EPILOGUE

35.2K 654 149
                                    




EPILOGUE
The End



"Gago ka talaga ni hindi pa kami pumapayag sa relasyon niyo ay nabuntis mo na agad ang anak ko"

Boses ni Dad ang nag pagising sa akin. Nang maimulat ko ang mata ko nakita ko si mama na nakaupo sa tabi ng kama kung saan ako nakahiga at hawak hawak ang kamay ko pero ang atensyon nito ay naka'y dad at Gideon na naka tayo sa paanan ko. Sila Tito Galen at Tita Akira naman ang naka upo sa mahabang sofa.

"Ma.." pag tawag ko sa atensyon ni mama. Sabay sabay naman silang napalingon sa akin.

"Anak! Anak i'm sorry....i'm sorry" sabi ni mama na agad akong sinugod ng mahigpit na yakap.

Naramdaman ko naman ang pag upo ni Dad sa kama ko.

"Are you ok? may masakit ba sayo?" Umiling iling ako kay Dad dahil wala namang akong nararamdaman na kakaiba bukod sa pag kagutom.

"Ano pong nangyari?" tanong ko sa kanila.

"Anak..you're 2 weeks pregnant" malambing na sagot ni mama.

"H-Ho?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yes buntis ka. Binuntis ka nitong lalaking to kahit di pa naman kami pumapayag sa relasyon ninyo" sabay turo kay Gideon na nakatayo sa may paanana ko. Imbes na malungkot ang itsura ni Gideon dahil pinagalitan siya ni Dad ay naka ngisi pa ito ng malaki.

"Hayaan niyo na ang mga bata" napalingon kami sa nag salita.

Si Lola na kakapasok lang ng pintuan ng kwarto ko. Agad na tumayo si mama sa pag kakaupo niya sa tabi ko at inalalayan si lola para ito naman ang maupo doon.

"Congrats apo" matamis na naka ngiti sa akin si lola.

"Thank you lola" naiiyak kong sabi. Kaya pala masyado ako emosyonal at laging gutom nitong mga nakaraang araw...may baby na pala kami ni Gideon.

"Ma" aangal pa sana si Dad pero agad siyang tinignan ng masama ni lola.

"Manahimik ka diyan Hunter! Pabayaan niyo na ang mga bata. Hindi niyo ba nakikitang masaya sila sa isa't isa? Gusto niyo bang makitang malulungkot ang mga anak niyo?" salitang tinignan ni lola sina Dad at Tito Galen.

Matagal namang natahimik si Dad.Tumingin pa ito kila mama,tita at tito na tinanguan lang naman siya.

"Tsk. Payag ako pero sa isang kundisyon" tumingin ito kay Gideon. "Pakasalan mo ang anak ko" istriktong ani niya.

"Yes tito. Pakakasalan ko ho si Mandy. Actually...." Nag lakad papalapit sa akin si Gideon at hinawakan ang kamay ko. Ang isang kamay naman niya ay may dinukot sa bulsa.

Isang maliit na kulay pulang box.

Nang buksan niya ito ay nag ning ning ang mga mata ko ng makita kong isa itong sing sing na may napaka laking bato.

"Inaantay ko lang na matangap niyo kami...Baby i know this is not the right place para mag propose pero...Will you marry me Mandy?"

Nag si tuluan ang mga luha ko dahil sa sobrang saya. Hindi pa nga ako nakaka move on sa anak namin at eto naman, inaaya na niya akong mag pa kasal.

"Y-Yes. Yes i will marry you babe" mabilis isinuot ni Gideon ang sing sing sa daliri ako bago ako sugudin ng mahigpit na yakap.

"I love you Baby"

"I love you too Babe" sagot ko sa kaniya. Nang mag hiwalay kami sa pag kakayakap nakita kong lahat sila'y naka ngiti sa amin. Lalong lalo na si Lola.








My Uncle's Daughter Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu