32

2K 53 1
                                    

Madilim ang mukha ni Cold nang pumasok siya sa bahay nina Uno, tumutulo ang basang buhok niya sa tiles pero wala siyang pakialam, badtrip siya ngayon, sobrang badtrip siya, badtrip siya dahil hindi niya nagawang pigilin ang kanyang sarili, sa ikalawang pagkakataon ay naging marahas siya kay Sabriana ang buong akala niya ay hindi na mauulit ang nangyari sa kanila ni Sabriana noon sa bar ng gabing 'yon, natitiyak niya na hindi na naman niya malilimutan ang nangyari ngayon sa kanila ni Sabriana, oo at halik lang 'yon pero para sa kanya ay napakalakas ng impact nito.

'Delikado talaga ang babaeng iyon, tss, nababaliw na talaga siya.' inis niyang sabi sa kanyang sarili, kinalas niya ang kanyang necktie pagkatapos ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Uno. Agad na napatayo si Uno sa kanyang kinauupuan ng makita niya ang itsura ni Cold, para itong nalunod sa swimming pool dahil sa ayos nito.


"What the heck? What happened to you-"

"Shut up! Pahiram ako ng uniform!" Agad na pinutol ni Cold ang ano mang sasabihin ni Uno, kaya naman napakamot na lang ang binata dahil sa inasta ni Cold, alam ni Uno na hindi siya nito sasagutin, ganon katigas ang ulo nito lalo na at mukha itong badtrip.

Walang ibang nagawa si Uno kung hindi ang mag tungo sa kanyang closet at kunin ang extra niyang uniform, mabuti na lang at mag kasing katawan lang silang dalawa dahil kung hindi ay mag mumukhang katawa-tawa si Cold sa uniform na kanyang ipapahiram.


"Saan ka ba nanggaling?" hindi natiis ni Uno ang kanyang bibig, pagkatapos ay inabot niya ang uniform kay cold pati na din ang isang malinis na twalya. Sa ikalawang pagkakataon ay dineadma lang siya ng binata at nag tungo sa banyo ng kanyang kwarto kaya naman ay napailing na lang siya sa inasta nito.

Mukhang alam na niya kung saan ito nanggaling.


Pasimple niyang sinulyapan ang bintana ng kwarto ni Sabriana, mukhang doon nga nanggaling si Cold, kagabi lang ay nakita niya ang dalawa na magkasama, hindi nga siya makapaniwala sa nakita niya kagabi, dahil ang alam niya ay iwas sa mga babae si Cold dahil na din kay Nicole, hindi lang talaga niya maintindahan kung bakit magkasama ang dalawa kagabi at maging ngayong umaga.

'Hindi kaya gusto ni Cold si Sabriana?' tanong niya sa kanyang sarili, kasabay noon ang pagkuyom ng kanyang kamao, ewan ba niya pero bigla siyang nainis sa tanong na 'yon, siguro dahil alam niya sa kanyang sarili na gusto na din niya ang dalaga at hindi siya makakapayag na magustuhan din ni Cold si Sabriana.





SABRIANA'S POV

Palinga-linga ako sa paligid nang makababa ako ng hagdanan, hindi ko alam kung saan pumunta si Cold, basang-basa pa naman ang kanyang damit, mukhang ako pa ang magiging dahilan kung sakaling mali-late siya, well, kasalanan naman niya iyon e, gumanti lang ako, kung hindi lang sana niya sinira ang maganda kong tulog at kung hindi siya pumasok sa kwarto ko hindi sana iyon mangyayari sa kanya, kasalanan niya iyon kaya wala akong pananagutan sa kanya, e ano naman kung ma-late siya? Ano naman kung magkasakit siya dahil sa ginawa ko?


deserve lang niya 'yon, masyado siyang umaakto na parang close kaming dalawa, hindi porket pinahiram ko siya ng kotse kagabi ay magiging ganon na siya sa akin, nah! Ang kapal naman ng mukha niya para umasta ng ganon. Sigurado akong kagagawan iyon ni Lola, alam naman niyang hindi ako basta-basta nag papapasok sa kwarto ko lalo na kung lalake, pero hinayaan niya lang si Cold na istorbohin ako, paano pala kung natulog akong walang damit? Ganon pa naman ako minsan kapag tinatamad akong mag suot ng pantulog.

HIDING BEAUTYWhere stories live. Discover now