Chapter 13: Back At One

ابدأ من البداية
                                    

“What brought you here? About kay Apollo ba? I've heard that he's now improving?” Napatango naman ako.

“Ah 'yon nga po. Ah kasi po okay naman po si.. A-Apollo. Siguro po pwede na po akong bumalik sa dati kong trabaho?” Seryosong napatingin saakin si dean na nagpakaba saakin.

“Binubully kaba niya Ms. Ellison?” Napaangat ako ng tingin at dali-daling umiling.
“Hindi po, wala po. Ah kasi po okay naman siya at sa tingin ko po ay hindi niya na ako kailangan pa.”

Ayokong mas lalo pang mapalapit kay Apollo lalo na ngayon na alam ko na. Mahirap kalaban ang puso kaya hanggang maaga pa ako na mismo ang gagawa ng paraan na hindi na lumalim ang pagtingin sa kaniya. Ano man itong nararamdaman ko ngayon, hanggang dito nalang ito.

“Oh kung 'yan ang iyong desisyon Ms. Ellison. And by the way I'm so thankful sa tulong mo dahil malaki talaga ang pagbabago ng pamangkin ko.” Napatango naman ako.

“Walang anuman po dean. Maraming salamat din po!” tugon ko.

“And sa sweldo mo pala, punta ka dito mamayang hapon. Okay?” Napailing naman ako. Wala naman talaga akong ginawa kaya nakakahiya namang tatanggap ako.

“Ah 'wag na po dean. Sapat na po ang scholarship ng school. Maraming salamat po talaga!” Napailing si dean at hinawakan ang kamay ko.

“You've done well Ms. Ellison at hindi ako makakapayag na wala kang matatanggap.”

Tango na lamang ang naging tugon ko at nagpaalam na. Huminga ako nang malalim at naglakad na patungo sa classroom ng subject ko ngayong araw.

“Kilala mo si Apollo diba?”

“Oo 'yong gwapong engineering student na anak ng may-ari ng school? Sino ba namang hindi makakilala sa kaniya?”

“May jowa na raw! Nakita raw kasi silang magkasama ng isang nursing student. Nag date yata!”

“Hala talaga? Sayang naman. Sino raw?”

“Jane ba' yon? Joyce? Ah Joy!”

Napalingon ako sa dalawang babae na nag-uusap. Hindi ko mapigilang makichismis.

Parang unti-unting dinudurog ang puso ko. Ngayon hindi ko talaga pinagsisisihan ang desisyon kong layuan siya.

Congrats. Congrats sa kanila.

Pumasok na ako sa classroom. “Safira totoo bang si Joy at Apollo na?” bungad ng isa kong kaklase.

“Close kayo ni Joy diba?” dagdag tanong niya. Parang reporter talaga 'tong mga kaklase ko.

“Hindi ko alam,” maikling tugon ko.

Nakakawalang gana. Hindi naman ako ganito noon pero bakit ang hirap ngayon. Noon ay ang pang araw-araw na pagkain lang namin ni mama at Jeje ang inaalala ko bakit nag iba na ngayon?

Dumaan ang araw na hindi naman pumasok si Joy. Hindi ko alam kung nasaan siya.

Pauwi na ako ngayon at katulad nang sabi kanina ni dean ay dadaanan ko muna siya sa office.

Mabilis ang lakad ko nang marating ko na ang engineering department. Ngunit laking gulat ko nang biglang may humila saakin.

“Safira.” Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makilala ko kung sino ang taong humila saakin.

“B-Bakit?” Nahihirapang tanong ko kay Apollo. Nakahawak ito sa kamay ko at wala siyang balak na bitawan ako.

Napatingin ako sa paligid at pinagtitinginan na kami ng maraming tao. Kahit kinakabahan ako'y ako na mismo ang humila sa kaniya sa medyo walang taong lugar.

“Why?” tanong niya. Umiling ako at pilit na kumawala sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya parin ako binibitawan.

“Bitawan mo ako Apollo,” mahinahong saad ko. Hindi ako makatingin sa kaniya sapagkat mas lalo lang lumalakas ang tibok ng puso ko.

“Baka ano pang sabihin ng mga tao!” dagdag ko. Napakunot naman ang noo niya. “What? What's with the peoples opinion?” he asked.

Huminga ako nang malalim at ginamit ang lakas ko para tuluyang makawala sa pagkakahawak niya.

“Kayo na ni Joy Apollo at kapag nakita nila tayong magkasama baka ma issue pa. Kaibigan ko si Joy.” Aakmang aalis na ako ngunit pinigilan niya na naman ako.

“What? I'm here to ask for your help.” Napatitig ako sa kaniya. Biglang tumibok ang puso ko nang maglakbay ang mata ko sa gwapong mukha nito. Masama na ito!

“Sinabihan ko na si dean na tapos na ang paggaguide ko sa'yo. You're already doing well Apollo at kaya mo naman siguro 'yan diba?”

Napakunot ang noo niya. Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagsimula nang maglakad ngunit napalingon ako sa kaniya nang magsalita ito.

“I’m willing to go back for who I am before if that was the only choice I have to be with you again Safira.”

Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED] حيث تعيش القصص. اكتشف الآن