"Oo nakita ko siya kaninang may kahalikan.Sabi ko na sayo Gideon eh lolokohin ka lang din nong bruhang iyon napaka kulit mo" sabi ko habang nakahiga sa kama.

Matagal namang natahimik si Gideon ata tsaka ko narinig na malakas siyang bumuntong hininga.

"yeah...sana nakinig nalang ako saiyo" halata sa boses nito ang lungkot. Ewan ko ba kung anong meron kay Dennise at mahal na mahal nito.

Ilang oras din kaming nag usap ni Gideon para na din malibang ito hanggang sa nag paalam na ito at sinabing tinatawag na siya nila Tita Akira.

Ako naman ay nag handa na ng damit para maligo na sana ng biglang nag vibrate ang cellphone ko.


From: Quins

Hi Mandy! Ok lang ba kung sunduin kita bukas?


Sa nakalipas na buwan naging close nadin kami ni Quins sa isa't isa. Pati nadin ang mga tropa nito,mababait naman pala sila mukha lang hindi.


To: Quins

Hi Quins. Sure sige iintayin kita. Goodnight.


Hindi ko na siya naintay pang sumagot at pumasok ng sa baniyo.

Nang gabing iyon as usual sabay sabay kaming kumain ng hapunan nila mama at napag usapan na din namin ang magiging birthday party ni Ethan next week. Batman ang theme ng birthday ni Ethan dahil yun ang paborito niya. Naimbitahan na din nila mama ang iba pa nilang mga kaibigan.









"Kuya Quins punta ka sa birthday ko next week ah" nadinig kong sabi ng kapatid ko ng maka baba ako ng hagdan.


"Quins?"


Napalingon naman agad si Quins sa akin na nakikipag laro sa kapatid ko.

"Goodmorning Mandy" bati niya sabay tayo sa upuan.

"Anak ang bagal bagal mo! Nakakahiya dito sa kaibigan mo kanina ka pa inaantay" sabi ni mama habang inihahanda ang baon nila Ethan at Charlotte.

"No tita it's ok po." Naka ngiting ani ni Quins.

"I'm sorry Quins ha nawala sa isip ko na susunduin mo nga pala ako" pag hingi ko ng umanhij dito.

"Ma mauna na ho kami at baka ma lat-"

"Goodmorning!" naputol ang pag papaalam ko ng biglang pumasok si Gideon sa pinto ngiting ngiti pa.

"Oh pinapasok ko na si Gideon at sakto pag labas ko ay dumating" sabi ni papa na sumilip sa front door.

Nakita ko naman ang pag kunot ng noo ni Gideon ng mahahip ng paningin niya si Quins na nasa tabi ko.

"Quins?" takang tanong nito.

Tinanguan lang siya ni Quins.

"A-Ah ma tuloy na po kami" sabi ko at kinuha ang bag na nasa sofa.

Sumunod din ang dalawang lalaki sa akin palabas ng bahay.

Nabato ako sa kinatatayuan ko ng sabay nilng buksan ang pinto ng passenger seat ng mga kotse nila habang nakatingin sa akin.

"Let's go" sabat nilang ani at mukhang nag kagulatan pa sila dahil napatingin sila sa isa't isa.

"Sa akin siya sasabay" Mariing ani ni Gideon.

"No ako ang nag hahatid sa kaniya"

"Ako na tol"

"Ako na"

"Hep hep tama na!" pigil ko sa dalawa dahil mukhang nag kakapikunan na sila t baka mamaya'y mag suntukan pa.

"Gideon sige na kay Quins nalang muna ako sasabay" sabi ko sakaniya at tsaka pumasok sa kotse ni Quins.

Halata ang pag ka irita sa mukha ni Gideon at padabog na isinara ang pintuan ng passenger seat bago pumasok sa driver seat at nauna ng umalis.

"Himala sinundo ka ni Gideon ngayon"

"Oo nga eh hindi ko din ineexpect" sagot ko sa kaniya at tsaka kami tuluyang umalis.









FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Uncle's Daughter Where stories live. Discover now