Chapter 64: Meeting the Rival

Start from the beginning
                                    


"Nagu-gluta kaya siya?"


"Or sadyang mestiza lang talaga?"


"Syet! New crush ko na ata siya"


Habang naglalakad ako, nakarinig ako ng bulong bulungan sa paligid ko. Hindi ko man sila pinapansin pero ramdam kong ako ang tinutukoy nila. At dahil sa mga reaction nila, palihim nalang akong napangiti.


Pft. Mukhang parehas lang pala ng dati kong school ang Xavier's. Madaling makuha ang attention.


*blag*


"Oh my!"


Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, nagulat ako nang biglang may bumagsak sa harapan ko. Isang lalaki yun na nakasalubong ko at dahil nakita ko, agad ko siyang nilapitan at lumuhod sa tabi nya.


"Ok ka lang?" worry kong sinabi dun sa guy.


Tumingin lang sakin ang lalaki at habang tinititigan nya ako, nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. Kumunot ang noo ko nang ilagay nya pa yun sa dibdib nya at bago pa ako makapagtanong kung bakit nya ginawa yun, agad siyang nagsalita.


"Hindi miss eh. Dahil..


..nafall ata ako nang makita kita"


"Boom!" at natawa ang mga taong nasa paligid namin. Nakatingin na pala sa amin.


Napangiti naman ako sa sinabi ng lalaki.


"Nakakatuwa ka naman" ngiting sabi ko at tinapik ng mahina ang pisngi nya. "Pero wag mo ng uulitin yun ah. Sige ka mahe heart attack ako nyan."


"Ah g-ganun ba? Naku pasensya na" sabi nya at napakamot pa sa ulo nya.


"Sige, una ko ha" tumayo na ako at nilahad pa ang kamay ko "And I'm Alexa. Nice to meet you"


"Nice to meet you" sabi nung lalaki at kinamayan ako. Nakita ko rin na namula siya nang gawin nya yun.


Nagsimula na akong magpatuloy sa paglalakad. Pero bago ako makalayo..


"Nakita nyo yun?! Hinawakan nya pisngi ko! Kinamayan pa nya ko!"


"Oo nga! Ang swerte mo brad! Ang swerte mo!! Haha!"


"Anong pangalan nya?"


"Alexa. Alexa daw"


"Alexa? Syet! Ang ganda. Ang ganda ng pangalan"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Story of A Campus GirlWhere stories live. Discover now