Chapter 6 Special Girl

167 9 15
                                    

Andrei’s POV*

Maaga kong pumasok kahit hindi ako sanay. Sa america kasi 8 ang start ng flag ceremony dito 7 kaya nag ajust ako. Saka iniiwasan ko yung special treatments kahit na kami ang may ari nitong school I just want to remain an ordinary student like other students. Ayokong tumulad sa ibang mga anak ng may ari ng school na porque sila ang anak ng may ari ng school special treaments sila at akala mo na kung sino. Pareparehas lang naman kaming students ang pinag kaiba lang ay anak ako ng may ari pero ayokong malaman nila na ako ang anak ng may ari nitong school panigurado kasi pag uusapan lang ako at ayoko ng ganun.

First day of class ngayon kaya gusto ko din pumasok ng maaga. 6:15 palang kaya pupunta muna ko sa garden ng school. Nalibot ko na to bago mag start ang class kaya alam ko na kung saan yung garden. Maganda yung garden na pinagawa nina daddy kaya gusto ko ulit makita. Habang nag lalakad ako papasok ng garden may nakita kong babae. Nakaupo dun sa bench. Maganda siya, simple at kulot ang buhok. Malungkot yung mga mata niya at parang malalim ang iniisip. Bihira lang akong kumausap ng mga hindi ko kilala pero hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang makilala. Maybe coz she looks like my sister who already passed away.

Naaalala ko sa kanya yung ate ko. May pagkahawig silang dalawa. Kaya nung nakita ko siya parang gusto ko siyang alagaan at protektahan. Naaalala ko pa yung huling sabi ng ate ko bago siya mamatay may darating daw sa buhay ko na kailangan kong alagaan at protektahan. Siguro itong babae na to yung tinutukoy ng ate ko. Nafefeel ko kasi na special siya para sakin kahit hindi ko pa siya nakikilala. Nilapitan ko siya at nakipag kilala. Kinuha ko din yung number niya. Mabait siya tulad ng inaakala ko. Sayang at hindi kami mag kaklase. Sabay kaming pumunta sa flag ceremony nahawakan ko yung kamay niya nagulat pa. Ako din e nagulat sa pag hawak ng kamay niya crowded kasi kaming students na nag hahanap ng mga line ng section namin kaya ayun nahawakan ko ng hindi sadya yung kamay niya.

Ako lang kasi kasama niya tapos first day palang ngayon ayoko mahirapan siya sa pag hahanap ng line namin saka mag katabi lang yung line ng section namin at ng sakanya. Pag katapos mag salita nung teacher sa stage pumasok na kami sa kwarto. Okey naman yung mga teachers at classmate ko. May mga kumakausap din sakin na classmate ko na gustong makipag friends pero hindi ko masyadong kinakausap gaya nga ng sabi ko kanina hindi ako nakikipag usap masyado. Last subject na namin tong Math bago mag lunch at gusto ng teacher mag pakilala kami sa harap para daw mag kakilanlan ang bawat isa sa klase.

“Okey class. Yung katabi niyo ang magiging kapartner niyo. I will give you 5 minutes to talk some things about yourself at after that mag papakilala kayo in front okey?”

“Ahm. Hello. I’m Jasmin Torres. Ikaw?”

“Andrei Scott”

“Ah san ka galing na school? Tiga san ka pala”

“Sa america ko nag aral ng grade school at  first year and second year. Sa *toot* Village”

“Ah talaga *toot* village din ako san kayo dun? Baka mag kalapit lang tayo. Saka bakit kayo lumipat dito?”

“Do I need to answer all your silly questions? Sabi ni mam para mag kakilala lang daw hindi lahat ng tungkol sakin kailangan mong malaman” nairita na talaga ko sa babae na to kaya hindi ko na napigilan yung sarili ko na makapag sungit sa kanya.

“Sorry. Nakulitan ka na ata sakin”

“Okey class 5 minutes is done kaya I think okey na ang lahat para mag pakilala. Sunod sunod kayo by row.

Natapos na yung dalawang row at kami na ni jasmin. Ang kulit nitong babaeng to. Nakakairita siya. Lahat ata ng tungkol sakin gustong malaman buti naman napansin niya na nakulitan ako sa kanya. Bakit ba kasi eto pa nakatabi ko. Maganda naman siya pero naiirita ko personality niya. Mukhang maarte, hindi tulad ni Alexa simple lang.

Gotta Find You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now