3|Evil Met The Boy

0 0 0
                                    

Kabanata 3

...

Nababagot na naman ang demonyo or is should say nababagot ako,at oo aminado ako demonyo ako bakit may problema? Ang ibang estudyante ang tawag nila sakin Evil Queen or Demon Queen galing ko ba naman makipaglaban walang patawad bugbog kung bugbog,dugo kung dugo pero hindi ko pa naman na ta try ung patay kung patay. Mabalik tayo, ayon nga bored na naman ako di ko naman pwedeng tawagin o daldalin si Lenon kc nga sasanayin ko na ang sarili ko na hindi sya makaclose para nga pag nag ka girlfriend na sya edi okay lang ako di na ako maninibago.

And speaking of me or speaking of the devil iniluwa ng pinto si Lenon at nagkunwari naman akong busy sa pagbabasa ng libro.

"Kelan ka pa natutong magbasa ng libro?" tanong nito sakin

"Kanina lang" malamig na sagot ko sa kanya at nakatingin parin sa libro.

"ahmm...hanggang kelan ka matatapos magbasa ng libro?" tanong nya.

"baka mamaya pa" malamig na tugon ko ulit

"Ba't ang cold mo ngayong araw? May problema ba?" malumanay nitong tanong.

"Wala" matipid kong sagot.

"Pwede ka ba mamayang hapon? Punta tayo sa mall mag milk tea tayo tas gala tayo sa star city" sabay ngiti nyang saad.

"Di ako pwede" kahit gustong-gusto kong sumama kailangan kong magmatigas, kailangan kong masanay.

"Wow ha himala tumanggi ka ngayon,tsaka ano namang gagawin ko at hindi ka pwede?" pagtatanong nya.

"..." nagkibit balikat na lang ako para sa sagot kong ewan.

"anong ewan?" pagtatanong nya. "Alam mo kanina pa akong dada dito ng dada tapos ikaw naman ang tahi tahimik mo ano bang nangyari sayo? Or nangiiyamot ka lang?" naiinis na tanong nya

"Wala. Tsaka ba't di mo isama ung girlfriend mo" sagot ko sa kanya

"Nagseselos ka noh? May gusto ka sakin?" tumingin ako sa kanya.

"Hindi tayo talo" sabag balik ng mata ko sa libro.

"Nagtatampo ka pa rin ba dahil hindi ko pinakita sayo ung laman ng paper bag at kung para kanino talaga un?" tanong nya

"Hindi ako nagtatampo,tsaka sino ba yang girlfriend mo ipakilala mo sakin,don't worry di ko naman aagawin" malamig kong saad.

"First of all wala talaga akong girlfriend,pangalawa ung laman ng paper bag ay oversized t-shirt na kulay black at pangatlo para sayo un" nagulat ako sa sinabi nya pero hindi ko pinakita ung reaksyon ko.

"ok" tipid kong sagot.

"oh eto nga oh dala ko na,ohh" sabay abot nya sakin.

"ilagay mo na lang dyan" malamig kong saad. Pero sa totoo masaya ako ayon kasi ung damit na sana ay bibilhin ko sa mall nung nag-gala kaming dalwa kaso di ko nabili kasi nagka emergency dito sa University.

At inilapag nya sa lamesa at pagkatapos non ay ngiting-ngiti sya na tumingin sakin.

"Salamat,makakaalis ka na" malamig kong pagtataboy sa kanya

"What?" nagtatakang tanong nito dahil kahit kelan ei hindi ko sya nagawanh ipagtabuyan.

"Hindi ako makapagfocus,bilisan mo umalis ka na" papaalis na sana sya nasa pinto na sya.

"Mr. Chua" napalingon sya sakin na nakatutok parin sa libro,tinapunan ko nman sya ng tingin.

"Tinawag mo ba ako sa last name ko?" nagtatakang tanong nya

"oo bkit? May problema?"

"w-wala naman" siguro takang-taka sya kung ba't ako nagkakaganto.

"Pakitawag ung lalaking nabully ng isang araw at sabihin mo pumunta dito sa office ko" tumango na lang sya at kita pa rin sa mukha nya ang pagtataka.

And yes may sarili rin akong office napunta ako dito tuwing lunch maliban na lang kung gusto ko sa condo ko tumambay at sa office ko rin ako nag-re-review tuwing mag p-periodical test.

Lenon's POV

Habang papunta ako sa section nung lalaki na pinapatawag ni Allen ay takang-taka pa rin ako sa inaasal ngayon ni Allen,para syang ibang tao,sinapian ba sya ng dyablo? Or masamang espirito,demonyo at kung ano-ano pa?

Nakarating na ako sa Class II-12

"Hi Prof Han" bati ko sa professor na nagkaklase sa seksyon.

"Oh ikaw pala Mr. Chua anong kailangan mo?" tanong nito.

At oo isa rin ako sa iginagalang sa University na toh,kc si papa at si Master Choi ang papa ni Allen ay mag business partner at si papa ay ang 2nd Principal ng University na ito.

"Ahmm...sir meron bang transferee sa seksyon na ito? At ung nabugbog nung isang araw?" tanong ko.

"Ahh yes may transferee dito ahh hijo please stand up" tumingin ito sa lalaking nasa kalikod-likodan,at dahan dahan itong tumayo.

"What is your name?" tanong ko. Wala akong idea kung bat pinapatawag toh ni Allen.

"Zhou Yhiran" sagot nito na halatang natatakot sakin. Mukha ba akong nangangain ng tao? Ei sa gwapo kong toh si Allen na lang ata ang hindi na f-fall sakin ei.

"Mr. Zhou iniimbitahan ka ni Ms. Allen Choi sa kanyang office" ang lahat ay nagtahimikan dahil sa narinig.

"Ahm hijo sige na sumama ka kay Mr. Chua" saad ni Prof. Han

Sumunod naman ito sakin na ramdam ko na sobrang kabado sya pareho kaming walang ideya sa mga nagaganap.

"Wag kang kabahan,hindi naman un nangangagat.....nangbabali lang ng buto" sabay ngisi ko.

Allen's POV

Pagkalabas na pagkalabas ni Lenon ay agad kong kinuha ang oversized t-shirt at sinukat ito saktong sakton nga sakin tas bagay pa. Pero noong may narinig akong mga yabag ng paa kaya agad kong ibinalik ang oversized t-shirt sa paperbag at nagkunwaring nagbabasa pa rin. At tulad ng inaasahan ko sina Lenon at ung nabully na lalaki ang pumasok sa office ko.

"Lenon maiwan mo muna kami" malamig kong utos kay Lenon at nagku-kunwaring nag babasa pa rin ng libro.

"What?" tanong nito.

"Binge ka ba? Sabi ko lumabas ka" at lumabas naman ito.

Agad kong isinara ang libro na binabasa ko pagkalabas na pagkalabas ni Lenon at tumingin sa lalaking pinatawag ko na halatang nanginginig sa takot,na trauma ba toh sakin? Di ko naman sya binugbog ah,pinagtanggol ko oa nga sya ei.

"Anong pangalan mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

"A-Im C-Chen Yhiran Zhou" garalgal nitong tugon sakin.

"So Mr. Zhou ikaw ung niligtas ko diba?" actually late talaga ako ng dating kaya hindi ko sya naligtas dapat pala sinabi ko na lang na pinagtanggol ko sya.

"A-ako nga po" turan nito

"Maupo ka" at dali-dali syang umupo.

Mmm..matangkad sya,gwapo katulad ko,mistiso,feeling ko mabait naman at matalino lampa nga lang.

Kumuha ako sa drawer sa lamesa ko ng isang sobre na mayroong 5K at ibinigay sa kanya. Napatingin lang sya sakin at kita sa mukha nya na nagtataka sya.










You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boy Meets EvilWhere stories live. Discover now