Chapter 18

111 5 0
                                    

••

Bella's P.O.V.

"Fiona, Alam mo din sana na masakit sa akin ang pagkawala niya." Sabi ni Aiden na umiiyak na din.

Gustuhin ko mang umawat sa kanila ay hindi ko magawa.

"Oo alam ko. Kahit naman siguro sino masasaktan kung sila ang nasa kalagayan mo. Pero Aiden! It's fvcking three years! Tatlong taon na 'yan—"


"Oo tatlong taon na! Tatlong taon na Fiona pero masakit pa din. Sobrang sakit." Mas napaiyak si Aiden dahil dun.

"Alam kong masakit Aiden. Kaya ba ayos lang na masaktan din ako?"


Hindi nakaimik si Aiden dahil dun. Lahat ng kasamahan namin at nakatingin lang sa kanilang dalawa. Para kaming nanonood ng live movie.


Alam ko na nasasaktan din ng sobra si Aiden pero mas nasasaktan pa din si Fiona kumpara sa kaniya. Kitang-kita iyon sa mukha niya. Lalo na at babae siya, Mas madali siyang masaktan.


"Hindi pa ba sapat sa 'yong sabihin kong mahal kita?" mas mahinahong saad ni Aiden ngayon.

"Mahal mo ako, Oo. At mahal din naman kita. Pero... Pero... Pero mahal mo din siya."

Nabalot na naman ng katahimikan ang buong bahay. Parang ang layo na nilang dalawa sa Aiden at Fiona na kilala ko. Parehas silang malakas pero dito, Ang hina nila pareho.


Nakakatakot. Nakakatakot na baka isang araw, Maramdaman ko din yang ganiyan.


"Simula nang maging tayo Aiden ay alam kong mahal mo pa din siya. Kitang-kita ko yun sa'yo. Kaya nga mas ginugusto kong magkwento ka sa akin kaysa sa ako ang magkwento sa'yo. Para sa ganung paraan, Alam ko ang nasa kalooban mo. Pero patagal ng patagal... Pasakit din ng pasakit Alam mo ba 'yun?"


Fiona...


"Oo, Nung naging tayo ay inaamin kong mahal ko pa din siya. May kaunting nararamdaman pa din ako kay Lexi kahit papaano. Pero tangina Fiona, Namatay siya sa mga kamay ko. Hindi ko siya naprotektahan." Humagulhol si Aiden kaya mas napalakas ang iyak ni Fiona.


Ngayon ko lang nakita na umiyak at humagulhol si Aiden. Never kong na-imagine na makikita ko silang dalawa na ganito.


"Kaya nga p-pinipilit kong maprotektahan ka. P-Pinipilit ko na maiparamdam sa'yo n-na, Ikaw pa lang ay sapat na. P-Pero hindi ko naman napapansin na, N-nasasaktan na pala kita. Ang d-dami kong p-pagkukulang sa kaniya at ayokong magkulang s-sayo, Kaya nga pinipilit kong tibayan ang loob ko para sa'yo." Humihikbing saad ni Aiden.


Hindi nakatugon si Fiona sa kaniya. Napaupo na lang siya at napatakip sa mukha gamit ang dalawang palad niya habang humihikbi. Alam kong gustong lumapit ni Aiden sa kaniya para yakapin siya pero natatakot itong baka ipagtabuyan lang siya nito.


Iniisip niya ang mararamdaman ni Fiona sakaling lumapit siya.

"Alam ko na sa simula pa lamang ay baka hindi ako maging mabuting boyfriend sa'yo. Kasi kay Lexi pa lamang ay alam kong nagkulang na ako. Mahirap... Napakahirap sa akin na makita kang nagkakaganiyan. Hindi ko dapat pinaparamdam sa'yo yan kasi hindi mo deserve na masaktan!" sabi ni Aiden nang tumigil siya sa paghikbi.

Zombie Apocalypse✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang