40 "Action Speaks Louder Than Words"

45K 834 68
                                                  

40

"Action Speaks Louder Than Words"

Katapos ko lang magshower ulit. Sayang sa damit. Pasaway kasi 'tong Tonsi na 'to. Medyo gutom na din ako. Makatulong na lang sa baba sa pagpe-prepare ng lunch. Baka sabihin ang tamad ko talaga.

Bumaba na ako at papasok na sa kitchen ng marinig kong nagtatawanan sina Tonsi at yung yaya nya.

"Ah To⎼" bigla akong napatigil ng marinig ko yung tanong ni manang. Nagtago muna ako sa may likod ng pinto at makikinig muna ako. Baka kasi nilalait-lait na ko nitong mga 'to eh.

"Pilyo ka talagang bata ka. Pero kung ako ang gagawa nun sa kanya? Naku baka mas malala pa dun ang ginawa ko." Sabi ni manang habang tawa ng tawa.

Natawa lang si Tonsi. Hindi pa sya nagsasalita. Sinisilip ko kung anong ginagawa nila.

"Mukhang gusto mo sya anak ah." Biglang naging seryoso yung boses ni manang.

"Na – naku yaya hindi no? Si – si Torrence? Malabo yun." Nauutal na sabi ni Tonsi. Para syang natataranta.

Malabo din namang magkagusto ako sa kanya no! Feeling lang.

"Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya eh. Alam mo hindi naman masamang magkanobya, pero – " biglang pinutol ni Tonsi yung sinasabi ni manang.

"Yaya, kayo lang po ni mommy ang babae sa buhay ko. Wala ng iba okay?" parang naiinis na si Tonsi. Ayaw pala nya ng usapang babae.

"Ikaw talagang bata ka. Paano dadami ang lahi nyo kung hindi ka mag-aasawa. Parte ng buhay ang magmahal, kaya wag kang matakot." Ibang iba makipagusap si manang kay Tonsi sa pakikipagusap nya sa'kin.

Seryoso talaga yung usapan nila?

"Pero yaya, ngayon lang din ako naging ganun kaclose sa babae. Kasi iba sya sa lahat, ang tapang. Hindi sya natatakot sa'kin. Tapos nakakatuwa ang itsura nya kapag nagagalit. Gustong-gusto ko syang nakikitang naiinis. Kaya lagi akong gumagawa ng paraan para magalit sya sa'kin. Pero – " tumigil sya sandali.

Nagtago ako maigi kasi baka makita ako sabihin pa tsismosa ako.

"Pero kapag ibang tao yung nananakit sa kanya, sobra akong nagagalit. Gusto kong magwala, gusto kong parusahan silang lahat." Tapos bigla naman syang tumawa. Nababaliw na ata sya. "Pero may iba naman syang gusto. At yung gusto nya pa yung laging nagpapaiyak sa kanya."

"Gusto mo ba sya?" seryosong tanong ni manang.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi naman ako yung tinutukoy ni Tonsi di ba? Ay Torrence!

"Hindi ko alam kung ano yung pakiramdam kapag may gusto ka sa isang babae. Pero kapag nakikita ko sya parang nag-iiba ako. Parang hindi ako yung taong kinakatakutan ng lahat." Mahinahon lang ang boses nya. Walang galit o pangaasar. Naku, mali atang makinig ako dito.

Tumawa si manang. "Ay ang alaga ko umiibig na."

"Yaya, hindi ako umiibig. Tigilan nyo nga ako." Finally bumalik na yung nakakainis nyang boses.

"Eh sino ba yang tinutukoy mong babae?" tanong ni manang sa kanya.

Dahil hindi ko mapigilan ang kaba ko bigla na kong nagsalita.

"Wow, may nagugustuhan din palang babae ang katulad mo? Sino naman ang malas na yun?" bigla akong pumasok sa loob at nakisali sa kanila.

"Kanina ka pa ba dyan?" nakakatawa yung itsura ni Tonsi. Nanlalaki yung mata at hindi makatingin ng ayos sa'kin. Parang nahihiya pero masungit pa din.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon