"Sir, nandito na po sila."
Kumatok ang katulong namin sa kwarto ko para ipaalam na dumating na ang barkada. Saturday pala. Nagtitext pa naman kami ni Flor kaso it's barkada day out kaya mamaya na lang ulit.
Bumaba na ako para batiin sila.
"Oh, kayo lang?" tanong ko ng mahalatang kulang na naman ng isa. "Ba't laging wala si Mel?"
"Susunod nalang daw sya. May tinatapos lang." sagot naman ni Arya.
"Ewan ko ba sa babaeng yon. Parang di na nga masyadong kumikibo. Naninibago ako." Dagdag naman ni Jelay.
"Baka may pinagdadaanan?" tanong ni Jay.
"Magsasabi naman yun pag may problema noh! Wala namang tinatago satin yun." Ika ni Allen.
Bago pa man lumalim ang iniisip ng grupo ay bumukas na ang pinto at...
"Halllleeeeeeeeeeerrrr!!!!!" Medyo na bingi kami sa sigaw ng bruhang to.
"Sorry I'm late guys. May inayos lang." katwiran nya. Sa kanilang lahat, si Mel ang pinakakilala ko. Magaling sya sa lahat ng bagay maliban na sa isa. Ang pagsisinungaling.
"Yung totoo?" seryoso kong tanong at dapat maayos ang pakikitungo ko sa kanya ngayon kaso irap ang ginanti nya sakin. Nagbago ang isip ko.
"Hoy, bahay ko to kaya umayos ka!" balik ko sa kanya.
"Alexander Buenavista! Ginagamit mo na naman yang pagkasuplado at mayabang mo sa apo ko!" nanigas ako sa sigaw ng lola ko mula sa likuran. Mabilis na umayos sa kakatayo ang mga kaibigan ko at sabay sabay bumati kay lola.
"Mel, apo. Aba, ay bakit ngayon ka lang nagpakita dito? Miss na miss na kita. Ito kasing antipatiko kong apo ay sinasabihan kong papuntahin ka, ayaw akong sundin." Sa kanilang lahat kay Mel lang talaga siya lumapit.
"Hi lola!" bati naman ng bruha sabay yakap at halik sa lola ko.
"La, baka nakakalimutan mo, ako ang apo nyo at hindi sya!" kamot ko sa ulo ko.
Inirapan ako ni Melanie at nilabasan ng dila habang yakap yakap parin si Lola.
"Heh. Maayos ang gising ko Alexander, wag mo ng sirain. Apo, dito ba kayo buong araw?" para kay Mel ang tanong na iyon. See? Ako ang apo pero pag anjan si Mel etchapwera ako.
"Yes po lola. Okay lang po ba yun?"
"Basta ikaw, apo. Sya at ipagluluto kita ng paborito mong kari kari."
"Naku! Thank you, lola."
"La, allergy ako dun!" sabat ko.
"Narinig mo ba ako? Ang sabi ko si Mel ang ipagluluto ko, hindi ikaw."
Natawa ang barkada at ako naman ay napakamot nalang.
"Ibang klase ka Mel. Pano mo napapaamo ang dragong lola ni Alex?" patawang sabi ni Jay ng nasa pool na kami.
"Siguro dahil pareho kaming di bulag sa pagkaantipatiko ng apo nya!" tawa nyang sabi. Titingnan ko sana sya ng masakit pero di sya tumingin sakin. Lumayo narin sya at nag dive sa pool.
Swimmer sya. Yun ang lipas oras nya. Natutulala kaming lahat sa kakapanood sa kanya. Naka ilang balik na sya ng paglalangoy. Di tumitigil at parang di hinihingal. At ng umahon sya ay tatanungin ko sana siya pero naunahan ako ni Allen.
"Mel, okay ka lang ba?"
Tumango sya sabay kuha ng tuwalya. Naka two piece sya. Perfect ang katawan nya pero di ako natutuwang naka two piece sya sa harap naming lahat. Naiinis ako sa ganun.
"Bakit?" tanong nya ng ilapit nya sa labi nya ang straw ng juice nya.
"Ganyan ka lang naman pag may problema eh." Ani Jelay.
"Tsaka napansin din naming di kana masyadong kumikibo this past few days. At bigla ka nalang susulpot kanina na energetic na agad."
Tumawa sya at hindi na sumagot. Pero kitang kita ko parin ang nakatago sa mga mata nya. May halong pagalinlangan at takot ang nandito. Ano kaya ang nangyayari sa bruhang ito.
Pagkatapos nun ay naging tahimik ang lahat. Kaya na isip kong putulin ang katahimikan.
"Guys?" sabay ng pagbigkas ko nun ay ang pagtawag ni Mel sakin.
"Sige, ikaw na." sabi nya. Ngumiti ako at bumuntong hininga.
"Sasagutin na nya ako." Mahina kong sabi. Nagulat sila sa balitang dala ko at si Mel naman ay bigla nalang napamura.
"Shit!" Napatingin kami sa kanya. Agad naman syang ngumisi.
"Sorry. Natapon yung juice."
Kumuha siya ng tissue para punasan ang legs nyang nabasa. Sunod sunod naman ang mga tanong ng barkada sakin, kaya di ko na namalayang umalis pala si Mel. Dahil ng bumalin ako sa kanya ay wala na sya doon.
YOU ARE READING
Once Upon a Time
RomanceOnce upon a time, there was this girl. I loved everything about her. Her complicated attitude. Her flaws. Her laughs. The way her hair swayed when she walks. The way she talks and the way she looks at me. Everything. And she does as well. She loved...
