Chapter 60: Girls

En başından başla
                                    

"Bukas ng gabi matatapos narin lahat ng 'to," ginnulo ko ang buhok ko.

Napatigil rin ako ng mapansing ang ikli nalang ng buhok ko. Kunot nuo ko siyang tiningnan.

"A-anong nangyari sa buhok mo?" tanong ko sa kaniya.

"Baliw kaba? Nagka amnesia? Oh nagpalimot limot?" inis niyang tanong. "Ikaw ang may gawa nito!"

Galit akong tumayo at iniwan siya roon saka ko pinuntahan si Tyler at sinuntok kaya galit siyang tumingin sa akin.

"Anong ginawa mo kay Thea?" galit na tanong ko sa kaniya.

"Ang alin?" tanong niya.

"Pinutol mo ang buhok niya? ALAM MO BA KUNG GAANO 'YON KAIMPORTANTE SA KANIYA?" inis na sigaw ko.

"Nababaliw ka na naman sa isang babae," sabi nito at umirap.

"Hindi mo dapat pinakialaman ang buhok niya," mahinahong kong sabi.

"Naiirita lang ako sa buhok niya."

"Kasi magkapareho ang buhok niya at buhok ni Ate Tina? Remember Kuya. YOU KILL HER!" pagpapaalala ko sa kaniya.

"I know," tanging sagot niya.

Hindi man lang siya naklnsensya sa ginawa niya. Alam kong mahal niya si Ate Tina pero ang kinaduda ko ay bakit nagawa niya itong patayin?

Umalis nalang ako roon at pumunta sa bodega. Nakita ko silang lahat. Napatingin sila sa 'kin kita ko ang galit sa mga mata nila pero hindi ko sila pinansin at nagtungo ako kay Celine.

"Bwesit ka!" bulong niya sa 'kin.

Ginulo ko ang buhok niya pero inayos rin kalaunan.

"Matatapos narin lahat ng 'to mamayang gabi," mahinang sabi ko sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot nuong tanong niya.

Ngunit ngiti lang ang ginanti ko sa kaniya. Napailing lang siya.

"Dumidikit na ang pwet ko rito," inis niyang sabi kaya napatawa ako. "Dalian mo ha! Aasahan ko yan."

Tumango lang ako sa kaniya at kumindat. Saka ko tiningnan ang mga babaeng nandito. Ang triplets ay nakatingin sa 'kin na galit. Ang ibang babae naman ay inosente lang.

. . .

Ng mapansin ko ang oras, 7 pm na. Ay agad akong nagtungo sa bodega.

"Boss," tawag ng nakabantay.

"Pagod ba kayo?" tanong ko sa kanila. "Ako na ang magbabantay at matulog muna kayo."

"P-po?"

"Ako muna magbabantay tulog muna kayo... Kung ayaw niyo, kahit d'yan lang sa kubo, matulog kayo d'yan para malapit lang rito sa binabantayan niyo. Concern lang ako lalo na at hindi maayos ang tulog niyo kakabantay."

"Ang bait niyo naman po."

"Sge po."

Umalis na sila kaya napabuntong hininga ako. Saka ako pumasok sa loob. Gising pa sila. Well maaga pa naman.

Lumapit agad ako kay Celine at kinalagan siya gulat naman silang napatingin sa 'kin. Ng matapos ko siyang kalagan ay kinalagan niya ang iba pa.

Pinuntahan ko naman ang triplets at kinalagan ko rin napaupo naman sila sa sahig.

"M-makinig kayo," pag aagaw ko sa atensyon nila.

Napatingin naman sila sa 'kin. Sinugod pa ako ng iba at sinuntok pero natigil rin sila. Ng mag explain si Celine.

"Pag may dumating please mag panggap kayo at umupo or tumayo saka na kayo umalis sa pwesto niyo pag may narinig kayo tulad nito," may pinindot ako sa may relo ko. "Pag narinig niyo yan, yan ang sign na umalis kayo rito, maliwanag?"

Tumango naman sila. Saka sila umupo ulit. At ako naman ay lumabas. Pero napatigil rin ng pumasok si Tyler. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Shit! Kinakabahan ako.

"Okay kalang?" tanong niya sa 'kin.

Tumango naman ako "Oo okay lang ako, i-ikaw? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Napansin ko lang walang bantay asan sila?"

"Ahh 'yon ba?" hinawakan ko ang braso niya saka kami lumabas roon.

Sinirado ko ang malaking pinto ng bodega na ito saka ko siya hinarap.

"Ako ang magbabantay," simpleng sagot ko at umupo sa isang upuan na nasa gilid.

"Bakit naman ikaw?" takang tanong niya.

"Kasi nga bored na ako sa loob so gusto ko dito muna ako 'wag kang mag alala magbabantay lang naman ako eh," sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya kahit na alam ko sa kaloob looban niya ay hindi siya naniniwala. Saka siya umalis kaya napaupo nalang ako at napabunga ng hangin.

Shit! Muntik na ako do'n.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin