"Ikaw na mismo ang nagsabi Aiden, Na huwag nating pilitin ang mga bagay na hindi natin kaya." Sabi ni Fiona.

"Ayun na nga. Ayun na nga ang sinasabi ko... Ang ibig kong sabihin."

Napaayos sa pag-upo si Fiona. "Isang tanong, Isang sagot, Aiden. P-Pinilit mo lang bang mahalin ako?" tanong nito.

Lahat kami ay napatingin kay Aiden na diretsong nakatingin sa mga mata ni Fiona at halata na nagulat din siya sa tanong nito.

"S-Syempre, H-Hindi. K-Kasi, Mahal kita Fiona. Putangina, Mahal na mahal kita." Sabi nito.


"At mahal din kita Aiden. Pero sana naman ay naging aware ka sa pwede kong maramdaman kung sakali mang makita kitang ganun." Sabi ni Fiona.

Pak! Tama ka dun Fiona.

Dapat ay simula pa lamang ay naka'y Fiona na ang atensyon niya.


"Sana simula pa lang, Pinilit mo nang kalimutan si Lexi kasi nakaraan na siya. Ako na yung ngayon. Yun, Yun Aiden... Yun ang dapat mong ipinilit kasi yun yung DAPAT."

Tama ulit si Fiona dun. Yun din yung ibig kong sabihin.

"I-Im sorry, Nagkulang ako." Sabi ni Aiden.


"Aaminin ko Aiden, Totoong nagkulang ka... Pero alam ko rin sa sarili ko na nagkulang ako. Kasi alam mo kung bakit?... Kasi hindi mo naman siya hahanap-hanapin kung naging sapat ako sa'yo. Tama ako hindi ba? Kasi kung naging sapat ako sa iyo sa simula pa lamang ay ako na ang bubuo sa iyo. Pero anong nangyari? Kulang pa din ako."

Tama! Tama!


"Dapat talaga ay sa simula pa lamang, Inalam ko na na dapat sa isang relasyon, Kailangan mong nagsakripisyo. Pero... Ito na ba yung naging kapalit ng sakripisyo ko? Alam mong wala pang Zombie Apocalypse ay pinagkasundo na kami ni Klarence upang ipakasal. Yun yung tanging paraan para maisalba ang kompaniya namin at mas mapalawig pa ang pagkakaibigan ng pamilya namin."


Hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa mga sinabi ni Fiona. Mabuti na lamang at naramdaman ko ay kamay ni Klarence na mahigpit na humawak sa mga kamay ko. Napatingin ako sa kaniya at sinalubong niya ako ng matamis na ngiti.


Kitang-kita mo sa mga mata niya na alam niya yung nararamdaman ko.

"Isinuko ko yung nararamdaman ko para sa kaniya kasi alam ko at kitang-kita ko na mahal niya si Bella. Nasaktan ako dun kasi pakiramdam ko ay wala nang magmamahal sa akin. Pero dumating ka at ipinakita mo na i deserve to be loved." Pagpapatuloy pa nito.


"Hanggang ngayon ay iniisip ko kung paano magpapaliwanag sa mga magulang namin na iuurong namin yung pinagkasunduan nila dahil si Bella ang mahal niya at hindi ako. Tapos ikaw ang mahal ko at hindi si Klarence. Si tingin mo ba ay ikaw lamang ang nahihirapan?" saad pa ni Fiona.


"Ako na ang bahala dun." Sabat ni Klarence.

"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila." Sabi pa niya muli saka ako kinindatan.

Tusukin ko mga mata mo.

"Kung inaakala mong balewala ka sakin Fiona, Hindi. Mahal kita kaya mahalaga ka." Sabi ni Aiden.


"Alam ko yun. Ganun din naman ako, Aiden."

Sandaling katahimikan na naman ang bumalot sa scenery dito sa loob.

"Mag-ayos na tayo please?" pagmamakaawa ni Aiden.


Dahan-Dahang tumango si Fiona kaya napangiti kaming lahat at napahinga ng maluwag.


Sa wakas. Mabuti at nagkaayos na din sila. Akala ko ay hahaba at hahaba pa ang sagutan nilang dalawa. Mabuti na lamang at si Aiden na din ang nakipag-ayos. Kung walang nag-first move sa kanila, Baka hanggang sa katapusan pa ng pandemya ang pag-aayos nila.


Biro lang...

Pero ang kasiyahan pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naputol nang makarinig kami ng mga putok ng baril mula sa labas. Agad na naalarma sina Klarence at ang iba pa niyang kasamahan. Si Ben naman ay nagtatakbo patungo sa akin dahil sa gulat sa mga nangyari.


Isa lang ang maaaring may pakana ng pagpapaputok ng baril na yun. Walang iba kundi si...

Dr. Wilson...

••

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now