KABANATA 17

418 14 0
                                    

Kabanata 17

Love

--

"Tito Halton!" masaya kong pagbati kay Tito nang nakita ko siyang nagdidilig ng mga halaman nila sa kanilang bakuran.

Ngayon ko nalang ulit siya nakita dahil nalaman ko na marami na ang bumibili sa kanila sa palengke. Masaya ako na kahit papaano nakatulong ako sa kanila. Ngayon hindi na sila gaanong nahihirapan sa mga kakainin nila ni Zairus.

"Hija..." bahagyang ngumiti si Tito Halton sa akin at pinatay ang hose.

"Maaga po kayo ngayon?" puna ko at naupo sa table.

"Oo, hija. Pinagpahinga muna ako ng amo ko  dahil sa araw araw na marami ang mga bumibili sa amin."

Binaba niya ang hose at lumapit sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Wala pa si Zairus. Gusto mo muna bang mag meryenda?"

"Ah, hindi na po. I'll just wait for Zairus here while I read my notes. Minsan po talaga nala-late ng uwi 'yon kasi maraming pinapagawa sa kanya ang mga teachers sa school nila," sabi ko.

"Ganoon ba..." marahang tumango si Tito Halton at naupo na rin sa lamesa, sa harapan ko.

Napansin ko na bahagyang matamlay si Tito Halton ngayon. Base sa mukha niya at sa hindi pagngiti. Naisip ko tuloy na dahil ba 'yon sa maraming bumibili sa kanila? Is it because of what I did? Tumulong ako oo pero sumobra yata? Tito Halton is getting very tired and I feel like it's my fault.

"May problema po ba?" tanong ko.

Tito looked at me and smiled slightly. Nilagay niya ang kanyang dalawang kamay sa table at pinaghawak ang mga 'yon. I looked there for a moment and then looked at him again. Ngayon pakiramdam ko may problema na talaga.

"Hija..." marahang pagtawag niya maya maya.

"Po?"

"Hindi ko alam kung ano na ang relasyon niyo ni Zairus ngayon pero sa tingin ko... mahalaga ka na sa kanya..."

Sandali akong natigilan sa sinabi ni Tito.

"Importante ka na para sa kanya. Nakikita ko 'yon. Nakikita kong inaalagaan ka niya, ginagawa niya ang lahat para mapangiti at mapatawa ka, nakikinig siya sayo at gustong gusto niya kapag tumutugtog ka ng gitara..."

Hindi ako nakapag salita.

"Nakikita ko, hija, na gustong gusto ka na niya. O sabihin na nating... mahal ka na niya."

Napalunok ako. I still don’t know what to say. Hindi ko alam kung bakit sinasabi niya 'to sa akin bigla. At hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako.

"Hija, alam kong... tumanggi siya sa scholar niya sa ibang bansa dahil sayo..." ani Tito Halton.

Doon ako nagulat at tuluyang natigilan. Gulat akong napatingin kay Tito.

"Wala siyang sinabi sa akin na dahilan kung ba't siya umatras pero alam ko agad na dahil sayo. Dahil mahal na mahal ka ng anak ko. Walang pwedeng maging ibang dahilan dahil gustong gusto niya ang pagdo-doctor. Bata pa lamang siya gusto niya nang maging doctor. Kaya walang ibang pwedeng dahilan sa pag atras niya kundi ito lang..."

Napalunok ako at parang alam ko na kung saan ito patungo.

"Hija, alam kong hindi madali para sainyo na magkalayo kayong dalawa. Naiintindihan ko kayo. Pero sana... hayaan mong tuparin ng anak ko ang pangarap niya..."

Unti unti akong nagbaba ng tingin at bigla nalang nanlabo ang paningin ko.

"Alam kong hindi dapat ako nang hihimasok sainyong dalawa pero alam kong gustong gusto ni Zairus gawin 'yon. Lumipad sa ibang bansa para mag aral at para may mas lalo pang matutunan. Kaya nakikiusap ako sayo ngayon, hija... Alam kong ikaw lang ang makakapag papayag sa kanya na tanggapin ang scholar hanggat hindi pa huli ang lahat..."

Under the Moonlight (Agravante Series #3)Where stories live. Discover now