Napanguso ako. Napunta na naman sa mukha ko ang usapan. 

Nakarami kami ng kain at naiwan kaming dalawa sa mesa nang matapos si Lady Lorraine at pumunta sa kakilala. Maya maya rin ay nagsimula nang magsitayuan ang mga panauhin. Oras na pala isayaw ang may kaarawan.

Ang unang sayaw ni Zainah ay ang kanyang ama, ang kanyang kapatid sa Elitian, ang mga kasama nito at ang Mahal na Prinsipe. Sa sayaw nila ng Mahal na Prinsipe ay hindi ko inalis ang tingin sa mukha nito.

Ang mga Aquarian ay kilala sa mga ugali nilang masigla, masiyahin, madaling mabasa ang emosyon ngunit siya ay naiiba. Para syang yelo na laging malamig ang ipinapakita, tahimik at seryoso. Napakalakas din ang dating. Ganyan siguro kapag pinagsama talaga ang dalawang angkan.

Napansin kong kanina pa, puring puri ang Mahal na Prinsipe sa isip ko. Hindi ko naman maitatanggi dahil katangian talaga ng Prinsepe ay napakaperpekto. Napakaswerte siguro ng kanyang mapapangasawa.

Napapansin ko ang maraming Ician na gustong mapansin ng Prinsipe matapos ang sayaw nila ni Zainah. Nakaupo siya ngayon sa kanyang upuan kasama ang Elitian.

"Kanina pa tunaw ang Mahal na Prinsipe sa titig mo."

Naging mabilis ang pag-iwas ko ng tingin sa Prinsipe at mahinang hinampas si Lia. Palagay ko ay namumula ako sa sinabi niya.

"Bagay kayo ng Mahal na Prinsipe, parehong malamig." Aniya at nagbigay pa ng ekspresyon na nilalamig. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Magtigil ka nga sa kasasabi ng ganyan. Hindi magandang pakinggan."

"Yung? Bagay kayo? Totoo naman a! Liban pala sa katayuan nyo sa buhay hahahaha!"
Kita mo na. Napa-iling na lamang ako.

"Uhm...Hi?"

Napalingon kami ni Lia sa sumingit. Isang Aquarian na lalaki. May itsura ito at nakangiti lamang sa amin. Tiningnan ko siya at ramdam ko ang pagkailang niya.

"Helloo!" Magiliw na balik na bati ni Lia sa kanya.

Naglahad siya ng kamay kay Lia na ikinagulat naman nito.

"Maari ba kitang isayaw?"

Bumaling sa akin si Lia at humihingi ng permiso na hindi naman kailangan pa pero tumango ako. Lumihis ang tingin ko at napansin ko ang ibang Aquarian at Ician na mga lalaki na sa amin ang atensyon. Isama na rin pala ang mga babae na iba ang pinapahiwatig ng pagtitig.

"Oo." Inabot ni Lia ang kamay ng lalaki at nagpaalam siya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti ng maliit.

Naiwan akong nakatayo sa gilid at ramdam ko pa rin ang tingin sa akin. Pinagkrus ko ang dalawang braso sa tiyan ko at pinukos na lamang ang paningin sa sumasayaw sa gitna.

Pakiramdam ko ay may nais lumapit sa akin pero nagdadalawang isip. Kung may umaya man sa akin hindi ko naman tatanggihan ngunit hindi kaming pweding magtagal.

Isang tira ng maliit na matalas na yelo sa kung saan ay ramdam ko ang pagputol ng tali sa buhok ko. Nakababa na ang mahabang buhok ko. Mukhang yung tali ko ang puntirya para pahiyain ako. Hinawi ko ang buhok na napunta sa mukha ko at inipit sa tainga ko.

Umikot ang tingin ko at pinakiramdaman ang paligid. Palagay ko ay mula iyon sa babaeng Ician. Huminto ang tingin ko sa pamilyar na grupo. Yung pumasok sa tindahan kanina. Masama ang tingin ng mga ito sa akin pero umangat lamang ang labi ko para bigyan sila ng isang ngisi.

Sa ginawa nila ay mas dumami pa ang tumingin sa akin. Maging ang ibang sa tingin ko ay magulang ay nagawi rin ang tingin sa akin.

"Yejin, ayos ka lang?"

Nilingon ko si Lia na nag-a-alalang nakatitig sa akin habang sa likod niya ang lalaking nag-aya sa kanya. Tumango naman ako.

"Mukhang mas bagay na nakababa ang mga buhok mo kesa sa nakapusod ito."

"Ganun ba. Pero ayos lang talaga ako. Ituloy nyo na ang pagsayaw." Natawa ako nang mamula siya at yung lalaking nasa likod niya. Umalis sila at kumuha ako ng kopita at uminom.

Nalasahan ko ang pait pero hindi ko pinahalatang naibahan ako. Ganito pala ang lasa ng alak. Ibinaba ko ang kopita at isang tawag ang nagpalingon sa akin sa gilid ko. Si Zainah.

"Ang ganda mo talaga! Halika!" Nabigla ako ng kumapit ito sa braso ko at hinila ako.

Nakakaagaw kami ng atensyon at sa hiya ay hinayaan kong matakpan ang gilid ng mukha ko ng buhok ko. Nakaramdam ako ng kaba nang mapagtanto ko kung saan kami papunta. Sa pwesto ng Elitian!

"Sandali, Zainah." Hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy pa rin. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpatianod at mapabuntong hininga ng nakarating na kami.

Ramdam ko ang titig sa akin ng mga nasa mesa pero sa iba ako nakatingin at inayos ang buhok. Binalingan ako ni Zainah at ngumiti ng malaki. Nang tumingin siya sa Elitian ay sumunod ako pero agad na yumuko.

"Nakita ko ang ginawa sayo ng babaeng iyon kaya dinala kita rito. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya kaya hindi siya makakaalis mamaya hangga't hindi ko pinapahintulutan."

Napalingon ako kay Zainah.

"A-ayos lang ako." Sambit ko. Nabigla sa sinabi niya. Agad naman akong napalingon sa Elitian.

"Magandang gabi po." Bati ko at yumuko bilang paggalang lalo na sa Mahal na Prinsipe.

"Napansin kong hindi ka pa sumasayaw kanina pa. Pansin ko din ang kanina pang mga lalaki na gusto kang lapitan pero ayaw ko naman ang unang sayaw mo ay sa kanila at hindi sa Elitian."

"Huh?" Gulat na tiningnan ko si Zainah. Hindi makapaniwala sa narinig.

"Kaya rin dinala kita rito para pumili sa kanila ng maging kasayaw. Hindi pweding hindi nila maisayaw ang isa sa pinakamaganda ngayong gabi."

"H-hala!" Natataranta ako sa sinasabi ni Zainah. Hindi ko alam ang i-a-akto pa. Nahihiya ako sa sinasabi niya. Isa pa, iisipin ko pa lang ang mangyayari kapag nagkita kami ulit na naka-bihis tagapagsilbi ako ay gusto ko na lamang maging yelo, matunaw at mawala.

"Pasensya na, Zainah ngunit hindi kita mapapagbigyan."

*****
-btgkoorin

Icy PrincessWhere stories live. Discover now