Kabanata 4

6 0 0
                                    

Dalika


"Doc... Naki... are you okay?" A voice called out to me. 


Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko.


I looked up to see Josef and two other people. "Hmm?"


"Ayos ka lang ba, Naki? Good thing you were not bitten." Sabi nito at inabot ang isang bote ng tubig. "Uminom ka muna ng tubig."


"What happened?"


"You passed out. Kinuha ka namin ni kuya Roger, hinimatay ka pagtapos." sagot nito. 


Pinilit kong tumayo kahit parang ang bigat pa rin ng katawan ko. Naalala ko ang nangyari kanina... kahapon... 


Tumingin ako sa paligid at nakitang nagsisiksikan sa maliit na kwarto ang nasa sampung tao. They were all looking at me with worried eyes. Most of them are volunteers or caretakers based on their shirts.


"Kumain ka muna." sabi ni kuya Roger na guard sa labas. May inabot siya sa akin na dalawang biscuit. "Pasensya na, 'yan lang ang meron kami. Kapag makalabas kami ulit ni Sir Josef mamaya at makapunta ng pantry ay kukuha kami ulit. Hindi kasi namin madala lahat."


"A-ayos lang ho..."


"Saan po kayo galing, ma'am? Kakarating niyo lang po ba dito?" Tanong ng isang babae. Kung tama nga ang memorya ko, Caryl ang pangalan niya at isa siya sa mga volunteers dito.


"Kahapon pa po ako."


"Ha? Eh saan po kayo nagtago?"


"We went out last night, Naki. We opened the offices to check if there are more survivors." nag-aalalang sagot ni Josef.


"I was in Dog Run 1. Kayo ata ang narinig kong kaluskos kagabi. Nasa isa sa mga kulungan ako nakatulog."


Napalingon ako sa bandang likuran ko nang may narinig akong pusa. Napatayo ako agad sa kinauupuan ko nang makita si Dalika na nasa loob ng kulungan na nagpupumilit lumabas.


"Dalika!" Agad ko siyang kinuha sa kulungan at niyakap. Mabilis na tumulo ang luha ko nang makita ang alaga while she happily rubbed my face with her head.


"I don't even know the science, or if cats have the same sense of smell as dogs pero kinulong namin siya dyan dahil nagpupumilit siyang lumabas kagabi. Alam niya sigurong nandito ka." sagot ni Josef.


"I missed you baby..." I told Dalika as I hugged her and I looked up to Josef to thank him. Nagtama ang tingin namin but he seemed startled and looked away immediately. 


"I-uh... is she the reason why you went here, Naki?"


"P-pati si Haliya. I was planning to go to Haliya first, since she's closer. Then to Dalika." I explained. "Dun sana ako patungo ngayon."


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The UnforeseenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon