Chapter 2

13 0 0
                                    

Nov.3,2020
At dahil module na naman Hindi ko mapigilan ang sarili ko na manood ng kdrama. Adik kasi ako dun. Sa totoo lang gusto ko nang tumira dun. Jwk lang!

Oct.30,2020
Nagdadrawing ako palagi, dinodrawing ko nun yung chibi na bts at nanonood din ako ng hwarang kaso kasi nakakaiyak..namatay yung bias ko na si taehyung...kaya kapag naaalala ko yung OST ng hwarang naaalala ko yung 3 days before my birthday nun..kapag napapakinggan ko rin yung song na sweet night by bts V pumapasok agad sa isip ko ung birthday ko kasi Yun din ung pinapakinggan ko nung mag tuturn palang ako ng 14...Hilig ko din ang magsulat ng mga stories.

Dec.22, 2020
3:00pm
bumaba kami ni mama para kumuha ng pera sa gcash, para narin bumili ng pang regalo at ulam sa Gabi.
Masaya ako nun kasi Isang tulog nalang pupunta na kami ng bulacan.

Dec.23,2020
Tong araw na toh.
9:30 am
Ginising ako ni mama para mag pasama na ipaprint ang ilalagay sa taxi. Kasi nung mga araw na Yun Bawal mag travel pwera nalang kung may sariling sasakyan..Bawal bumyahe ang mga bata kasi sa Banta ng covid.
Nagising akong masaya dahil pupunta na kami ng Bulacan di nako makapag hintay na pumunta dun dahil dun kami magpapasko at makikita ko narin ung mga pinsan at tita's ko Pati narin sila lola..dahil miss na miss ko na Silang lahat kahit.
Ang tagal din namin nasa shop dahil nagkaproblema sa machine nila.. naghintay nalang kami.

Nung natapos na, hindi namin alam kung anong oras kami babyahe kasi wala pa nga si dada, bumabyahe pa kasi ang daming tao nung araw na Yun..nakapag handa narin kami ng mga damit namin.

Nakapunta siya ng bahay mga 5:30pm
Aalis na dapat kami nun kaso Sabi ni dada mag dinner daw muna bago umalis kasi ma traffic at baka gutumin kami sa byahe. Kaya naglaga muna ako ng itlog lima, Buti nalang meron Kaming stock ng itlog kaya di nako bibili sa labas. Hindi ako kumain kasi di pa naman ako gutom. Xcited na talaga akong umalis naghintay ako ng ilang minutes bago kami umalis.
Yung tipong paalis na kayu tapos inutusan ka pang mag hugas ng Plato HAHAHA ok lang. Pagkatapos ko naman aalis na kami syempre pumunta muna ako sa lola namin..may galit ako sa kanya mama ni papa dahil sa mga Ginagawa at pinapakita niyang ugali na parang di Niya kami apo. Pero hinayaan ko nalang yung pakiramdam ko sa kanya..malapit na magpasko kaya ayaw Kong magalit.

Hindi ko Alam ang exact na oras nung nakaalis kami, Pero ang Alam ko lang mga nasa bandang 6:30pm kasi madilim na eh..
Sa taxi di ako mapakali.
Parang gusto ko nang lumipad papuntang bulacan. HAHAHA
Yung time rin na Yun biniro ko si princess na hindi kami tuloy kasi walang sasakyan. Naniwala naman sia.. gusto Kong Sabihin na tuloy kami Pero ayaw ko talaga para surprise..kilala nila ako bilang masurprisang tao.
Hindi nako nag ccp nun at nakikinig nalang ng music sa airphone dahil ayaw kong mag cp kapag nasa loob ng sasakyan dahil nahihilo ako. Sa vertigo ko ata Yun..Oo may vertigo ako Yun ay pang habang buhay na nasa sakin. Kung hindi niyu pa alam yung vertigo sasabihin ko nalang.

Ang vertigo ay yung feel mo na dizzy ka..tapos nag sspining lahat ng nasa paligid mo..Di mo magawang Tumayo dahil matutumba ka..hindi mo rin kayang maglakad kasi nahihilo ka..Tsaka masusuka ka nalang sa sobrang Hilo. Ganon ung nararamdaman ko. Pag nagkaroon ka nun di na Yun mawawala sa life mo. Kasi mawawala lang Yun Pag hindi mo nararamdaman Pero Anjan parin Yun sa katawan mo. Ano Mang araw at oras maaari siyang bumalik.
Mahirap din sakin ang makatulog ng walang unan dahil nahihilo ako..Bawal sakin ang yumuko dahil sasakit ang likod ng Tenga ko.
Sabi nila mana daw Yun. Nagmana daw ako Kay mama dahil si mama meron din nun at saming lima Kaming dalawa lang ang merong ganon.
Tsaka ko lang nalaman nung April 2020 na yung naramdaman ko nun is vertigo na pala. First time Kong magkaganon hilong Hilo.

Back na tayo sa topic.
At Yun na nga habang nasa byahe nagkekwentuhan sila, ako lang ang tahimik gusto ko ngang makatulog kaso Bawal eh..Pag dilat ko mahihilo ako.
Nung malapit na kami sa Bulacan nasusuka nako. Edi binuksan ni papa yung bintana para may unting hangin..kasi nasosuffocate nako sa loob HAHAHA hindi nako makahinga sa sobrang Hilo. Alam mo ung feel na feel mo na yung hangin tas bigla kayung umistop kasi nga traffic may naamoy Kang mabahong kanal, so disgusting! para nakong nababaliw nun hilong Hilo na nga ako dahil sa Amoy ng aircon sa loob tapos sasamahan pa ng ganong Amoy..Hay nako.

9:00pm
Nakadating na kami sa bulacan. Syempre Pag dating ko tahimik lang ako kahit na xcited ako nun HAHAHA.
Sa wakas nakita ko na rin sila.
Syempre bago lapitan sila lola magbihis muna at mag disenfect.
Una Kong ginawa sumuka..tumakbo ako papuntang Cr at dun ako sumuka kahit sobrang sakit na sa dibdib.

Then kumain na kami after.
Tapos natulog, nagising ata ako ng 3:05am kasi init na init nako sa suot ko pano ba naman nag suot ako ng jacket tapos kating Kati nako..d ko na Matiis. pinilit ko ang sarili ko na bumangon at magpalit.

Kanibukasan nagising ako dec.24, 2020
Wala sila mama bumili pala sila ng ulam.
Ako nalang palang mag Isang tulog HAHAHA.
Kaya nagligpit nako after nun naligo kasi busy na mamaya e.
Ang saya nung day na Yun kasi labas kami ng labas ng zomiber.
Mga hapon Dumating narin sila tita at mga pinsan ko..Edi Lalo akong Sumaya. nung time na nakadating sila nasa dulo kami ng street kaya makikita namin yung bahay kasi pauwi ka kami nun. May nakita akong  L3 kaya tumakbo ako..huminto rin ako kasi ung dalawa ang tagal maglakad akala mo mga pagong HAHAHAH. Mianhe(sorry)

Pagdating namin sa bahay Nagulat ako kasi Yung pinsan Kong Isa tumangkad HAHAHA hanggang Tenga lang ako..dun ko narealize maliit ba ako? HAHAHA Yun pala hindi. Sakto lang pala height ko.
Nung Gabi nag antay kami ng pasko at dahil may pictorial..saming mga Babae di mawawala ang mga make up Pag may okasyon number 1 yan pangalawa ang outfit HEHE..
At ayun, nagpaganda na..syempre si princess ang shine ng make up, sa kapatid ko naman ang Bright, sakin naman yung simple lang. Wala ako masuot nun eh pano kasi si mama ang pangit daw ng susuotin ko kaya humiram nalang ako ng damit sa tita ko tapos nag palda na fit.
Natatawa ako sa tita ko nun e. HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA
Yung tipong wala siyang alam na may pictorial tapos walang masuot. Edi pinahiram siya ni princess ng damit actually..dress na fit Yun e. Nakatatlong sukat ata siya. Tapos yung dress na Yun pinilit naming pasoutin sa kanya..d ko Alam e kung masikip sa kanya Yun HAHAHAH pinagtulungan nalang namin na isuot sa kanya kahit medyo masakip HHAHAHAHAHAH.
Tapos nun nag pictorial na kami. Ok na lahat e.
Kumain na kami at naghintay ng pasko sabay post ng mga pictures sa FB. Nung lagpas na ng 12:00nn pumunta kami ng kabilang bahay para ilagay sa ref ang salad at gulaman Pati na ang pancit at Graham kasi hindi na magkasya sa ref dun sa malaking bahay. Kaya tig Isa kami ng bibitbitin si Paul at lester. Hindi ko na matandaan ang dala dala namin nun eh. Nung nasa bahay na kami nilagay na namin sa lamesa. inayos ni lester at princess ang mga pagkain sa loob habang kami ni Paul nag aantay sa labas. Iniwan namin sila non sa loob HAHAHHA siguro takot na maiwanan na rin kasi nakakatakot e.
Pagkatapos nun umuwi na rin agad kami..dahil naaantok na ang iba oras na para matulog 2:00 am na ata nun nag kekwentuhan pa kami lahat kami nandun sa kwarto HAHAHHA para Kaming mga Sardinas HAHAHA.
Yun na nga masayang nag kekwentuhan. Ang hindi ko makakalimutan nung oras na Yun si hwasa ng mamamoo HAHAHAHA HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH. Nung pinakita ko sa kanila si hwasa Nagulat sila. tapos tinanong ko sila kung anong sa tingin nila ang age na nito. HAHAHAH Sabi nila 30+ Pero ang Totoo siya ang maknae ng mamamoo. 26 yrs old na siya. Ewan ko ba galit na galit kami dun nila princess kasi nga na ship siya Kay Jimin ng bts HAHAHHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAH

MISS KO NA KAYO😥- Author

The World Of My 14Where stories live. Discover now