Chapter 56: Help!

Mulai dari awal
                                    

"Hindi mo talaga mapipigilan ang puso mo pag tumibok na ito," sabi niya sabay lingon sa 'kin.

. . .

THEA GARCIA POV

Hinabol ko lang si Venice no'n ng magulat akong may mga lalaking kumuha sa kaniya. At ang mas lalong kinagulat ko ay pati ako ay kinuha nila. May pinaamoy sila sa 'kin na hindi ko alam kung ano basta nawalan nalang ako ng malay.

Nagising nalang ako sa hindi ko alam kung saang lugar ito. Nakatali ang kanang kamay ko sa gilid ng kama, naka posas ako.

Biglang bumukas ang pinto kaya naalerto ako. Nakamask siya pero kita ang ngisi sa mga labi nito basi sa paggalaw ng pinsge niya.

"S-sino ka?" tanong ko sa kaniya.

"Wala kana do'n," sagot niya.

Saka siya lumapit sa 'kin kaya umupo ako sa kama at umatras hanggang sa headboard nalang ng kama ito at wala ng maatrasan.

Napaiwas ako ng hawakan niya ang pisnge ko. Rinig ko naman ang nakakalokong tawa niya.

"Ang ganda mo pala 'no," sabi niya sa 'kin. "Kaya pala maraming lalaking nabaliw sa 'yo at napunta kapa talaga sa lalaking kinaiinisan ko nadamay ka tuloy."

"Pakawalan muna ako," sigaw ko sa kaniya.

"Nah!" sagot niya at umiling. "Hindi kita papakawalan hanggat hindi ko napapatay si Nious. Pag patay na siya saka kuna kayo papatayin."

"Nasa'n ang mga kaibigan ko?" tanong ko sa kanila

"Nasa bodega," simpleng sagot niya.

"N-nasa bodega? Ta's ako nasa kwarto?"

"Special ka kasi lalo na at alam kong ikaw ang kahinaan ni Nious kaya don't worry nasa bodega sila nakaupo sa upuan habang nakatali at ikaw naman nakahiga sa malambot na kama at nakatali ang kanang kamay."

"Demonyo ka," sigaw ko sa kaniya.

"Yeah you're right pero mas demonyo si Nious hindi mo pa siya gaanong kakilala... Gusto ko lang makita ulit ang bad side niya," huling sabi niya saka niya ako iniwan rito.

Sino siya? Bakit parang ngayon ko lang narinig ang boses niya?

Dinadalhan naman nila ako ng pagkain rito. Hindi nga lang pinapaligo kasi ayaw nilang tanggalin ang posas ko. Wala raw rito ang leader nila.

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo na akong narito pero amoy kuna ang sarili ko.

May pumasok naman dala ang pagkain. Umupo ako ng maayos at tiningnan siya.

"Nasaan ang amo niyo?" tanong ko sa kaniya.

"Kumain kana."... Ayh sungit!

"Wala ba kayong planong paliguin ako?" tanong ko sa kaniya.

Napabuntong hininga nalang siya saka niya ako kinalagan at tinuro ang banyo. Agad naman akong pumasok sa banyo at naligo ng makalabas ako na nakatowel.

"Lumabas ka nga," inis na sigaw ko rito.

Lumabas naman ito kaya napangiti ako. Agad akong nagbihis saka naghanap ng pwedeng matakasan. Ngunit mukhang nasa 4th floor ako. Sana nagpaturo ako kay Kuya kung pano tumalon sa ganitong kataas na floor.

Bumukas naman ang pinto saka do'n pumasok doon ang lalaking ito ngunit hindi mask sa may bibig ang suot niya kundi mask na sa mata lang ang takip.

"Hello Thea trying to escape?" tanong niya, "I can help you," nakangising sabi niya.

Saka niya hinila ang buhok ko at saka niya ako binitawan. Napaupo ako sa sahig habang nakahawak ang buhok ko.

"I can kill you," sigaw niya.

Napalunok naman ako. Pinatayo niya ako gamit ang mahigpit na pagkawak niya sa braso ko. Kaya napadaing ako sa sakit.

"Escape again and I will kill you," bulong niya sa tainga ko saka patapong tinulak sa kama. "Or i will rape you." Saka pa niya nilabas ang dila niya at dinilaan ang labi niya.

Kaya napaupo ako sa gitna ng kama at sumandal sa may headboard habang yakap ang dalawang tuhod ko.

"H-hindi na ako tatakas," sagot ko sa kaniya.

"Good, once na tumakas ka ulit... Masarap ka pa naman," rinig ko ang pagsara ng pinto kaya napaangat ako ng tingin.

Do'n na ako umiyak. Wala akong magagawa kun'di ang manahimik nalang rito. Kung ayaw kung magalaw o di kaya'y ma patay.

"Nious," banggit ko sa pangalan niya habang umiiyak.

Please I need your help. I can't take it anymore.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang