Chapter 5

137 10 2
                                    

••

Bella's P.O.V.


Pumunta ako dito sa underground garden pagkatapos naming kumain. Nakita ko naman si Klarence na naghihintay sa akin. Nauna siya sa akin kanina kaya nandito na siya.


"Sorry ulit." sabi niya pagkaupo ko.


Ngumiti naman ako sa kaniya pero hindi ko maiwasang hindi magdamdam. Ang sasakit ng mga salitang ibinato niya sa akin kanina kahit na prank lang 'yun. Grabe yung bigat sa dibdib nun at nasaktan ako dun masyado.


May kinuha siyang paper bag at saka iyon iniabot sa akin. May nakasulat na 'Happy birthday' dun at For Bella. Na-appreciate ko naman yung regalo niya lalo na at alam kong mahirap maghanap ng regalo sa sitwasyon namin ngayon.


"Paano niyo nga pala nalaman na birthday ko ngayon?" tanong ko habang tinatanggal ang mga stapler sa paper bag.


"Di'ba, Nabanggit mo nung nag-uusap kayo sa labas nung unang araw mo dito." sabi niya.


Naalala ko nga palang nasabi ko din yun sa mga kasamahan niya. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang regalo ay bumungad sa akin ang kahon ng lightstick ng BTS. Napatayo ako sa sobrang saya. Ito ang kauna-unahan kong Lightstick.


"Teka, Paano niyo nalamang Army ako?" tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ang lightstick na hawak ko.


"Binisita kasi ni Caleb yung mga accounts mo kaya niya nalamang Army ka." sabi niya sa akin.


Nilagyan ko ng battery yun at saka pinailaw. Hala! Gumagana siya! Gumagana yung lightstick mga bes!


"Sorry ha. Hindi yan yung official. Nahirapan kasi akong mahanap yung official ehh." sabi niya sabay kamot ng ulo.


Official man to o hindi. Tatanggapin at tatanggapin ko 'to. Umiilaw man o hindi, Tatanggapin at tatanggapin ko to. May sira man o wala, Tatanggapin ko din 'to. Ang mahal mahal kaya ng Army bomb tapos mag-sosorry siya kase hindi official? OMG. Gusto ko atang maiyak my GOD!


"AYOS LANG!" sabi ko.


Kulang nalang ay magpagulong-Gulong ako sa tuwa dahil sa lightstick na hawak-hawak ko ngayon. Hindi ko talaga inexpect na magkakaroon ako ng ganito. Grabe talaga! Sobrang saya ko. Hindi ko naman masabi kina mama at papa na gusto ko ng ganito dahil nga sa presyo nito.


At alam ko din na maiinggit ang mga kapatid ko dahil meron ako non tapos sila eh wala. Akala kasi nila ay laruan lang 'yung mga lightstick at basta-basta lang siya. Ang mahal mahal nito at kulang na lang eh ibenta ko yung kidney ko dahil sa gusto kong makabili nito.


"Tungkol nga pa dun sa kanina," napatingin ako sa kaniya "Sorry nga pala. Alam kong nasaktan kita nang dahil don. Sorry ulit. Di ko naman sinasad-" pinutol ko ang sinasabi niya.


"AYUS LANG 'YON!"


"Pero nasaktan kita."


Natahimik naman ako. Alam kong sincere siya sa paghingi ng tawad pero hindi ko pa din maiwasang hindi masaktan. Masyadong masasakit ang mga salitang sinabi niya sa akin.


"Oo nga eh. Alam ko na!"


"Ano?"


Hinarap ko siya.


"Ahm, Kantahan mo na lang ulit ako. Pero this time, 'Yung 'Di ba Halata na yung kakantahin mo." sabi ko sa kaniya.


Napakamot na naman siya ng ulo.


"Hindi ko kasi talaga alam 'yung kantang 'yon tsaka, Hindi ko 'yun memorize." sabi niya sa akin.


Sayang. Ayus na sana pero ayos lang din naman. At least may lightstick na ako.

Zombie Apocalypse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon