Chapter Twenty Four

18 0 0
                                        

Bumalik na ako sa table namin pagkatapos kong ayusin ang sarili ko at siguraduhing walang bahid ng luha ang mukha ko. I wear my most genuine smile hanggang sa naka upo na ako. Sa harap nilang dalawa. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong maging okay sa harap ni Mel. Kaya ko namang magpanggap na hindi ako nasasaktan.

"Dude, pinsan mo pala si Jake." siniko ako ni Gino ng maupo na ako. Tumango ako at ngumiti. nakita ko rin sa mga mata nila ang awa kaya hindi ko inalis ang ngiti sa mga labi ko.

"Kailan ka lang naka uwi, bro?" tanong ko kay Jake.

"Two days ago lang." sagot nya bago sumubo ng pagkain.

"So, magkasabay talaga kayo ni Mel, from States?" si Jelay na naman ang nagtanong.

"Syempre hahayaan nya ba namang bumyahe mag isa ang fiance' nya." sabat ni Arya at bigla namang nabilaukan si Jake. Agad syang binigyan ni Mel ng tubig na may kasamang ngiti sa labi. How I wish, para sakin ang mga ngiting yun.

"Ayoko kasing bumyahe sya mag isa. Spoiled kasi sya sakin." tumawa si Jake.

"Baliw." sabi ni Mel.

"Sweeeeeeeeeeeet." sabay tili ni Arya at Jelay.

"Bro, kailangan ko na palang umalis." tumayo si Allen para magpaalam. "Lex, hatid mo naman ako, wala akong dalang kotse eh." Ngisi nya.

Alam kong may kotse sya at alam ko din kung anong ginagawa nya.

"Ang aga pa ah!" reklamo ni Jay.

"Magkikita naman tayo bukas ah." sabat nya.

Punta kami ng Tagaytay bukas para magbakasyon ng dalawang linggo. Habang honeymoon naman yun nila Justin. Mga baliw kasi, gusto nila nandun din kami. Total, naka honeymoon narin din naman sila noon. Mga bwisit!

"Oo nga pala, Mel. Bukas, Tagaytay?" hinintay ko ang sagot ni Mel dahil tila nagiisip pa sya.

"Oo ba." ngitingiti sya. Yes! Natuwa ako dahil magkakaroon kami ng time. Baka nga makapag usap na kami.

"Ikaw Jake, sumama ka narin." agad namang nilakihan ng mata nina Jelay at Justin si Arya na nagyayaya. Alam kong kahit papano ay nasa side ko parin ang mga ito. Ewan lang kay Arya dahil bestfriends talaga sila ni Mel.

"Yun ay kung hindi sya busy." laglag ang braso ni Arya at halatang naghinayang sa pagyaya ng magets nya ang mga matang makatingin sa kanya.

"Huh? Eh..." nag isip pa ang gago. Wag ka ng sumama.

"Sige na, Jake. Sumama kana please?" suyo ni Mel na nagdala ng hapdi sa puso ko. Naka kapit sya sa braso nya at tila di ito bibitawan hanggat di umuo ang isa.

Tumango sya. "Ok. Sige. For you." and they smile at each other like there's no tomorrow.

Darn!

Kasama kong bumyahe si Allen at Jelay. Sinadya kong mapahuli dahil nawawalan na ako ng gana.

"Si Arya naman kasi parang tanga! Nagyaya pa!" inis na inis na si Jelay.

"Hindi nya ba talaga na isip na sana time nyo na to ni Mel?" dagdag naman ni Allen.

Na aappreciate ko sila dahil kami parin ang iniisip nila.

"Guys, calm down. Fiance' nya yun. Syempre yayayain ni Arya. Isa pa, wala na akong karapatang manghimasok dahil mag fiance' sila." sagot ko. Nagtaas naman ng kilay si Allen at agad akong binatukan ni Jelay.

"So ano? Suko ka na? Suko agad? Kung yung naglalakad na nga sa altar na aagaw pa, fiance palang pa kaya? Come' on. Ikaw si Alexander Buenavista? Nasan na yung Alex na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto nya?"

"Wala na yun. Kasi dahil sa Alexander na yun, nawala sakin ang lahat." sagot ko na may paghihinayang.

Oo dati kaya kong gawin lahat. Ginawa ko ang lahat makuha ko lang si Flor, pero sa katangahan ko, nawala naman si Mel sakin. I would never make that same mistake again.

Tanghali na ng dumating kami sa Tagaytay. Dun kami sa isang Hotel Resort naka check in.

Same room kaya sina Mel at Jake? Natanong ko sa sarili. Kung isa nga, ano naman ngayon. Mag fiance' sila.

"Guys, ready na yung room nyo. ito yung keycard nyo Allen." sabay lahad ni Arya ng keycard pati narin kay Jelay.

"Sinong kasama ko?" tanong nya.

"Wala, ikaw lang. Five rooms kasi ang nireserve ko. magkasama na sina Jay at Gino."

"Huh? AKo lang? Eh si Mel?"

Tumingin sakin si Arya bago sumagot. Na gets ko ang tingin na yun kaya bago pa sya sumagot ay lumayo na ako. Alam ko naman eh, hindi ko na kailangang marinig.

Dumaritso na ako sa room namin at sumunod naman si Allen.

"Sure ka bro, okay ka lang?"

Binuksan ko ang kurtinang nakatakip sa sliding door sa balcony ng room namin para lumiwanag. Napahiga narin ako sa kama sabay kuha ng phone ko.

"I'm fine." sabi ko at rinig ko ang buntong hininga nya.

Nag type ako sa sa chatbox at nagbitiw ng malalim na hininga bago ko yun isinend. Napapikit na ako sandali ng marinig kong nag beep ang phone ko.

Damn! Nagreply sya. Agad ko yung kinuha at binasa ang chat.

Mel: Maybe later. Magpapahinga pa ako. Pagod sa byahe eh.

Nakahinga ako ng maluwag. I asked her kung pwede kaming mag usap at nagreply sya. Positive ang reply nya kaya kinabahan ako lalo. Oo, kinabahan ako dahil alam kong naka move on na sya. At kung mag uusap man kami, yun ay para lagyan ng closure ang nangyari samin noon.

Once Upon a TimeWhere stories live. Discover now