Prologo

3 0 0
                                    

Prologo

Pano kung isang babae na talo pa ang mga sigang lalaki,laban sa isang mahirap at lampa na lalaki? I can't imagine. Isang babae na pusong lalaki at kapwa babae nya rin ang gusto laban sa isang lalaking nagmamahal lang, pero pano kung iisa lang na babae yung natitipuhan nila? Sinong mananalo sa laban? Sinong magpapaubaya? O baka naman dahil pagtatalo mahulog sila.





...



Maganda ang araw ngayon sing liwanag ng paniniwala ko na ito ang swerteng araw ko. Masaya kong nililibot ang unibersidad at nagbabakasakaling makita ang babaeng nagpapatibok sa aking puso,pero bigo ako siguro ay nakapasok na ito sa kanyang silid aralan. Pabalik na sana ako sa dormitoryo ko dahil napakaaga pa naman at malabong magsimula ang klase ilang oras pa ang hihintayin dahil may meeting ang mga guro,pero nakakita ako ng apat lalaki,ang tatlo ay binubugbog ang isang lalaki,pinagsisipa nila ito at sinusuntok,dali dali akong lumapit,syempre mahilig ako sa gulo.

"Hoy!" sigaw ko sa mga lalaking bully,ngunit hindi nakasagot ang kasama nitong dalwang lalaki.

"Aba oh pag nga naman sineswerte,kita mo tol babae na ang lumalapit satin" sabay ngisi ng lalaki.

At oo babae ako,may problema ba?

"Hey babygirl" turan ulit nung lalaki.

"Oh hey baby" sabay kindat ko . Sinakyan ko ang trip ng mokong na ito.

"T-tol u-umalis na tayo" wika naman nung isang lalaking halatang natatakot na.

"Oh napaano ka naman? Natatakot kayo sa isang babae lang?" sabay tawa nito.

"T-tara na" hila nung isang lalaki sa isa nya pang kasamang lalaki at naiwan ang pinakaleader nila.

"Hoy! Mga duwag!" sigaw nito sa dalwa nyang kasama na ngayon ay sinisikap tumakbo hanggat kaya pa nila,at muling lumingon ang lalaki sa akin.

"Transferee ka?" tanong ko sa kanya,sabay lagay ko ng kamay ko sa balikat nya at umikot ako sa kanya.

"Yes baby,bakit iwewelcome mo ba ako? Kung oo naghihintay na ang kama ko" ay gago pala toh ei,di lang siraulo manyakis pa.

"Oo gusto kitang i welcome baby" wika kong mapang-akit. Nakikita ko na nagkakarami na ang mga taong nakabilog sa amin, dahil excited na sila sa kung anong gagawin ko. At nakita ko si Lenon na nandoon din sa bilog ng mga tao at nakangisi lang sa akin. Tumango ako sa kanya bilang simbolo na kunin ung binulling lalaki at dalhin sa clinic at ako na ang bahala sa isang mokong na lalaking ito. At nag ok sign (👌) naman sya


Si Lenon Chiu ang bestfriend ko bata pa lang kami partner on crime na kami ,tinuturing ko na syang kapatid at sya ang kanang kamay ko,sa kanya ko sinasabi lahat ng bigat na nararamdaman ko.


"So halikana iwelcome mo na ako,pero teka ba't kayo nandito ha!" sigaw nito sa mga estudyante na nakapaligid sa amin at pinagtatawanan lang sya

"Anong nakakatawa ha?!" bulyaw ulit nito.

"Hayaan mo na sila baby,wag mo silang pansinin inggit lang sila sayo"turan ko.

"Ready ka na baby?"

...

Thank you for your time 🥺
It will be continue....













Boy Meets EvilWhere stories live. Discover now