"Si... Aiden." Nakangiti na ang saad.

Sabi ko na nga ba eh! May something sa kanilang dala... Simula dun sa panty hanggang sa nagpatuloy na ng nagpatuloy.

"Sabi ko na nga ba eh."


"Huh? What do you mean?" takhang tanong niya.

"Ang tagal ko na kasing napapansin na may something sa inyo ni Aiden. Naku! Tama ang hinala ko sa inyo." Sabi ko.

Kaya naman pala maya't maya na lang silang wala o di kaya eh magkasama. Sabi ko na may something naman talaga sa kanila. Oh, Panalo ako sa pustahan. De joke lang HIHIHI.

Tumawa siya. "Masyado bang halata?"

"Ah, Medyo."


Hindi rin naman pala pangit ka-bonding itong si Fiona. Ang ganda din niya talaga lalo na kapag tumatawa siya. Sa totoo lang, Nagtataka ako kay Klarence kung bakit hindi niya nagustuhan itong si Fiona samantalang napakaganda at mayaman naman siya.


"Talagang ipinaramdam sa akin ni Aiden na i deserve to be loved. Hindi ko talaga siya pinapansin nung una dahil busy ako sa pagpipilit ng sarili ko kay Klarence pero nung patagal na ng patagal, Paubos na din ng paubos ang pag-asa ko sa kaniya at napansin ko yung mga efforts ni Aiden para sa akin."


"Mabait naman si Aiden, Medyo may pagkagago naman talaga minsan. Nahawaan ata ni Dan at Lukas."

Parehas kaming natawa sa sinabi ko. Pati si Ben ay natawa na din. Mabuti na lang talaga at wala dito si Klarence dahil kung hindi, Naku, lagot na naman ako dun.

"Mukha nga."

Kaagad na bumukas ang pinto ng kwarto na siyang nagpatigil sa aming dalawa ni Fiona sa usapan. Si Dan yun na napakalawak ng ngiti.


"Why?" tanong ni Fiona.

Umupo si Dan sa tabi ni Ben.

"Wala, Masamang pumasok? At isa pa, Bantayan ko daw kayo sabi ni Klarence dahil baka daw nag-aaway na naman kayo. Eh may bata pa naman." Sabi niya.


Agad kaming napatawa ni Fiona. Kabaliktaran kasi ng inaakala nila ang nangyayari sa aming dalawa ni Fiona. Kahit nga ako ay iyon din ang iniisip kanina pero hindi naman pala ganun.


"Bakit kayo natatawa?" takhang tanong niya.

"Bakit? Masamang tumawa?" pabalang kong sagot sa kaniya.

"Hindi kayo nag-away?" tanong na naman nito kaya umiling kami pareho.

Napahawak siya sa dibdib na animo'y aatikihin sa puso.


"Oh my! Isa itong himala!" akto niya at tinawanan naman siya ni Ben.

"Bakit? Wala namang nakakatawa Ben."

"Kahit naman hindi ka mag-joke, Nakakatawa ang mukha mo." Sabi ni Ben dahilan para matawa kaming lahat.

Oh, Burn, Dan. HAHAHAHA.


"You should be thankful na hindi kami nag-aaway." Sabi ni Fiona.

"Oo nga eh. Ano bang nakain mo?"

"What?! Is it me? Again? Oh god!"


Maya-maya pa ay may inilabas na candy si Dan. Kita mo 'to. Nagdala na naman ng pagkain dito sa kwarto. Kapag ito talaga, Ginuyam. Bahala iyang mga katawan niyong mangati.


"What's that?" si Ben.

Hinagisan kami ni Dan ng candy na dala-dala niya. Kulay pink ito at mabango.

"Strawberry flavor." Sambit ni Fiona.

"Monami yan. Masarap yan promise!" sabi ni Dan.

Kumakain na kami ng candy nang may kumatok na naman sa pinto. At sino na namang mokong yun?

"Dan, Andiyan ka?" tanong ni Lukas.


Pak! Si Lukas nga yun. Pumasok ito sa kwarto tas nakasando lang at halatang bagong ligo ang gago.

"Kanina pa kitang hinahanap." Sabi nito saka kumuha ng isang candy.

"Bakit?" tanong ni Dan.

"Ikaw daw ang magluluto. Gutom na ako."

"Oo nga pala. Teka, Maiwan ko muna kayo dito." Paalam ni Dan saka tuluyang umalis.

Binalot kami ng katahimikan pero dahil andito si Lukas, Siya ang sumira sa katahimikan.


"Bakit parang hindi kayo nag-aaway?" tanong nito na malamang ay sa aming dalawa ni Fiona.

Malamang sa malamang.


"Gusto mo bang ikaw ang awayin ko?" seryosong tanong ni Fiona.

Tumawa si Lukas. "Ito naman, Hindi mabiro. Nagtataka lang ako. Tsk."

"Mga tao diyan sa loob, Labas nga kayo." Pakinig naming saad ni Aiden.

Agad nag-react si Fiona at nangunang lumabas.


"Hala, Nauna ang gaga." Ani ni Lukas habang tumatayo.

Jowa ang nagtawag eh.

"Sila na ba?" tanong nito sa akin.

"Oo sila na daw." Sagot ko.


Tumango-tango ito sa sinagot ko sa kaniya.


"Kaya pala." Saad niya bago ako lampasan.

Hinabol naman siya ni Ben saka bumitin sa binti nito.

"Hoy Ben!" sigaw ni Lukas dahil sa gulat.

"Shhh...!" sabay-sabay na saad ng mga kasamahan namin.

Ang ingay niyo kasing dalawa. Ayan tuloy. 

••

Zombie Apocalypse✔Where stories live. Discover now