Prologue

44 9 1
                                    

It's early in the morning at gising na gising na ako. Wanna know why? Kasi naman sabi ni Lola maaga daw dapat, dahil may bwisi-bisitang darating ngayon. Hindi ko naman pwedeng suwayin ang utos ng aking pinakamamahal na lola dahil, strikto yun. Gusto ko na nga lang gumulong gulong sa kama ngayon dahil naalala ko halos wala pala akong tulog. Nagpuyat kasi ako kagabi dahil sa dami ng school works.

Sana lang talaga hindi ako magmukhang zombie sa harap ng bisita mamaya. Dahil kung mangyare man yun baka makatikim pako kay lola. Pansin ko lang? Bakit kanina ko pa ginagamit yung word na 'bisita'? Kaumay ah.

And I tell guys malungkot ang bahay ngayon, para bang wala man lang kabuhay buhay. Mula nung namatay si lolo, para bang namatay na rin yung saya. Kami lang ni lola ang nandito ngayon dahil umuwi sa kanyang pamilya si manang and si Tita Rita naman-which is kasama din dito sa bahay-ay may inilalakad na hindi ko alam kung ano Three days na silang wala at kasama siguro si manong-driver namin na papa minsan tawag ko.

Eh pano ba naman kasi? Pag pumupunta dito ang mga anak niya, puro 'papa' nalang  lagi ang bukambibig kaya ayun! Nasasama na rin ako sa kapapapa nila, pero pag nandito lang naman mga anak niya. Mga anak niyang pasaway, na laging nakabuntot kahit san ako magpunta. Ano ako magnet? Tas sila yung bakal, Bea noh? Kapet lang ng kapet.

Bumangon na ako at ginawa ang aking morning routine. Sa totoo lang nakakatamad gumalaw pero kailangan kasi e. Sa ngayon napapa isip ako, sino kaya ang bisita namin? And why lola don't want to tell me who is she/he? Hay... Later on masasagot din yan, sa ngayon sarili ko muna ang iisipin ko.

And now I'm prepared. Hindi lang pala ako pati si lola. Kinatok niya lang yung pinto ko para ipaalam sakin na kailangan ko nang lumabas ng kwarto. Kaya naman, lumabas nako. At naiinis na natutuwa ako dahil isang oversize shirt black na hanggang tuhod at sexy short lang ang suot ko. Tell me guy's, tropa ko ba yung bisita?

Well, i admit that I like this kind of outfit.

Kase naman e, wala akong mahanap na matino tinong maisusuot. So, matino yan para sayo Bea? Omygod! Baka ratratin ako nito ni lola. Jusko lord! Wag naman sana. Diba sabi ko naman, strict ang lola ko kaya hindi malabong hindi niya sitahin tong suot ko mga bes. Lalabas na sana ako ng kwarto ng maalala ko na... Hindi pa pala ako nag to-toothbrush. Nag mumog lang ako kanina.

Bad breath.

Paglabas ko ng kwarto dumeretso ako sa sala at sofa kung saan nakaupo si lola at nagmano. Oo! Kahit papano mabait naman ako. Hindi nga lang halata, kase maganda ako... Huh? Anong connect bea?

"La, mano po."

Tinignan niya muna ako mula ulo, hanggang paa at... at bumuntong hininga! Bumuntong hininga!  Shems mga bes sign yun na hindi niya nagugustuhan ang isang bagay. Omy! Watchuganadu bea!

"What's with your outfit, hmm?" aniya bago suminsim sa kanyang kape.

"Ah ano kase lola... I don't know what I'm go-going to wear."shet! Bakit ako nauutal? Syempre sinong hindi kung ganyan ka strict lola mo? Nakakatakot kasi para kang kakarnehin.

"You have a lot of clothes, right? Not only one."

Napayuko nalng ako. Eh, sa wala ako masabe e. Alangan namang sabihin kong 'lola wala po kasi akong mapili' edi nasabihan pako ng katamaran? Ganun yung ibang mga magulang e, porket dimo nagawa yung isang bagay sasabihan kapa ng tamad. Pero totoo naman.

"Go to your room and change it." utos niya kaya tumango nalang ako.

Ganyan siya ka strikto. Oo, minsan naiinis ako dahil sa mga sermon niya. Pero narerealize ko naman na hindi tama na masamain ko yung mga sinasabi niya, dahil dinidisiplina niya lang naman ako. Bilang magulang, alam ko na ayaw lang nila na maging pariwara ang mga anak nila. They just giving them, advice.

Mixed Signals Where stories live. Discover now