Chapter 15

24.3K 493 29
                                    





Chapter 15
Truth



"G-Gideon..." napatingin ako sa kaniya dahil sa kaba nang makita si papa.

"Calm down baby nandito lang ako ha?" niyakap ako nito at hinalikan sa buhok. Mukang napansin naman ni dad ang kotse ni Gideon kaya lumapit ito at kinatok kami.

Kinakabahan ko namang binuksan ang pinto.Titig na titig si dad sa aming dalawa ni Gideon.

"Bumaba kayong dalawa ngayon din!" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa malakas na sigaw ni dad.

Dali dali naman kaming bumaba ni Gideon at mag kahawak kamay na sumunod kay dad sa loob ng bahay.

Pag pasok na pag pasok namin nakita ko si Mama na masa ang titig sa amin ni Gideon. Wala din ang mga kapatid ko doon siguradong pina akyat na nila ito sa kanilang mga kwarto.

Tumayo si Mama sa pag kakaupo at lumapit sa akin.

"M-Ma sor-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla kong naramdaman ang palad nito sa pisnge ko.

"Tita!" sigaw ni Gideon sa gulat at agad akong nilapitan pero bago pa niya ako mayakap nahablot na agad ni Dad ang kamay ko at hinila papunta sa likuran nila ni mama.

"Wag mong hawakan ang anak namin" malamig na ani ni Dad kay Gideon.

"Anong ibig sabihin nito ha Gideon? Mandy?" tanong ni mama habang pinapakita ang picture na isinend ni Dennise.

"T-Tita,Tito may relasyon po kami ni Mandy" matapang na sagot ni Gideon.

Nagulat ako ng bigla siyang sugudin ng suntok ni Dad pero si Gideon ay nanatili lang nakatayo at nakayuko.

"Dad! Dad please wag mong saktan si Gideon" nag mamakaawa kong sabi kay Dad pero parang wala itong naririnig dahil patuloy padin sa pag suntok. Gusto ko sanang lapitan si Gideon pero pinipigilan ako ni mama.

"Ma please...Mahal ko po si Gideon" umiiyak ko aniya sa kaniya habang nag pupumilit na kumawala sa pag kakahawak.

"Nahihibang ka na ba talaga Mandy? Pinsan mo si Gideon!" sigaw ni mama sa akin.

"Ma mahal ko siya please...ma.." kulang nalang ay lumuhod na ako sa harapan ni mama para lang pakawalan na ako nito sa pag kakahawak at malapitan si Gideon na dumudugo na ang bibig.

"Dad! Dad please..please tumigil na po kayo" napapaos kong sigaw. Hindi ko kayang makitang binubugbog niya si Gideon.

Natigil lang ang pag suntok ni papa ng biglang pumasok sa pintuan sina Tita Akira at Tito Galen.

"Gideon!" sigaw ni Tita Akira nang makitang duguang naka upo si Gideon sa sahig.

Agad niya itong nilapitan at sinuri ang mukha.

"Anong nangyayari Hunter?" naguguluhang tanong ni Tito Galen.

"Bakit hindi yang anak mo ang tanong mo Kuya?" galit na sagot ni Dad.

"Gideon?" tanong ni Tito habang nakatingin kay Gideon na ngayon ay yakap yakap na ni Tita Akira.

"Pa...M-May relasyon ho kami ni Mandy" nakatungo at nanghihinang sagot niya.

Ang kaning litong mukha ni Tito Galen ay napalitan ng galit. Nanlaki naman ang mata ni Tita Akira at lumayo sa pag kaka yakap sa anak.

"Gideon! Ano sa tingin mo ang ginagawa niyo ha?" galit na sigaw ni Tita kaya't mas lalong lumakas ang pag hagulgol ko.

"Eto isinend yan sa amin kanina" sabi ni mama habang ipinapakita ang picture namin ni Gideon na nag hahalikan.

Biglang sinugod ni Tito Galen si Gideon at kwinelyohan ito.

"Anong pumasok sa isip mo at pati si Mandy ay pinatulan mo ha? Alam kong wala na kaming magagawa sa pagiging basgulero mo pero para makipag relasyon ka sa pinsan mo Gideon!"

Akmang susuntukin din ni Tito si Gideon nang bigla akong nag pipiglas ng malakas sa pag kakakapit ni mama kaya naka takbo ako papapit kay Gideon.

Pumagitna ako sa kanila at yumakap ng mahigpit kay Gideon kaya napalayo si Tito.

"Mandy umalis ka diyan" sabi ni tito sa akin.

"Tito please wag niyong saktan si Gideon. Parang awa niyo na po...Pareho po naming ginusto ang nangyari kaya wag lang ho kayo kay Gideon magalit" humahagulgol kong ani habang naka yakap nang mahipit sa akin si Gideon.

"Mandy alam mong mali ito" si Tita Akira.

"Pero Tita hindi ho kami mag ka dugo.Kahit sila Dad at Tito hindi mag kadugo"

"Oo nga't hindi kayo mag kadugo pero sa mata nang lahat mag pinsan kayo Mandy!" sigaw ni Dad at tsaka ako hinila papalayo kay Gideon.

"Halika na. Sa ayaw at gusto niyo mag hihiwalay kayo" dagdag pa ni Dad habang inilalayo ako kay Gideon pero mas lalo lang naming hinigpitan ni Gideon ang pagkalayakap sa isa.

"Tito please hayaan niyo na ho kami ni Mandy. Mahal ko ho siya" naiiyak na ding ani ni Gideon.

Pero parang walang nadidinig si Dad at patuloy padin ang pag hila sa akin hanggang sa lumapit nadin si Tito Galen at pinaghihiwalay din kami ni Gideon.

"Dad please wag niyo ako ilayo kay Gideon. Ma mahal ko siya"

"Manahimik ka diyan Mandy!" sigaw ni Mama sa akin habang kapit kapit padin ako ni Dad.

Basang basa na ang mga pisnge ko sa sobrang daming luha ng nailabas ng mata ko.

Nakita ko hinila ni Tito si Gideon papalabas ng bahay namin. Nag pupumiglas pa si Gideon pero hindi ito umubra sa lakas ni Tito.

"Pa please! Mandy! Mandy!" sigaw ni Gideon habang hinihila siya ni Tito papalabas at papunta sa Kotse nila.

"Gideon!" sigaw ko habang malakas na umiiyak pero kahit anong pag pipiglas ko ang hindi ako maka alis hanggang sa umalis na ang sasakyan nila at hindi ko na matanaw.

Napaupo nalang ako sa sahig sa sobrang sakit at pagod nang nararamdaman.

"Mandy anak please...Hindi pupwede ang relasyon nito ni Gid-"

Hindi ko na pinatapos nang pag sasalita si Mama at mabilis na tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko.

Inilock ko agad ang pinto.Humiga ako sa kama ko at tsaka isinubsob ang mukha sa unan para doon umiyak.

Nadidinig ko pa ang pag tawag at pag katok nila Mama at Dad sa pinto pero hindi ko ito pinag buksan.


Gideon....








FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Uncle's Daughter Where stories live. Discover now