Chapter 57: Trevior

Start from the beginning
                                    

May pinasuot siya saking relo kaya sinuot ko ito.

"Just click this green button if you want to call us," sabi niya sa kaniya.

Tumango naman ako. Niyakap niya ako at hinalikan. Napahawak siya sa buhok ko at sinuklay ito pero ng mapansin niyang maikli na ito ay gulat siyang tumingin sa akin.

Mapait lang akong ngumiti sa kaniya.

"Siya may gawa nito sa buhok mo?" galit na tanong niya.

Tumango lang ako sa kaniya at niyakap siya. Pero di rin nagtaggal ang yakap namin kasi kumalas siya.

"Kailangan kunang umalis," napatingin siya sa katawan ko saka siya pumikit at napailing. "I'm sorry." Huling sabi niya saka siya umalis rito.

. . .

NIOUS QUIAS POV

Nagulat nalang ako ng wala na rito si Trevior nasa'n ang lalaking iyon?

Agad akong tumakbo papunta sa Section Monster at nagulat ako ng nando'n siya nakatayo siya habang hawak ni Xhavier at Kiro.

"Nious," tawag nila sa 'kin.

Agad nila akong hinila kaya gulat akong tumingin sa kanila. Napatingin naman ako kay Trevior ngumiti lang siya ng mapait saka tumango.

"Ano 'to? Nakita ko siya! Tinago mo siya?" galit na tanong ni Kiro.

"Kasabwat ka pala niya."

"Hindi kami magkasabwat," sabi ko sa kanila. "Hindi lang talaga siya ang may gawa ng lahat ng 'to biktima rin siya," sabi ko sa kanila.

Pero mukhang hindi sila naniniwala ang sama ng tingin nila sa 'kin.

"NASAAN SI ROGELYN?"

"SI MICA?"

"SI RHYZA?"

At iba pa nilang sigaw akmang susuntukin nila ito ng pigilan ko ang kamay niya. Galit ko silang tiningnan lahat. Kaya napahinto sila.

"HINDI SI TREVIOR ANG MAY PAKANA NG LAHAT NG 'TO KUN'DI TYLER!" sigaw ko

"T-tyler?"

"Sino siya?"

"Si T-tyler ang kambal ko," sagot ni Trevior. "He used his face and pretend that his me— Trevior. To fool you... All of us here," sagot pa niya.

"Bakit naman kami maniniwala sayo?" tanong ni Stephan.

"Tutulong ako."

"Tsk! Papatayin kita," galit na sabi ni Xhavier.

"Alam ko kung nasaan sila!" sigaw ni Trevior kaya napatigil silang lahat. "Alam ko kung nasaan sila."

"Umupo muna kayo at mag uusap tayong lahat," pagpapakalma ko sa kanila.

Umupo naman sila sa upuan nila pumasok narin ang iba pang Section Beast lalo na ang Section Silver.

Kasya naman pala kami sa iisang classroom.

←FLASHBACK←

Namumuni ako rito sa garden at nag iisip kung pa'no ko malalampasan lahat ng 'to. Galit ang lumukob sa buong sistema ko ng makita ko si Trevior sa harapan ko.

"Kumusta Nious?" tanong niya sakin na nakangiti.

"NASAAN SILA?" galit na tanong ko.

"Ewan ko," inosenteng sagot niya.

Kaya galit ko siyang sinugod ngunit agad siyang nakailag saka siya ngumisi. Nagpapalitan kami ng suntok pero para bang pareho lang ang galaw naming dalawa?

Hanggang sa mapagod ako siya naman ay nakangisi. Pareho lang talaga galaw namin. Kaya walang matatalo at walang mananalo.

Hindi si Trevior 'to. Alam ko lahat ng galaw niya pero kakaiba ang galaw niya ngayon hindi ko mabasa at ang kinaduda ko pa ay sabay ang bawat galaw namin na para bang memorise na niya lahat ng galaw ko?.

Umalis na siya. Ngunit palihim ko siyang sinundan. Alam kong hindi niya ako napapansin or he just pretending?

Ng huminto siya sa isang malaking bahay ay nag park ako na malayo sa mansiyon na iyon. Pinark ko siya sa liblib na lugar. Hindi muna ako lumabas at pinag aralang mabuti ang mansiyon na ito.

Saka kuna pinaharorot paalis ang kotse ko at bumalik sa school.

Babalikan ko 'yon baka kasi do'n niya tinatago ang mga babae?

←END OF FLASHBACK←

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now