"Ok tita. We're just going to eat"

Tila tamad na tamad na sagot nito without looking at tita Sam. Sakin nya lang pinapakita ang cuteness nya which is plus points din.. Iniwan naman kami agad ni Tita Sam na di mawalawala ang ngiti sa labi. Ang supportive talaga nila pagdating sa love life ng pamilya.

"I want to spend more time with you"

Parang batang pagrereklamo nito na may kasamang pakiusap. Para namang may magagawa ako dun eh alam naman nyang birthday party nya ito.

"We have tomorrow naman po eh. Till next week, next month or next year hmm... life time?"

Dahil sa sinabi ko lumabas na naman yung nakakakilig na ngiti nya. Yung hindi labas ang ngipin pero alam mong kung sakaling nabibili hindi parin kayang bayaran ng ginto.

"Right"

Nakangiting pagsang-ayon nito saka nauna ng tumayo para alalayan ako. Akala ko lalabas kami at pupunta sa Pavillion upang doon kumain. Pero sabi nya dun nalang daw kami sa kusina may pagkain din naman para na din daw solo namin.

"You look more beautiful tonight, A"

Biglang basag nito sa comfortable silence na namamagitan samin sa gitna ng pagkain.

"Ikaw nga din eh. Gwapo mo lalo"

Nahihiyang balik na papuri ko dito na totoo naman talaga.

"Uh huh. I just don't like you showing that. That's mine"

Huh? Alin daw? Busy kase ako sa pagsubo ng pagkain at ng tingnan ko ito nginuso nito ang parting dibdib ko kung saan nga medyo kita yung cleavage ko.

"Zepro!"

May diin na suway ko dito at wala sa sariling napatakip sa dibdib ko. Maykamanyakan din talaga sa harap pa ng pagkain. Pero tiningnan lang ako niyo ng 'what?'look na parang sinasabing nagsasabi lang sya ng totoo.

"Sabi ni Ate Tammy ok lang naman i-flex yung ano namin minsan. Di naman masyadong ano ah!"

Nagsusungit nalang ako para matago yung hiya ko. At ang walangyang masungit na lalaki pinaikot lang ang mata nya. Bakla!

"But those babies are mine."

Mahinang sabi nito na parang sa sarili nya lang sinasabi. Did he just called my boobs his babies?

"Zepro ano ba! Kamanyakan mo ah!"

Suway ko dito at ang walangya nginisian lang ako kasabay ng pagtaas baba ng dalawang kilay dito. Bwesit na kagwapohan yan. Ang rupok ko!

Hindi ko nalang ulit sya pinansin at nagpatuloy sa pagkain ganun din naman sya pero paminsan minsan ko sya tinitingnan at di mawala wala ang ngisi sa labi nya. Meron pangpagkakataon na magkakasalubong ang mata namin pero tinataas baba lang nya ang kilay nya na parang nang-aasar. Malayong malayo sa masungit na Zepro at laging galit.

After namin kumain nagpasya na kami lumabas dahil nga may mga bisita sya. Ganun siguro talaga pag businessman mula tatay hanggang anak puro busy sa party.

"Wag mo yang huhubarin. I swear magwawala ako, A"

Seryosong sabi nito habang inaayos ang pagpatong nung coat nya sa balikat ko. Dahil naka 3 piece suit naman sya may waistcoat or vest parin sya na suot na Sky-blue din. Parang gusto ko nga din syang takpan dahil kita din doon ang hubog ng katawan nya. Muscles bessy!!!

"Baliw."

Bahinang sagot ko nalang dito dahil papasok na kami ng Pavillion at tila nakaagaw pansin nga kami dahil ang daming napatingin. Pero parang ok naman na ang lahat at sinawalang bahala nalang ang nangyari sa dance floor kanina.

Nakaalalay parin sa bewang ko si Zepro habang naglalakad kami palapit sa table namin kanina. At lahat sila Ate Chloe nakatingin sakin nakangiti ang mga babae at tila naaaliw lang na nakatingin sila kuya.

Nangmalapit na kami sa inuupoan ko kanina biglang bumangon na naman ang kaba sa dibdib ko ng seryosong mukhang tumayo si Kuya Zack sa gilid din namin nakita kong palapit si Tay Zeus. Kung ibang babae lang siguro mahihimatay sa kilig mapaggitnaan ka ba naman ng mga Adonis.

Kahit may music feeling ko tumahimik ang buong paligid ng tumigil silang tatlo sa paghakbang dahil magkakalapit na. Dahil hawak ako ni Zepro napatigil din ako, saglit silang nagtinginan na parang nag-uusap. Lahat sila iisa lang ang expression at nakakaramdam ako ng tensyon.

Maya maya pa ay naunang tumalikod si Tay Zeus agad na sumunod dito si Kuya Zack. Wala sa sariling napahawak ako sa may bandang dibdib ng vest na suot ni Zepro.

"Zepro..."

Kinakabahang pagbanggit ko sa pangalan nito. Naging malambot ulit ang expression nito ng makasalubong ang mata ko.

"Don't worry ok? I'll be back."

Paalam nito sakin at kahit may takot akong nararamdaman tumango nalang ako. Hinalikan muna ako nito sa noo baka inalalayang maupo at sumunod na din sa Kuya at Daddy nya.

"Don't worry Ate Abo. Ganyan naman talaga sila pag may conflict. I'm sure pagbalik nila dito ok na"

Walang pangambang sabi ni Hurri kaya medyo napanatag ako. Lalo na din ng makasalubong ko ang mata ni Nay Flame na nasa kabilang lamesa. Nakangiting tumango ito sakin kaya naman ngumiti na din ako pabalik.

Mr.Grey's ProgeniesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ