunta kay Calvin upang humingi ng advice.

“Calv, kaya nga ko nagpunta dito dahil naguguluhan ako’t para marinig din yung side mo, tas tatanungin mo din ako kung plano ko?”

He sighed.

“Len, kahit naman ano ang sabihin ko sayo, bandang huli yung kagustuhan mo pa rin ang dapat na masunod. Ikaw, kung ano ang sa tingin mong tama yun ang sundin mo,” payo na niya.

Magsasalita pa sana ako nang biglang kumatok at bumungad ang sekretarya niya.

“Coffee sir?” tanong ng maganda at sexy blonde na secretary ni Calvin.

Si Calvin na ‘ata ang Filipino version ni Christian Grey, haha!

“Yes Miss Jenie please,” then tumingin siya saken, “Ikaw Helen?”

“Green tea nalang.”

“One coffee and a green tea for us Miss Jenie,” si Calvin sa sekretarya niya.

“Copy, Sir.”

Nang maihatid ni Miss Jenie ang drinks namin at pinaalala kay Calvin ang meeting nya in an hour ay nagpatuloy kami sa pag-uusap.

“So ano ba ang dapat kong maging desisyon?” tanong ko pa rin. Ngayon lang ako naging ganito kakulit kay Calvin.

Sobrang naguguluhan talaga kasi ako.

“Ikaw nga bahala,” pagpupumilit niya pa rin.

“Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko!”

“Kapag ba sinabi kong huwag kang tumira kila Marvin, susunod ka!?”

Nabigla ako at hindi nakasagot agad.

“See?” hindi ka naman susunod saken kahit sabihin kong labag sa kalooban ko na patirahin ka sa ama ng anak mo, sa first love mo.

Nabigla ako.

“Paano mong--?”

“Oo Helen, alam kong si Marvin ang first love mo. Sorry, pero nabasa ko yung diary app mo sa cellphone accidentally nung pinasabay mo ito sa cellphone ko na ipagawa sa private technician namin,” paliwanag niya.

Naalala ko, matagal na nga pala yung cellphone na ‘yun. Halos ten years ko na rin iyong ginagamit at hanggang ngayon ay yun pa rin ang gamit ko. Nasa diary app nun nakarecord lahat ng nangyari at nangyayari sa buhay ko. Kumbaga yun ang modern diary ko for the long ten years. (Tamad kasi akong magsulat sa papel) Kapag nasisira naman o nagkakaproblema ang phone ko ay pinapagawa ko agad tulad na lamang nung sinasabi ngayon ni Calvin na pinasabay ko sa kanya iyon ng pagawa dahil busy ako sa pagtatrabaho noon.

Hindi ko naman naisip na maaunlock pala yun at mababasa niya ang laman nun. Tss, kung bakit ba naman kasi ako nanghihinayang na magbura ng mga laman nun! Lalo na yung mga entries ko na halos si Marvin lang lahat ang laman. Tss. Napaka-sentimental ko kasing tao.

“Sorry kung nainvade ko ang privacy mo, hindi ko dapat ginawa yun,” sincere na paghingi ng apology ni Calvin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para kay Calvin. Naaawa ako sa kanya, despite the fact na dapat akong mainis dahil pinakialaman niya ang cellphone ko. Alam kong nasaktan siya na malamang nagsinungaling ako sa kanya dahil pilit kong itinanggi sa kanya noon ang mga tanong niya kung minahal ko daw ba kahit katiting lang si Marvin.

The Runaway Dad #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon