Fooled

2 0 0
                                    


"Happy Valentine's Day", bati ni Arthur sa kaklase naming si Ven at ipinatong ang isang pulang rosas sa armchair.

Nabigla kasi si Ven, hindi nya agad kinuha yung rosas kaya pinatong na lang ni Arthur sa armchair. Ito namang si Arthur umalis kaagad. Hindi na tinignan yung gagawin o hinintay yung sasabihin ni Ven.

Hays.. Ano kayang pakiramdam na mabigyan ka ng bulaklak ng nagkakagusto sa'yo tuwing valentine's day?

Isa ako sa mga normal na mag-aaral sa isang private school. I mean di gaanong popular, simple lang manamit, di pangit pero di rin naman kagandahan. Makapasa lang at maka graduate okay na.

Nasa fourth year high school pa lang ako, at syempre di naman masamang mag imagine, kaya may minsang inimagine ko na may magbibigay sa akin ng bulaklak sa February 14. Wala share ko lang..

Pero hindi rin naman ibig sabihin non na gusto ko nang magka love life. Like hello?! Masyado pa akong bata para magmahal at masaktan.

It doesn't matter if you don't have a special someone at 16 years of age. Kahit na halos lahat ng kaedad mo may love life na, okay lang yan. Hindi naman required yan sa buhay.

So as usual, tuwing valentine's day, bumibili na lang ako ng pagkain sa mga booth dito sa school namin. Tamang tikim minsan pag may inaalok na free taste mwehehe. Damihan mo ng kuha kapag nasarapan ka. Like

"Patikim nga ulit parang may kulang na ingredients sa binibenta nyo", mag tamang palusot ka ganon.

" Pahingi pa ngang isa.."

*tinikman

"Bakit parang mapait"

Marami pang booth sa school namin, ganito kasi lagi pag may mga event. Kailangan kada section may booth.

--- Fast Forward ---

12th grade na ako, then biglang may nag message sa phone ko.

Di ko muna pinansin kasi may klase ako. Fyi, naka silent ang phone ko, nalaman ko lang na may nag message kasi nag vibrate yung phone.

After class, chineck ko agad, pagkabasa ko.. medyo nagtaka ako kasi baka wrong send lang. Pero hindi, may pangalan ko eh.

'I like you Fara, It's been 5 years and I still like you'.

- Arthur

WHAT THE HECK?!!

Alam nang buong school na si Ven ang gusto ni Arthur simula noong grade eight pa lang kami. Ano 'tong message ni Arthur sa'kin? Joke? Dare? Prank?

Hays.. Nevermind. Tinabi ko na lang ulit ang cellphone ko at deadma lang sa message galing kay Arthur.

Imposible naman kasi na magkagusto 'yon sa akin. At isa pa, ni wala nga akong nabalitaan na may nagkakagusto sa akin noong high school hanggang ngayon.

Naglakad na ako papuntang canteen dahil lunch break na namin. Pagkalikong-pagkaliko ko humarang sa'kin si Arthur. Sa gulat ko medyo napasigaw ako.

He smiled. "Alam kong nabasa mo na yung message ko".

Oh, tapos?

Char.


Di ko alam kung anong sasabihin ko kaya nag iwas na lang ako ng tingin. Tsaka baka mag eexplain siya kaya tumahimik na lang ako.

At hindi nga ako nagkamali.


"It was you who I like... not Ven"

Bigla akong nasaktan sa narinig ko.

"Para kang math, hindi kita magets"

Natawa siya ng very light.

"Kung gano'n, bakit siya yung binibigyan mo lagi ng bulaklak o pagkain tuwing valentine's day noon? Hinhintay umuwi pagkatapos ng klase, tinititigan most of the time— Nako! Nag away ba kayo ni Ven? Way mo ba'to para magselos siya? O baka prank 'to?"

"Look Fara, I..."

"I.... I'm..."

I raised my eyebrows, waiting for what he wants to say.

"Natotorpe ako sa'yo" halos pabulong yon pero sapat na para marinig ko.


"I don't know, hindi mo pa rin nasagot yung mga tanong ko kanina"


He sigh.

"I-Ikaw yung pinapagselos ko, sa sobrang takot ko na umamin, that was my only way to know if you have feelings for me. Kasama na siguro sa pagiging torpe yung takot mareject. I am too scared that once I confess to you. you'll reject me".

I remain silent. I am completely shocked though I'm enlightened.

"It's been five damn years and I'm still clueless if.... you also like me. Now that I confess, may I know if I have a chance to you.. to like me back?"



I remove my wig, my prosthetic mask just looks like Fara's face, I get my wipes in my bag to remove the foundation around my neck, and then I saw Arthur's eyes wide open.

"VEN?!"



--- Ven's Pov---

Way back in our eighth grade up until our tenth grade, pansin ko na kada mag bibigay siya ng bulaklak, pagkain, kunwaring tititigan ako, at alam kong napipilitan lang siyang hintayin ako para sabay kaming umuwi pagkatapos ng klase. Palagi nyang susulyapan si Fara. Simply, to know what will her reaction of Arthur's efforts to me.

Masyado pa akong inosente noon sa mga ganitong bagay. But as we grew older, I observed that he was just using me. Pero hindi agad ako naniwala kasi hindi naman sapat na ebidensya yung naobserba ko. One time, narinig kong kausap nya ang bestfriend niya at tinanong nito kung kailan magtatapat si Arthur kay Fara.

Napatanong ako noon kung bakit si Fara.

After we graduated, narinig kong sa America magpapatuloy ng pag-aaral si Fara at hindi iyon alam ni Arthur.

Bigla akong nakaisip ng plano.

And that is to be Fara. I ensure that Fara is in America before I started to be her. Nahirapan din ako na gayahin siya pero natutunan ko rin. Alam ng buo kong kaklase ngayon kung sino talaga ako, pero sinabi ko sa kanila na Fara ang itawag sakin, even to my professors. Sinabi ko na iyon ang nickname ko. Ka apelido ko rin si Fara, but we are not related.

I know Arthur, hindi niya sasabihin sa akin na ang gusto niyang talaga ay si Fara. He is afraid to confess, but he was not afraid to hurt somebody else.

So I did not push him to speak.

"Your best friend is indeed loyal to you. Parehas kayong makasarili! How dare you play with my feelings—"

"I'm sorry.."

I cried.

"Buti na lang napigilan ko ang sarili ko na mas gustuhin ka. At kung hindi ko pa ito gagawin?! Hanggang kailan ka magpapakatorpe kay Fara? Hanggang kailan mo ako gagamitin?"

"I'm very sorry, Ven".


"Sorry huh?", I said sarcastically.

I stepped as I get closer to him, I reached his right ear and whispered, "you were fooled by your foolishness".

I smiled and walked away.

FooledWhere stories live. Discover now