Chapter 5

26.3K 568 86
                                    



Chapter 5
Lunch



From:Gideon

Mandy i'm so sorry nakalimutan ko kahapon.Bigla kasing nag aya mag mall si Dennise. Babawi ako sainyo ni Ethan I promise. Tsaka sorry hindi ko din kayo masusundo ngayon.




Yaan ang bumungad sa akin pag mulat ng mata ko. So nakalimutan niya ang pangako niya sa kapatid ko dahil inaya siya nung bruhang yon?


Psh

Tumayo na ako ng kama at maagang nag handa para sa pag pasok. Sasabay nalang ako kay papa ngayon.




"Papa sasabay nalang po ako sainyo ngayon" Sabi ko pag tapos kumain at kinuha ang mga gamit.

"Oh bakit? Wala si Gideon?" sabi nito habang nag susuot ng sapatos.


"Hindi niya daw po ako masusundo eh"


"Osige tara na pumasok na kayo ng kotse at baka malate pa kayo"



Tinulunga ko naman si Ethan na maka sampa sa likod ng kotse ni papa. Si Charlotte ay hindi muna pina pasok nila mama dahil sa nangyari.





"Bye papa love you" Humalik pa ako sa pisnge nito bago bumaba at pumasok ng university.

Pag pasok ko ng gate nakita kong nag kukumpulan ang mga tao sa may Garden ng school namin.



"Sino yan?"



"Girlfriend ba yan ni Gideon? Sayang naman"



"Hala may Girlfriend na si Gideon?"



"Bago siya dito?"



Yan ang mga sabi ng tao habang nakikisingit ako sa kanila para makita kung ano iyon.


Mag kahawak kamay na naka upo sina Gideon at Dennise sa Garden. So dito na talaga mag aaral tong babaeng to.


Napairap nalang ako at tsaka nag lakad papunta sa klase namin. Pag dating ko as usual naka tingin nanaman sakin ang tropa nila Quins.


"Himala Mandy wala kang bantay ngayon ah" sabi ng isa sa mga tropa ni Quins pero di ko nalang ito pinansin.


Maya maya ay dumating na din si Gideon kasama ang bruha. Naka kapit pa ang kamay nito sa braso ni Gideon habang sa kabilang balikat ni Gideon ay naka sabit ang bag ni Dennise.


sweet huh?

Kadiri.



Tinaaasan lang ako ng kilay ni Gideon na para binabati niya ako,uusod na sana ako para maka daan siya dahil dito sa tabi ko ang lagi niyang inuupuan pero doon ito naupo sa tabi ni Dennise na nasa harapan ko.


Nagulat ako ng biglang Lumapit si Quins sa akin.

"Pwede ba kong maupo dito?" ani niya nang makaupo sa tabi ko.

"Naka upo ka na eh may magagawa pa ba ko?"Tumawa ito ng malakas kaya't inirapan ko nalang.





Lunch time.


Ang daming tao ngayon sa cafeteria namin. Punuan lahat ng mga table. Nang makuha ko ang inorder kong pag kain nag lakad na ako papunta sa table namin ni Gideo pero habang nag lalakad ako nakita kong nakaupo din doon si Dennise.


Uupo na sana ako sa harap ng mga ito nang mag salita si Dennise.

"Mandy can't you see nag dedate kami? pwede bang sa ibang table ka nalang maupo?" mataray na ani nito.

Aba siya pa ang may ganang mag maldita? Kung tutuuisin nga dapat ako pa ang mag maldita sa kaniya dahil walang ibang pwedeng umupo dito.

"Table namin to Dennise kaya uupo ako kung gusto ko"

"Love palipatin mo muna yang pinsan mo please" nakakairita ang pag sasalita nito dahil parang iniipit para mag pa cute kay Gideon.

"Mandy please hanap ka nalang muna ng ibang table" aniya niya na kinagulat ko. Ako? Pinapa alis niya ako dito sa table namin?


"Gideon table natin to"

"I know but please kahit ngayon lang sa iba ka muna maupo ha" nakikiusap ang mga mata nito.

Sa sobrang irita ko tumayo ako at kinuha ang bag ko para umalis. Hindi na ako nag abalang kunin pa ang tray na may lamang pag kain at basta ko nalang iniwan sa lamesa nila. Dadaretsyo nalang ako sa Library para mag basa.

Narinig ko pa ang pag tawag ni Gideon sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin sa sobrang inis ko.


"Aww" daing ko ng mapaupo ako sa sahig dahil may naka banga sa akin.

"Shit Mandy i'm sorry hindi ako tumitingin sa daan"

Boses ni Quins ang nadinig ko kaya napa angat ang tingin ko dito. Inaabot nito ang kamay niya sa akin para tulunga akong tumayo na agad ko namang tinangap.


"It's ok ako din eh" sabi ko sabay pag pag sa suot kong pants.


"Bakit ka nga pala nandito? Hindi ka ba kakain sa cafeteria?"

"No nawalan na kong gana" bored na sagot ko.

"Bakit naman? Gusto mong sumama sakin? kakain ako sa labas"

Bigla namang lumiwanag ang mukha ko. Matagal tagal na din akong hindi nakaka kain sa labas.

"Sure sige"

Halatang nagulat si Quins sa isinagot ng dalaga dahil hindi niya ineexpect na papayag ito.

"S-sigurado ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.


"Yeah why ayaw mo ba?"


"No! no... nagulat lang ako. Ngayon lang kita makaka sama ng tayong dalawa lang" malaki ang mga ngiti sa mga labi nito.


"Let's go gutom nadin ako.





FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Uncle's Daughter Where stories live. Discover now