UNANG KABANATA: ANG ASTIG NA GEEK

2.8K 46 18
                                    

*revised*

PRINSESA'S POV

Blanko ang isip ko ngayon habang nakatingin sa Annex building nitong White Palace University. Hindi ko rin alam kung bakit ako nakatingala, ang taas taas ng sikat ng araw, pero bat puro stars ang nakikita ko? Mga 4 or 5 stars yata ang umiikot sa ibabaw ng ulo ko.

"JESS SI LAVINIA NATAMAAN NG BOLA!" narinig ko ang boses ng best friend kong si Hans after non eh nawalan na ako agad ng malay.

At doon ko lang nalaman na natamaan pala ako ng bola.

@THE CLINIC

"ARAY KO POOOOOOOO!" hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa pagdiin ng ice bag sa ulo ko. PUNYATERANG NURSE TO! Sinasadya nya ata yun eh!

"Ang O.A mo naman Ms. Deogracia, ginagamot ko na nga yang bukol mo eh!" napatingin naman ako ng masama sa kanya. Ang lakas naman ng loob ng nurse na 'tong magsabi na O.A ako eh kung idutdot ko kaya sa medulla oblongata nya yung ice bag, tingnan natin kung di sya masaktan! Buset =_=

"Tama na ho! Maayos na po ako!" tumayo na ako sa aking pagkakahiga at kinuha ko na ang bag ko. Mas lalo lang sumasakit yung bukol sa ulo ko kapag nakikita ko ang nurse na yun. Lumabas na ako ng clinic at nadatnan ko dun ang mga kaibigan kong si Jessie at si Hans na nakaupo sa may waiting chair doon sa labas. Napatayo agad sila nang makita nila ako.

"Oh! Are you alright? May tumama ba sa spinal cord mo? Kailangan mo na bang dalhin sa hospital as in now na? N-O-W NA?!" tinuktok ko ang ulo ni Jessie na portages sobrang O.A

"Sa ulo ako natamaan ng bola hindi sa spinal cord, GAGA!"

"Concern citizen lang naman ako daaay! Di mo pa maappreciate" pacute nyang salita pero di ko na lang sya pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Kilala mo ba kung sino ang nakatama ng bolang yun sa ulo mo?" biglang tanong ni Hans sakin. Tumango naman ako.

"Oo kilalang kilala ko" seryoso kong sabi sa kanya habang hinihipo ko ang bukol ko. Magbabayad talaga sakin ang nagkasala nito.

"Do you need some revenge?" tanong ulit ni Hans at tumango naman ako. Iniabot ko na sa kanya ang back pack ko at nagpatunog ako ng mga buto sa kamay.

"Oo kailangang-kailangan ko" binali-bali ko na rin ang leeg ko. Madaming tumitingin sa akin, hindi dahil sa mga pinaggagagawa ko kundi sa bukol ko. Karamihan sa kanila natatawa pero nung tiningnan ko sila ng masama biglang nag-iba ang ekspresyon ng mga mukha nila, para bang nakakita ng multo.

"Una na kayo Hans, Jess! May hahanapin lang ako"

"Sige! Mag-ingat ka!" lumakad na akong palayo sa kanila. Hinanap ko kung saan nagtatago ang impaktong gumawa ng bukol sa noo ko. Hanggang sa nakita ko sila sa may hallway, nambubully.

"Ano ba'ng kulay ng panti mo Miss? Bat ayaw mong ipakita samin? Wala kang panti no?" sabi nung lalaking parang poodle ang buhok doon sa kaawa-awang babaeng mataba na dumadaan lang sa harap nila. Mas lalong kumulo ang dugo ko sa nakita ko at ayaw ko ng palampasin pa ang pagkakataong ito.

*boogsh*

Pagkalapit na pagkalapit ko doon sa puwesto nila ay sinipa ko agad ang poodle na yon at biglang nagsilayuan ang mga duwag nyang kaibigan. Actually, tatlo lang sila.

"ANO BANG PROBLE----

*boooooom*

Hindi ko sya pinatapos ng pagsasalita at agad kong sinundan ng suntok sa mukha nya at tumalsik naman sya sa ginawa ko.

"HOY IKAW IMPAKTO KA! KUNG WALA KANG MAGAWA SA BUHAY MO, WAG KANG MANGGULO NG BUHAY NG IBA!" sigaw ko sa kanya. Mabuti na lang at walang gaanong dumaraang mga tao rito at walang nakakita ng mga ginawa ko.

The Clash [REVISED]Where stories live. Discover now