“What the fvck?" Sa wakas ay nagawa din ni Cold ang mag salita, tila natauhan na ito dahil sa malamig na tubig, katulad ni Sabriana ay basa na din ito, hindi siguro nito napansin ang pag hila sa kanya ni Sabriana sa shower dahil masyado itong nataranta at mukhang hindi alam ang gagawin. Akmang lalabas na si Cold mula sa banyo nang hilahin na naman siya ni Sabriana mula sa necktie nito, idinikit ni Sabriana ang kanyang katawan sa katawan ng binata at pagkatapos ay hinimas ang matipuno nitong dibdib, dahil basa na din ang damit nito ay ramdam na ramdam niya kung gaano katigas ang katawan nito, halatang nag wowork-out ito, kating-kati tuloy si Sabriana na hubadin ang suot-suot ng binata at tingnan ang kabuoan ng katawan nito.


“Sabriana please, let go off me, damn it!” itinulak siya ni Cold at dahil nga basa ang sahig ng banyo ay muntik na siyang madulas pero maaga siyang nasalo ni Cold, mukhang nataranta din ito dahil muntik ng mabagok ang kanyang ulo sa sahig, yakap-yakap tuloy siya ng binata, mukhang saglit nitong nakalimutan ang kalokohan niya dahil sa pagkataranta.  Stupid, she whispered to her self. Mas lalo tuloy siyang natatawa ngayon dahil sa kanilang posisyon.





“Damn it!” mukhang natauhan naman si Cold at mabilis na kinalas ang pagkakayakap nito sa kanya at muling tumalikod, pero hindi pa natatapos si Sabriana, hindi siya makakapayag na hindi makaganti dito, sinira nito ang maganda niyang tulog at panaginip, at dapat lang niya itong pahirapan, ito naman talaga ang plano niya, ang landiin at pahirapan si Cold simula una pa lamang.



Muli niyang hinigit si Cold at pinaharap niya ito sa kanya, ngisi-ngisi siya habang pinag mamasdan ang mukha ni Cold, galit ang mukha nito at mukhang hindi nito nagugustuhan ang kanyang ginagawa, mas lalo tuloy siyang natuwa dahil sa pagpapakipot nito sa kanya.



'If I know, gusto mo naman ang ginagawa ko, wag ka ng magkaila hudas ka!"  Sigaw niya sa kanyang isipan pero hindi niya pinahalata ang pagkainis sa lalake, bagkos ay mas lalo pa siyang ngumisi.




“Hey, wanna have some fun?” malanding sabi niya sa nakakunot noong si Cold, tumiim ang bagang ni Cold at nanlisik ang mga mata nito, mukhang mas lalo pa itong nagalit dahil sa tono ng pananalita niya, nag pumiglas ang binata sa pagkakahawak niya pagkatapos ay nag pamulsa sa kanyang harap.





Dahil doon ay natigilan si Sabriana, nagawa niyang pagmasdan ang kabuoan ni Cold, basang-basa ang buhok nito maging ang damit nito kaya bumabakat na ang mga muscle nito sa katawan, seryoso din ang mukha nito kaya naman mas lalo itong naging gwapo sa kanyang paningin. Cold is so fvcking hot right now, parang gusto tuloy niya itong halikan at isandal sa dingding at huwag ng pakawalan.

Pero agad din niyang pinigilan ang kanyang sarili dahil isa itong kahibangan.


Sa halip na si Cold ang maakit sa kanya mukhang kabaligtaran pa ang nangyari, ang lakas kasi ng sex appeal ng hudas, daig pa nito ang mga lalaking modelo na nakakatrabaho niya.





'Ugh! Damn it Sabriana! Move your fvcking sexy ass!' sigaw niyang muli sa kanyang sarili, pasimple niyang kinurot ang kanyang sarili upang matauhan, mukhang gumana naman ito dahil muli siyang napabalik sa reyalidan, chin up niyang hinarap si Cold at muling nakapaskil sa kanyang mukha ang isang nakakalokong ngisi, kung akala ni Cold na susuko na lang siya at mag papatalo ng basta-basta, nagkakamali siya.


Ito na ang pinakahihintay niya, ang gumawa ng moves kay Cold at pahirapan ito bilang ganti sa pang-bu-bully at pang babalewala nito sa kanya noon.




Muli siyang lumapit kay Cold, napaatras naman ang binata dahil doon, nawala ang pagkaseryoso sa mukha nito at muling namula ang tainga at pisngi ng binata, bahagyang sumaya ang puso ni Sabriana dahil sa reaksyon nito sa kanyang ginagawa, alam niyang naakit na si Cold sa kanya pero pinipigilan lang ito ng binata.



HIDING BEAUTYWhere stories live. Discover now