Chapter 2

14 2 0
                                    

𝚂𝚑𝚒𝚎𝚗'𝚜 𝙿𝙾𝚅

Hanggang ngayong pabalik sa town ay hindi parin maalis sa'king isipan ang nangyari kani-kanina lang. Sa pagkakaalam ko kasi tatlong level lang ng creatures o monsters ang mayroon. Pero bakit ang Forest Snail na napatay ko kanina ay isang Celestial? At isa pa, wala man lang kahirap-hirap kung patayin ang klase o antas ng monster na iyon. Is it because of its nature? Na kung saan nahanap ko agad ang weak spot niya. Naituro kasi sa paaralan 'yun.

Bahala na nga. Dagdag pasakit lang sa ulo ko iyan. Tsk. But something in me keeps me bothered about it and I can't stop thinking about it.

Huminto na muna ako saglit at tiningnan ang Meta-Status ko. Ang Meta-Status na tinutukoy ko ay ang profile ng isang hunter. 

«ꕥ» [𝙼𝚎𝚝𝚊-𝚂𝚝𝚊𝚝𝚞𝚜] «ꕥ»

𝙷𝚞𝚗𝚝𝚎𝚛 𝙽𝚊𝚖𝚎: 𝙴𝚗

𝙻𝚎𝚟𝚎𝚕: 13

𝙿𝙾𝙸𝙽𝚃𝚂

𝙿𝚛𝚒𝚖𝚊𝚝𝚎 - 80

𝙳𝚎𝚟𝚒𝚊𝚗𝚝 - 30

𝙲𝚊𝚒𝚝𝚒𝚏 - 10

𝙲𝚎𝚕𝚎𝚜𝚝𝚒𝚊𝚕 - 5

𝚆𝙴𝙰𝙿𝙾𝙽/𝚂

𝙳𝚘𝚞𝚋𝚕𝚎-𝚎𝚍𝚐𝚎 𝚋𝚕𝚊𝚍𝚎𝙻𝚎𝚟𝚎𝚕 5(10 𝚖𝚊𝚡) [𝙼𝚎𝚕𝚎𝚎 𝚊𝚗𝚍 𝚜𝚑𝚘𝚛𝚝 𝚛𝚊𝚗𝚐𝚎]

𝙲𝚁𝙴𝙰𝚂𝙾𝚄𝙻

𝙲𝚕𝚘𝚊𝚔 𝙰𝚛𝚖𝚘𝚞𝚛[ 𝙲𝙴𝙻𝙴𝚂𝚃𝙸𝙰𝙻+𝚜𝚜𝚜 ]

---» 𝙰𝚕𝚕𝚘𝚠𝚜 𝚝𝚑𝚎 𝚞𝚜𝚎𝚛 𝚝𝚘 𝚑𝚒𝚍𝚎 𝚒𝚝𝚜 𝚒𝚍𝚎𝚗𝚝𝚒𝚝𝚢 𝚊𝚗𝚍 𝚙𝚛𝚘𝚝𝚎𝚌𝚝𝚜 𝚒𝚝 𝚏𝚛𝚘𝚖 𝚊𝚗𝚢 𝚔𝚒𝚗𝚍𝚜 𝚘𝚏 𝚑𝚊𝚛𝚖.

𝙰𝙼𝙸𝚃𝚈

𝚂𝚙𝚛𝚒𝚗𝚝 𝙻𝚎𝚟𝚎𝚕 3

---» 𝚊𝚕𝚕𝚘𝚠𝚜 𝚝𝚑𝚎 𝚞𝚜𝚎𝚛 𝚝𝚘 𝚖𝚘𝚟𝚎 𝚒𝚗 𝚊 𝚜𝚙𝚎𝚎𝚍 𝚘𝚏 𝚕𝚒𝚐𝚑𝚝 𝚒𝚗 𝚊 𝚜𝚑o𝚛𝚝 𝚜𝚙𝚊𝚗 𝚘𝚏 𝚝𝚒𝚖𝚎.

𝚄𝚗𝚔𝚗𝚘𝚠𝚗 𝙻𝚎𝚟𝚎𝚕(𝚖𝚊𝚡)

𝙿𝙴𝚃

𝙳𝚎𝚟𝚒𝚊𝚗𝚝 𝚆𝚑𝚒𝚝𝚎 𝚆𝚘𝚕𝚏𝙻𝚎𝚟𝚎𝚕 5

--» 𝚆𝚊𝚛𝚛𝚒𝚘𝚛 𝙵𝚘𝚛𝚖 [(𝙻𝚘𝚌𝚔𝚎𝚍) 𝚛𝚎𝚊𝚌𝚑 𝙻𝚎𝚟𝚎𝚕 7 𝚝𝚘 𝚞𝚗𝚕𝚘𝚌𝚔 𝚝𝚘 𝚎𝚗𝚐𝚊𝚐𝚎 𝚒𝚗 𝚏𝚒𝚐𝚑𝚝𝚜.]

--» 𝙼𝚘𝚞𝚗𝚝 𝙵𝚘𝚛𝚖 ([𝙻𝚘𝚌𝚔𝚎𝚍] 𝚛𝚎𝚊𝚌𝚑 𝙻𝚎𝚟𝚎𝚕 7 𝚝𝚘 𝚞𝚗𝚌𝚕𝚘𝚌𝚔)


Napabuntung hininga nalang ako ng makita ko ang stat window ko. I swiped in the air again and disappeard. Bago kasi ako umalis kanina nang Passel Forest ay iniluto ko na muna ang karne ng Celestial Forest Snail at kinain ito. Shell nalang ang natira ngayon sa'kin at mamaya ay ito naman ang ihahapunan ko. Kanina ko pa'rin iniisip kong ano ang unknown na amity na iyan. Wala kasing info na nakalagay kaya di ko alam.

As what I have said, this era now is the result of a phenomena na kung saan a VRMMORPG and reality have merged as one. Sa maniwala man kayo at sa hindi.

Hindi lang din yan ang nagbago. Even technology became advanced than before. Mas naging mabilis na ang internet ngayon at ang mga computers na ngayon ay hindi na kagaya ng dati na meron pa siyang cpu. Ang ngayon ay isang kumpas mo lang sa hangin at meron nang lalabas na interface na kung saan para siyang transparent screen that displays your window just like in the monitors of an old computer. Nakaconnect ito sa tech-bracelet. Na ang hitsura ay simple lang naman na merong one inch na width and ang length naman ay depende sa pagkakapagkasya sa wrist mo. It is identical at walang pwedeng magkakaparehas kasi pinapatakan mo ito ng kahit one drop lang ng dugo mo and all informations about you will be stored there. Oh di ba, sana all.

But I actually envied our ancestors, they must excert effort first to get what they need and want. Sa panahon dati kailangan mo pang magsipag pero ngayon ay kahit na pagpatay lang ng ilaw kapag matutulog na ay in-voice command na. At yung simpleng pagbukas ng doorknob ay nawala na rin kasi sensor na ang gamit ngayon at voice-command in order for the door to open. Meron pa ngang mga retina scan eh. 

But nah, sa bahay naman kasi namin, meron ka pang makikitang nga bagay na normal pa naman. Sa madaling salita, hindi pa nasasakop ng tuluyan ng pag-ka-advance ang bahay namin. 'Yung hindi ba agad na sumusunod sa uso? Yep, ganon nga. 

Sa hindi kalayuan, nakikita ko na ang medyo may kataasang gate na mga 20-25 meters ang taas. Meron doong nagbabantay na mga knight. Binilisan ko na ang paglalakad ko kasi baka mapagalitan na naman ako ng mga tao sa bahay. Hindi kasi ako nakapag-paalam na magha-hunt ako ngayon. 

"Password?" Tanong sa'kin ng isang knight na nagbabantay.

"Seriously kuya George?" Tanong ko na medyo naiirita. Muntikan na akong mapa-roll eyes ng dahil sa kanya.

Napabungisngis naman ang kasama niyang si kuya Gary. 

"Eto namang si Cali hindi mabiro oh," sagot nito.

"Osya, alis na. Kanina ka pa hinihintay ng mama mo," dagdag pa ni kuya George.

Namilog naman ang mga mata ko at tinakbo na ang daan papunta sa bahay namin. 

Pagkarating sa bahay ay sa pinto na nakaabang abng aking mabutihing ina na nakapameyang na ano mang oras ay uusok na ang ilong at tenga sa galit. Hehe.

"Ma! Ganda natin ngayon ah. Mukhang palagi kang blooning ah. Ano sekreto mo ma?" pasakalye kong salubong rito. Bigla namang lumiwanag ang mukha ni mama ng sabihin ko iyon. Ayos! Hahaha. May pagkauto-uto kasi siya minsan eh. Shhh.

Dumeretso naman na sa loob si Popcorn na kanina pa nakasunod sa'kin. Kinuha kasi ng isang robot na katulong namin dito ang bag sa kanya kaya pumasok na siya. Aba, iniwan ako. Sabagay, sanay na'kong iwan. Char.

"Ganon ba?" Tanong ni mama at nagsimula nang magbahagi ng mga pinaglalagay niya sa mukha. Ako naman ay nakangiwing nakikinig lang dito. Pero ayos na rin yon at least hindi na'ko na sermonan.

𒊹︎︎︎ꕥ𒊹︎︎︎

THANK YOU!

HAPPY READING!

Genetics: The Moonstone [On-going]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz