"Congratulatiooooonnnnssss!!!!!!!!!!!!"
Isang malaking celebrasyon ang nagaganap ngayong gabi. Bakit ngaba hindi? Graduate na kami! Oo. Graduate na kami ng college and a new chapter awaits.
"Ano? Kaya pa?" umakbay ako sa nalalasing si Marty. Kaklase ko sya sa Business Ad at naging malapit narin sa barkada.
"Kaya pa tol!!!" sigaw nya habang inaangat ang baso ng vodkha. Tumawa ako. Nasa isang bar kami at nireserved ito for the night para lang sa celebration namin.
"Alex!" tawag ni Arya pagdating. "Congrats!! So proud of you." Ngumiti lang ako sa kanya ng hinalikan nya ang pisngi ko.
Siguro after two years noon ay naging maayos ulit ang samahan naming magkakaibigan. Ganun katagal ang tiniis ng isa't isa para maka get over sa nangyari.
"Para sa Suma ComLaude!!!" nagpalakpakan ang lahat ng isigaw yun ng isang babae sa microphone. Umulan naman ng kung ano anong inumin sa loob.
Suma Com laude ako ng batch namin at yun ang dahilan kung bakit nagpaparty party kami ngayon.
"Dude, this is so cool!" isang lalaki ang lumapit sa table ko at nag high five sakin. Familiar siya pero nakalimutan ko na ang pangalan.
"Enjoy lang kayo dude." sabi ko ng nakatawa.
Nagsasayawan sila at mukhang enjoy na enjoy din naman ang lahat.
"Nasan si Justin, Ya?" rinig kong tanong ni Jelay kay Arya. Ngumuso lang ito at nakita namin ang papalapit na Justin. Nag kamayan kami at tulakan gamit ang braso.
"Congrats pare. Grabe ka!" bati nya.
"Cheers para kay Alex!" yaya ni Jay at nagcheers na din kaming lahat.
"ANg bilis noh? Parang kailan lang, 4 years na pala ang nakalipas." ani Gino.
"And guess what, 8 years na tayong magkakasama!!" ang tuwang tuwa na si Allen. Nag cheers kami ulit para dun.
"Sayang, si Mel lang ang kulang." naging malungkot ang mukha ni Jelay ng sinabi nya yun. Siniko sya ni Arya at napatingin sila sakin.
"Tsss. Okay lang. Ano ba kayo." sabi ko. Iniiwasan nila ang topic pag nandiyan ako. Pero sa totoo lang, okay lang naman sakin eh. Tanggap ko na. Matagal na.
"Sos. Okay ka na ba?"
Tumango ako kay Jay.
"Naka move on na?" dagdag ni Arya at ngumisi lang ako.
Hindi ko naman sinasabing naka move on na ako. Tanggap ko lang. Ibig sabihin, hindi na ganun kasakit tulad ng dati.
"Mahal mo pa ba?" natigilan naman ako sa tanong ni Justin.
"Syempre! Bakit di nyo ba nararamdaman yun?" si Allen na ang sumagot para sakin. Si Allen lang din naman kasi ang nakakaalam ng lahat eh.
"Pano pag bumalik na sya?" tanong ni Arya. Ngumiti ako.
"Edi e-welcome!" sigaw ko sabay inom ng isang basong wine.
"kaya mo kaya?" hamun naman ni Gino.
"Oo naman. Ba't hindi?" balik ko sa kanila.
"Eh kasi po, the last time we check, naka move on na sya, matagal na at tila wala narin syang nararamdaman. Habang ikaw mahal na mahal mo parin sya. Paano..."
Hindi na natapos ni Jelay ang sasabihin dahil tinakpan ni Justin at Arya ang bunganga nya. Napalunok naman ako sa mga sinabi nya. Natigilan kaming lahat. Nalasing narin kasi si Jelay kaya siguro kung ano ano nalang ang sinasabi.
Ngumiti ako para mapawi din ang awa sa mga mata nila. "Alam mo Jelay, kahit naman siguro 4 years na ang nakalipas, meron pa din namang natitira diba. Isa pa, public naman ang FB nya. Wala naman syang naging ka relasyon diba?" sabi ko.
"Mali!" sigaw ni Jelay at tinakpan ulit ng dalawa ang bunganga nya.
"Bitiwan nyo nga ako." pinaghahampas nya ang mga kamay nila.
"Kailan nyo pa ba sasabihin sa kanya, ng di na sya umasa?"
Nanlaki ang mata ko. May alam sila? May iba na si Mel? Pero confident naman ako na for four years wala syang naging boyfriend kaya ganun nalang din ang lakas ng loob kong, pag bumalik sya ay ako parin. Na maaayos parin namin.
"Guys, you know he's hurting. At mas lalo syang masasaktan kung makikita nya nalang si Mel next month at may iba ng kasama!"
Nakita ko ang pagkabigla nina Gino, Jay at Allen. Pero mas nabigla ako sa natuklasan. Next month? Uuwi sya next month?
Binatukan ni Arya si Jelay. "Ikaw. Ang daldal mo kahit kailan!"
"Wait,wait, wait. Ano ang ibig sabihin ni Jelay?" ang naguguluhang si Gino.
Nagbuntong hininga ng sabay si Justin at Arya. Napasandal narin ang ulo ni Jelay sa mesa. Hindi kasi sya sanay sa inumin kaya ganyan sya kabilis na tumba.
"Alex, I'm sorry. Hindi ko rin kasi alam kong pano sasabihin sayo eh. Pero last week lang din naman kasi kami nakapag usap talaga." ani Arya.
"Wala naman sakin yun." sabi ko sabay inom ng alak sa baso ko.
"At yun nga, tinanong ko sya kung may someone special sya sa States and she said yes."
Napalunok ako. May karapatan ba akong masaktan? Diba parang wala naman. Tsaka 4 years na yun, gago lang siguro ang mag iisip na after 4 years na paghihiwalay nyo ay babalik nalang sya at mahal ka parin kung in the first place naman talaga, walang namuo na relasyon. At oo, isa na ako sa mga gagong yun.
"But what is Jelay talking about? Yung next month." singit ni Jay.
Nagtinginan si Arya at Justin.
"She's coming home, bro." agad na sinabi ni Justin.
Magkahalong kaba at tuwa ang naramdaman ko. Next month? That is just a week from now.
"Really? Ano naman ang nakapag pa uwi sa kanya?"
"We're getting married."
Lahat ng mata ay napalingon ng biglaan sa dalawang nag sabay magsalita.
"Married? Justin? Dude? Ikakasal kana?????" ang di makapaniwalang si Gino.
"Arya? Why so fast? Kakagraduate palang natin ah."
"Ano naman ngayon? Eh, gusto namin eh." sagot ni Justin.
"Ulol!!! Lokohin nyo kami. Anak ng tupa kayo, magkakasama na tayo pero nahuli pa kami sa balita." pa iling iling si Allen na natatawa narin.
"Truth is, magiging ninong at ninang na kayo." pasimpleng sabi ni Arya naikinabigla naman naming apat.
"Ayoko namang dalhin nya yan na hindi ko pa sya ka apelido. Tsaka, nagmamahalan naman kami kaya sapat na yun para pakasalan ko sya. Mabuti narin yan, para di na sya makahanap ng iba." Binatukan ni Arya si Justin at kami ay natawa nalang din.
Masaya kami para sa kanila. Nakita naman namin kung pano sila nagmahalan. At sa mga oras na yun, panandaling nawala sakin ang katotohanang, malapit na kaming magkita. Handa na ba ako?
ESTÁS LEYENDO
Once Upon a Time
RomanceOnce upon a time, there was this girl. I loved everything about her. Her complicated attitude. Her flaws. Her laughs. The way her hair swayed when she walks. The way she talks and the way she looks at me. Everything. And she does as well. She loved...
