Chapter 12: Section Beast

Start from the beginning
                                    

Marcelo Garcia-ako. Section Beast Vice President. Called as known PUSA.

Si Aston Metrillo, Si Cyrus De Leon, Si Azrael Bedia, Si Brayden Abella.

May tatlo kaming babae triplets sila si Eunice Evascu ang panganay, Venisse Evascu siya ang bunso, si Venuse Evascu naman ay siya ang pangalawa.

Oo siyam lang kami pero pwede naman mabilang rito ang pinsan kong si Leo ang kaibigan ni Thea na si Heart at ang girlfriend ko na si Gia welcome sila sa Section Beast.

"Gusto kunang makasama ang kapatid ko," sagot ko sa kan'ya. "Ayaw kong pagmasdan lang siya sa malayo at tingnan kung sinasaktan nga ba siya ni Nious."

"Ayaw ko ring may nanakit sa taong mahal ko Marcel. Alam mo at saksi ka kung pa'no ko inibig ang kapatid mo. Wag kang mag alala dadating din ang araw na 'yan, na tayo na mismo ang magtatanggol sa kaniya laban kay Nious."

"Pag nalaman ni Nious ang totoo sigurado akong magsisisi siya." Napailing nalang ako habang may naalala.

. . .

ALEX QUUMZON POV

Nakita ko kung pa'no sila nabahala. Bakit ganyan sila? Hindi naman masasamang tao ang Section Beast e. Nalaman ko kasing babalik na ang grupong 'yon.

"Diba graduate na sila?" Inis na tanong ni Xhavier.

"Yeah gusto 'ata nila ng gulo," sagot ni Yuno.

"Ano naman ngayon kung babalik sila?" Mukhang hindi namomoblema ang leader namin ha.

Nakangisi lang siya na para bang may binabalak. Napailing nalang ako.

"Ba't mukhang hindi ka problemado?" Takang tanong ni Stephan.

"Kung mamomoblema ako, hindi ba sila babalik? Well wala rin naman kwenta yan kaya sa 'wag mo nalang isipin iyan, mag iisip nalang ako ng plano." Nakangising demonyo niyang sabi.

"Anong plano?" Takang tanong ni Astril.

"Bloody Welcome."

Napasinghap naman kami sa sagot niya. Seryoso Bloody Welcome? Napailing nalang ako. Masama 'to.

"Alam nyo ba kung bakit sila babalik?" Tanong ni Khalil.

"'Yon na nga e imbes na mamroblema kayo alamin nyo."

"Pero pa'no?" Tanong ko.

"Mag imbestiga tayo about sa girl na dinalaw ni Marcel rito." Nagsalita ang pipi kong kapatid nakatayo siya habang seryoso ang mukha. "Mukhang siya ang pakay ng Beast kaya sila nandito," seryoso siyang tumingin sa 'min. "At tama si Nious kailangan nila ng Bloody welcome." Nakangising demonyo rin na sabi ni Kuya.

"Sino sa kanila ang gusto n'yong patayin natin? 'Yung leader? No! 'Yung Marcel? No! Alam kuna," tumayo siya saka kumuha ng Beer at lumagok.

Sinundan lang namin siya ng tingin at hinihintay.

"Si Ashton Metrillo." Nakangising sabi niya.

"The Section Beast playboy?" Takang tanong ni Kiro.

"Oo, pero sa palagay ko matagal pa sila babalik nag papa inform lang para sabihin sa 'tin na maghanda tayo." Nakangising sabi niya.

Ang talino niya talaga napaka misteryoso niya rin. Kaya nga siya ang nagawa ng lider ng Section Monster e at siya ang ginawang SSG Pres.

"Maghanda kayo mag imbestiga kasi may gagawin pa ako." Nag smirk pa siya na para bang may naiisip na kabaliwan.

Ano naman kaya 'yon?

. . .

THEA GARCIA POV

Kumakain lang ako mag isa. Busy kasi sila marami silang requirements. Habang kumakain ako nag angat ako ng tingin ng nakita ko ang gwapo kong crush kaya hindi ko mapigilang mang init ang pisnge ko.

"Remember this Book?" Sabay abot sa 'kin ng ABOUT LOVE? AND HATE?

"Y-yeah." Naiilang parin talaga ako sa kaniya.

"Babasahin mo 'to?" Tanong niya.

"Ayh hindi uupuan lang," pamimilosopa ko sa kaniya.

Kaya napatawa siya at hindi na naman matanggal ang tingin ko sa tawa niya. Bakit ganito parang kami lang dalawa ang nandito sa mundo-char.

"Enjoy reading." Ngumiti siya sakin bago umalis.

Tiningnan ko naman ang libro. Pwede kayang mangyari sa totoong buhay ang kwento na ito? Siguro sa mga libro lang 'yan at sa mga TV.

Na nainlove ako sa isang Nerd boy pero kakaiba eh kaso sa huli mukhang hindi sila nag magkakatuluyan ng nerd boy. Kun'di dun sa kaibigan niya na playboy.

"Mr. Nerd eye glassess boy!" Tawag ko sa kaniya.

Kaya lumingon siya at ngumiti kinuha kuna ang gamit ko at sumabay sa kaniya.

"Sabay na tayo."

Tumango naman siya at 'di na nagsalita saka patuloy lang sa paglakad. Pero bigla niyang binasag ang katahimikan.

"Ang haba ng palayaw ko ha," pang aasar niya.

"Eye glassess boy naman talaga tawag ko sayo," nakangising sabi ko.

"Stephan!" Nagulat kami sa galit na boses ni Nious.

"Bakit?"

"Marami kapang gagawin diba?" Tanong ni Nious kay Stephan.

"Marami nga," sagot ni Stephan.

"Ba't nakikipag landian ka?" Nagpipigil galit niyang tanong.

"Alis na ako Thea." Saka na siya umalis.

Tiningnan ko naman si Nious na ngayon ay galit na tumingin rin sakin anong bang problema ng lalaking 'to? Nagkasabay lang naman kami naglakad bakit parang galit pa siya.

"Go back to your classroom." Galit na sabi niya sa 'kin at binangga niya pa ang balikat ko.

Problema n'on?

. . .

S H A N G S A U R O

That Girl In Section Monster || COMPLETED ||Where stories live. Discover now