Chapter 46: Darrel Chau

Start from the beginning
                                    

Ngunit hindi siya umalis sa likod ko. Irita ko siyang hinarap huminto naman siya at ngumiti sa akin.

"Last ka na talaga Darrel at papatayin na kita," pagbabanta ko.

"Bakit kaya mo?" nakataas pa ang isang kilay nito.

Napairap nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Isang linggo na siyang mag aaral rito at walang kahit na isang araw na hindi niya ako sinusundan. Nakakairita na siya kung alam niyo lang.

"Please lang Mr. Transfery wala akong time para makipag kaibigan sa iyo at wala akong time para makipag halubilo sa tao," inis na sabi ko.

Napairap nalang ako saka ko siya iniwan hindi na naman siya sumunod. Pumunta ako sa library at napangiti ng makita si Lyka.

Lumapit ako sa kaniya at nakipagbeso.

"Kumusta kana Thea?" tanong niya.

"Wala paring pinagbago," mahinang sabi ko.

May tinuro siya gamit ang nguso niya kaya napatingin ako roon. Nakita kong nakasandal si Darrel sa may pinto sa Library.

"Kamukha niya si Nious," bulong niya sa 'kin.

"Yeah alam ko."

Pero hindi ko ramdam na siya si Nious. Magkahawig lang sila. Pero hindi nag aabnormal ang tibok ng puso ko tuwing kasama ko si Darrel.

. . .

DARREL CHAU POV

Nakakatuwang pag tripan si Thea lalo na at lagi itong pikon. Nakapamulsa akong nagtungo ulit sa Section Iron.

Umupo ako sa likod. Magaganda ang mga estudyante na narito. Lalo na si Lyka pati narin si Marga pero mukhang type 'ata ni Andrew si Marga kaya 'wag nalang.

Si Lyka naman hayst! Hindi ko alam pero mukhang may gusto siya kay Astril. Magaganda nga ang nandito pero mukhang mga may jowa na.

Maliban nalang sa isa. Hehe! Nerd siya, cute, lagi siyang may suot na headset at lagi siyang naka boots kaya masasabi kung baduy din siya.

Landi mo Darrel.

Napaayos ako ng upo ng pumasok si Trevior. Painosente ang baliw.

Palihim ko siyang pinagmamasdan. At sinusuri ang mga galaw niya kung may kahi kahinala ba.

Ngunit mukhang sanay na siya kasi hindi man lang siya halata kumilos.

Napailing nalang ako. Marami na siyang napatay at muntik na napatay. Ako talaga ang papatay sa 'yo Trevior kaya lang hindi pwede e.

Sabi kasi dapat si Leon ang pumatay sa 'yo. Nanghingi siya ng kondisyon eh ang sabi niya gusto niya siya mismo ang pumatay kay Trevior para makahigante siya sa ginawa ni Trevior kay Cassie.

Pag ibig nga naman.

Speaking of pag ibig hehe. Mukhang type ko rin ang cute nerd na 'to haha.

"Landi mo talaga Darrel," bulong sa sarili at sinasampal ang pisnge ko.

Kaya napatingin sila sa 'kin. Napatingin naman ako sa cute nerd nakatingin rin siya sa 'kin. Napa iwas nalang ako ng tingin.

Nakakahiya 'yon!

Hehe mukhang wala namang kahi-kahinalang ginagawa si Trevior. Kaya susundin ko muna ang gusto ng puso ko.

Nakita ko sa 'di kalayuan si Ms. Cute Nerd kaya lumapit ako roon at umupo sa tabi niya.

Tumingin naman siya sa 'kin kaya ngumiti ako at kumaway. Tinanggal niya naman ang earphone na nakasabit sa tainga niya at tumingin sa akin.

"Umh! Ako nga pala si Darrel," pagpakilala ko at inabot ang kamay ko.

Ngunit tiningnan niya lang ang kamay ko saka binalik ulit ang earphone sa tainga niya. Napakamot naman ako sa batok ko.

"Hehe yan gusto ko yung pa hard to get," bulong ko habang tumatawa.

Tumayo siya kaya sinundan ko siya. Ng mapansin niyang sinundan ko siya ay tumingin siya sakin.

"What do you need?" tanong niya.

Pati ba naman boses niya ang cute parang in love na' ata ako haha.

"Ikaw ang kailangan ko," bulong ko.

"What?" inis na tanong niya.

"Ang sabi ko ang ganda mo," ngumiti ako ngunit umirap lang siya.

Umalis siya pero sinundan ko parin nagulat ako ng hinila niya ako at sinandal sa may shelves.

"Stop following me," inis na sabi niya.

"Im Darrel and you are?" tanong ko.

"Angelica," simpleng sagot niya.

Diba dapat mga lalaki ng gumawa niyan? 'Yung nag cocorner? Hehe next time nalang.

"Yeah mukha ka ngang anghel na binaba sa langit," sabi ko with action pa.

"Ayaw ko ng mga lalaking may topak." Huling sabi niya bago ako iniwan.

Ano sabi niya? May tumbak? Ha?

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now