6

7 0 0
                                    

Please support my story!
Thank you!

-thealibata

Chapter 6

Nang mag alas 3 ng hapon ay nagkavacant kami dahil may emergency meeting amg mga teachers sa paaralan. May pagmemeetingan daw about sa inaasam ng mga first year students na freshmen week.

Maging ako ay excited dahil dinig ko ay magpapause lahat ng quizzes and classes that week. Kumbaga ay free time ito.

"Lou, I'm bored. Saan tayo?" sabi ni Nica na ngayon ay nasa bintana na ng classroom at nagmamasid sa labas.

Tapat kasi nang building namin ay ang soccer field, kung kaya't kitang kita rito ang mga nagpapractice na mga athletes. Maganda raw kasi ang view dahil maraming gwapo, ayon kay Nica.

"Ikaw? Saan ba? Wala akong alam dito sa Talisay. Taga Murcia ako ano,"

"Bili tayo coffee sa labas. Madami raw cafe sa may kabilang kanto," aya ni Nica at agad na kinuha ang bag at lumabas kahit hindi la ako sumasang-ayon.

Wala na rin naman akong magagawa kung hindi ang sumunod.

"What do you want? My treat," nakangiting tanong ni Nica.

Andito kami ngayon sa ikatlong kanto mula sa paaralan. Malayo pala! Akala ko malapit lang. Ang init init maglakad lalo't alas 3 palang ng hapon.

Si Nica panay ang reklamo nang naglalakad dahil ang alikabok daw ng daan, eh siya rin naman ang nag aya.

"Thank you! My goodness! Para akong mamamatay sa init. This fan is my lifesaver!" exaggerated na saad naman niya habang tinuturo ang electric fan ng kapehan.

Napapatingin na nga ang mga tao sa kaniya dahil siguro ay naweweirduhan na sa babaeng ito.

"I'm a barbie girl. Living in my world..."

"Kuya?!" napatalon ako sa gulat ng sumigaw ito. Sa kaniya pala ang ringtone. Barbie girl pa nga. Bagay sa ugali niya.

"I'm at a cafe, 3 blocks away... Yeah I know... It's my vacant nga! I didn't cut! In fact I'm with my classmate pa nga eh.... Yeah... It's Louisa! Not some random guy!... What?!!... What will you--- Hello?! Kuya?!!! Argghh!!"

"Kuya mo?" tanong ko sa kaniya kahit alam ko na rin naman sa lakas ng boses niya. Kahit kabilang kanto rinig yata.

"Yes! He's annoying! He will come here daw together with his baduy friends!" saad niya sabay pabagsak na binitawan yung cellphone niya.

"Bakit daw siya pupunta rito? Pinagalitan ka ba?" tanong ko sa kaniya. Protective yata ang kuya niya dahil pupuntahan ito kaagad nang malaman na wala ito sa campus.

"I don't know! He isn't like that! We don't mind each other business, but I don't know why he keep messing mine now!" pagalit pa rin na saad ni Nica.

"Ice coffee kag Ice choco para kay Mam Nica."  (Ice coffee at Ice choco para kay Mam Nica)

"Ayan na yata ang order natin. Kukunin ko lang," offer ko sa kaniya na agad naman niyang itinango. Kahiya naman kapag siya rin ang kumuha ng order eh libre na nga ako.

"Kay Nica nga order kuhaon ko." (Kay Nica na order, kukunin ko)

"Ay ari mam! May nachos pa kamo kag sandwiches. Paserve ko nalang ni mam sa waiter?" (Ay eto mam! May nachos po po kayo at sandwiches. Papaserve ko nalang po to mam sa waiter?)

"Sige, sala---"

"Ako na magdadala, miss," saad ng pamilyar na boses.

"Anong ginagawa mo dito?!" napataas ng kaunti ang boses ko kaya't napatingin sa direksyon ko si Nica.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Choose YouWhere stories live. Discover now