UNANG KABANATA: ANG ASTIG NA GEEK

Start from the beginning
                                    

Tumayo sya ng dahan-dahan habang pinupunasan ang dugo sa labi nya. Napaka sama ng titig nya sakin at para bang pinapatay nya na ako sa tingin na iyon.

Akmang lalapit na sya sa akin upang suntukin ako nang biglang harangin sya ng kaibigan nya.

"Tama na pre! Babae yan!" nakita kong nanginginig ang labi ni Juan habang nakatingin sa akin. Gustong-gusto nya talaga akong sugudin.

"Lavinia please umalis ka na" pakiusap ni Max sa akin, sya yung lalaking humarang kay Juan. Hindi ko sya sinunod at nakipagtitigan din ako ng masama kay Juan.

"Nakikita mo ba 'tong bukol ko Max? Yang kaibigan mo ang may kasalanan nito! Nananahimik ako doon sa may ilalim ng puno, bigla ba naman akong batuhin ng bola! Sino ba namang hindi magagalit nun?!" gigil na gigil ako habang sinasabi ko yun kay Max. Napailing na lang sya at bumuntong hininga.

"O sige na, ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng kaibigan ko. Sorry na, please?" tinitigan ko sya ng masama at umalis na ako sa lugar na iyon.

Bumalik na ako sa kuwarto namin, hanggang ngayon nanggagalaiti pa rin ako sa galit dahil sa impaktong yon napinaglihi sa engkanto. Naupo ako sa sa upuan ko ng padabog. Nagsitinginan sakin lahat ng mga kaklase ko pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Uy what happen? Deads na ba?" bulong ni Jessie sa gilid ko, tiningnan ko sya ng masama sabay...

"HAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH! TE ALAM MO BA NAPAKA PRICELESS NG MUKHA NI JUAN SHET! GUSTO KO SYANG PICTURAN HAHAHAHA!"

"SHET NAIIMAGINE KO YUNG POODLE NYANG BUHOK NA UMAALOG-ALOG HABANG SINASAPAK MO SYA HAHAHAHAHAHA! THE BEST KA TALAGA LAVINIA!"

Nagkahagalpakan na kaming dalawa dito sa may puwesto namin. Alam ko na pinagtitinginan na kami ng mga istudyante. Maya-maya lang ay isa-isa na silang nagsisitawanan hanggang sa matawa na kaming lahat! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA!" nagtawanan ang buong klase. Biglang natahimik ang lahat nang makarinig kami ng mga tunog ng takong ng sapatos. Sheez paparating na si Ma'am Raja! Para namang naging transformer ang lahat, kung kanina mga abnormal kami ngayon normal na.

"Walang maganda sa umaga!" bati niya sa amin, wala naman ng umimik kaya naman nagsimula na lang siyang mag-lesson kaya lang biglang...

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!*

"Istorbong Fire Drill!" reklamo ni Ma'am. Nagsitakbuhan naman ang lahat ng kaklase ko at hindi na hinintay pa ang sasabihin ni Ma'am. SINO BA NAMAN KASI ANG HINDI MAIINIS DITO KAY MA'AM RAJA, PARA KASING LAHAT NG TAONG NAKAPALIGID SA KANYA EH FEELING NYA GAGAWAN SYA NG MASAMA. NAKAKAPIKON DIBA?!

Nakitakbo na rin kami ni Jessie sa labas, nadatnan namin sa may hagdanan ang mga nagkukumpulang istudyante. Yung iba nagtatali pa ng sapatos, yung iba nagpupulbo tapos yung iba naglalampungan pa! Aba! Nawa'y gawin nyo yan sa totoong sunog at nang madatnan kayo ng apoy para sunugin na ang mga maarteng damuho na ito!

"TABE!" may narinig kaming sigaw na nakakuha ng atensyon ng lahat, eh sino pa ba ang walang modong gagawa non diba? Siyempre ang nag-iisang Juan Joseph Manrique! Dahil sa pagsigaw nyang yon ay binigyan sya ng daraanan ng mga istudyante kasama ang kanyang dalawang alipores, nakababa naman sila agad dahil sa taktikong iyon.

Awtomatiko ng nag-init ang ulo ko, ang hinayupak na yon! ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NYA!

"Hoy te kalma!" mahinahong sabi sakin ni Jessie habang hinihimas-himas ang likod ko. Napapansin nya pala ang pagkabadtrip ko.

"Paano naman ako kakalma Jess? Eh parang sa kanya itong daan, gusto ko syang sipain!" sagot ko kay Jessie.

"JESS! LAVINIA!" liningon namin kung sino ang tumatawag, pagkakita namin si Hans pala. Dali-dali syang tumakbo papalapit sa amin. Nahiwalay kasi samin si Hans, nag-iba yung section nya dahil hindi sya nakapag-aral ng maigi last year kaya naman bumaba sya ng isa.

The Clash [REVISED]Where stories live. Discover now