"Naloka na..." Hinimas ko ang pisngi dahil nagising ako sa katotohanan.

"Ha?"

"Ha?" Sagot ko pabalik. Oh shit! Napindot ko pala ang answer! "Ah! Haha! Hello."

"Hindi ka nag reply sa dm ko." May halong pagkadismaya sa tono niya. I bit my lower lip. Na i-imagine ko siyang nakanguso ngayon.

"Busy ako, hindi ako masyadong nakakabukas ng phone ngayon. Panay ang gala namin." Pinagpatuloy ko na ang pagsusulat sa notebook ko.

"Okay na lang din pala. That's nice. You should enjoy." Mukhang nakabawi na siya. "Ano'ng ginagawa mo ngayon?"

"Wala, nagsusulat lang ng kung ano-ano. Sinusubukan kong... gumawa ng tula." Binaling ko ang atensyon ko ro'n sa page ng notebook ko na panay ang bura. I was fixing the first line.

"Talaga? Parinig!"

"Huwag na! Nakakahiya. Pangit."

"Hmm okay. Pabasa mo na lang sa akin kapag tapos mo na."

"Okay," Ibibigay ko rin naman sa kanya kaya para saan pa kung mag-inarte ako 'di ba? "Anong nangyari sa date n'yo ni Misty? Hindi mo ako kinuwentuhan." I draw small circles while waiting for his answer.

Gusto ko malaman kung ano ang mararamdaman ko. I want to learn how heavy it feels if ever he is with someone else. Para alam ko ang capacity ko.

"Casual lang, wala namang kakaiba. Date."

"Ang corny mo naman magkwento. Wala man lang details!" I retorted.

"Sinabi ko na sa 'yo. Pang one time lang 'to." He explained calmly. "Saka... may gusto akong iba..." he almost said in a whisper.

"Care to share?" I bit my index finger. Naramdaman ko ang paglundag ng puso ko. Sa pinaghalong sakit na may gusto siyang iba at sa tuwa na hindi si Misty iyon.

Nakakatanga pala 'to.

"Next time, kapag ready na ako." Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Oh, okay." I said casually, kahit ang totoo ay pinipiga na ang puso ko. "So... see you on Saturday? Sasama ka ba? Mag ba-bar kami ni Aria."

"Bar?" May bahid ng pagtataka sa kanyang boses. "Kayo lang?"

"Kung sasama ka, tatlo na tayo. First time ko sa gano'n kaya sama ka na!"

He sighed. Tila ba naramdamam ko ang init ng hininga niya sa batok ko. Napahawak tuloy ako roon.

"Sige, sasama ako."

Tinakpan ko ang screen ng phone ko. "Yes!" I mouthed. Namula ang pisngi ko nang makita ko ang hitsura sa salamin ng tukador.

Screw you, Gen. Make sure that your intentions are for platonic purposes only! Shuta ka. Halatang halata ka!

"Thank you!"

"Malakas ka sa akin e." humalakhak siya. "Goodnight, Gen. See you on Saturday."

"Goodnight."

Ipinasok ko na sa drawer ang cellphone. I transferred the poem to a scented paper. Pumili ako ng isang magandang ballpen para ro'n. I wrote it in cursive for the aesthetic vibe.

I hope you find a place where you would always feel safe

A place where loneliness is not addictive

A place where the tranquility you desire lives

May you find a person who truly deserves you

Embracing the Night SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon