"Offering?" Suminghal ako. "Para saan?"

Hindi kaagad siya sumagot na para bang may inisip na muna siya. "Iyan ba ang pinunta mo rito sa lugar ni Mr. Martinez?"

Pilit akong tumawa nang sarkastiko. "Hindi kaya!"

Ngumisi siya. "Ms. Martinez, the coffee was just nothing."

Humalukipkip ako. "If it's nothing then why did you give it to me? Huwag mong sabihin na type mo ako, okay? Pumaparaan ka lang ba?"

Hindi na ako magugulat kung may gusto nga isya sa 'kin. I mean, I'm the girl that everybody likes. 'Tsaka aware naman ako na maganda ako. It's normal to be liked. Duh.

Bahagya siyang nagulat bago ngumiti nang maliit. "Hindi, Ms. Martinez. I don't like you."

That was offending! Pero inirapan ko siya.

"That was just out of kindness. Don't exaggerate."

Sumimangot ako. "There's no such thing as kindness nowadays, Atty. Perez."

"Cooper. Call me Cooper."

Ngumisi ako. "No thanks."

Mahina siyang huminga nang malalim at nilagpasan na ako. Nakasimangot pa rin ako nang humarap sa kanya, hinayaan siyang mauna sa elevator. 

Bahala siya 'no! I don't want to be in the same space with him!

"Don't exaggerate, Euresah."

Mas sumimangot ako lalo na at may halong panunukso ang kanyang ngiti! He went inside the elevator and stared at me until it closed.

I stomped my foot. Nakakainis! Close ba kami para tawagin siya sa pangalan niya? And why am I here in the first place?

Naku, Euresah, kailangan mo nang magtino!

Bumalik ako sa opisina na mainit ang ulo. Kaagad iyong napansin ni Greg kaya wala siyang sinabi at hinayaan lamang akong magdabog sa loob ng opisina. I kicked my shelf out of anger!

That was embarassing. Baka isipin niya na may something sa part ko 'yung pagbigay niya ng kape. I was just clearing things between us kaya!

Hindi ako makakapagtrabaho nang ganito kaya naman isinara ko na lang ang laptop at nagtungo sa favorite couch ko. I sat there and made myself comfortable. Kinuha ko ang cellphone para tumingin ng mga bagong damit online.

But instead of going to the shopping applications, I went to instagram and searched Atty. Perez's account again.

Wala siyang bagong post pero nakita ko na marami siyang tagged photos. I saw some of his friends. Nakita ko iyong abogadong nakasalubong ko noong nagpunta ako sa kanilang law firm. I also found out that his name is Joshua Thompson.

And he's married to Athena de Juan who works at the law firm also. She also owned a pet shop. Maganda. Makinis.

I wonder if Atty. Perez has a girlfriend. Or maybe he's married. Pero wala naman akong nakita na wedding ring. I gasped. Baka unfaithful siya?

I came across a girl named Sophie Degada's account. A lawyer. Pretty. Napansin ko siya sa iilang tagged photos sa account ni Atty. Perez mula pa nung law school. Girlfriend niya kaya?

And why am I curious?!

'Di bale na nga. I clicked on the 'follow' button and closed the app. 

* * *

Kinailangan kong umuwi sa bahay ng mga magulang ko tuwing ikalawang biyernes ng buwan para sa aming family dinner. Malaki na kami ni Kuya Sebastian at may kanya-kanya ng buhay pero kahit ayaw namin ay kinailangan naming umuwi sa kagustuhan ni Dad at Mom.

Behind the BarriersWhere stories live. Discover now