Chapter 6

118 9 3
                                    

••

Bella's P.O.V.


Maaga akong nagising para ihanda ang mga gagamitin este dadalhin namin ngayon. Kailangan daw ay sama-sama kami ngayon na kukuha.


"Kasama pati si Ben?" tanong ko kay Klarence.


Tumango siya sa sinabi ko. Naliligo si Ben ngayon sa CR kasama yung robot niya. Aayaw pa nga niya nung una dahil malamig daw ang tubig. Ipinag-init pa siya ng kuya niya para makaligo siya.


"Paano tayo makakapunta dun? Lalakarin natin? Di'ba, malayo 'yun?" tanong ko.


Isinara niya ang zipper ng bag niya. Saka lumapit sa akin. Kinuha niya yung sapatos sa ilalim ng kama at isinuot 'to.


"Sasakay tayo ng kotse." maikli niyang tugon habang abala sa pagsisintas ng sapatos niya.


Nasa Kabilang kwarto ang iba pa niyang kasama. Naghahanda na din sila para sa pag-alis namin. Naks! Matinding laban to. Plants VS. Zombies ang peg.


"Edi malakas yung tunog?!" sabi ko.


Kotse yun eh. Syempre may tunog. Pa'no kung makita o marinig kami ng zombies? Edi waley na

.

"Hindi. Siyempre, Hindi naman ganun kalakas na tipo ng kotse yung gagamitin natin. May nagawa at naayos na dun si Caleb, Wag kang mag-alala." sabi niya bago ituon muli ang atensiyon sa sapatos niya.


Tumayo siya at saka nag-stretching. Tumayo ako at ginaya ang ginagawa niya. Banat banat din ng buto kapag may time.


"Anong ginagawa mo?" nakakunot ang noo niyang nagtatanong sa'kin.


"Di ba obvious? Nagi-stretching malamang." sabi ko.


"Pangit mo."


Ano daw? Pangit daw ako? Excuse me? Pangit na'to sa'yo? Grabe! Baka one of a kind to noh! Sinong may sabi sa'yong pangit ako. Hoy! Ang dami ko na ngang napanalunang beauty pageant dati eh. Baka isampal ko sa'yo yung mga awards at certificate na patunay na nanalo ako.


"Sinong pangit ha?!" nakapameawang kong tanong.


Tinaasan niya ako ng kilay. Tinaasan ko din siya ng kilay. Sige. Pataasan tayo ng kilay ngayon bwisit ka!


"May iba pa bang pangit dito? Syempre ikaw." saka siya nag-stretching muli.


Sumampa ako sa likod niya saka ginulo ang buhok niya. It's Revenge time!


"What the-"


"Sinong pangit ha? Sungit!"


Sungit sungit nito!


"Umalis ka diya-"

Zombie Apocalypse✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon