Chapter 3 He already leave me

186 14 19
                                    

Alexa's POV*

HMmmpppp. *Yawn* Sarap ng tulog ko. Ang saya kasi namin kagabi ni Xander. Kahit na araw araw kaming nag kakasama kakaiba yung kagabi masasabi kong special kasi ramdam ko na mahalaga talaga ko sa kanya.  Parang boyfriend ko nga siya kagabi.  Feel ko nag mamahalan kami. Mag kahawak kami ng kamay habang nag lalakad. PDA ang peg. Haha. tapos kiniss niya ko sa cheeks biglaan dun sa photobooth kahit sinabi ko sa kanya na nainis ako pero totoo nagulat ako at the same time kinilig :””””>  Kung pwede lang sabihin na oo sa sabi niyang isa pa e. pero swempre kailangan hindi ko pahalata na kinikilig ako kaya kunwari nainis ako at jojombagan siya :D  kiniss ko din siya pag uwe niya.

Nahihiya nga ko nung ginawa ko yun e pero thank you gift ko na din sa kanya yun kasi he makes my day special and complete. He never  fails me to make me happy. I can feel my butterflies in stomach every moment we have. Sana dumating na agad yung tamang panahon para masabi ko sa kanya na gusto ko siya.  Yesterday is our first friendly date. Ako lang nakakalam niyan. Ahaha ako lang nag sabi na friendly date namin kagabi. Kasi ang saya talaga namin kagabi. Muntik ko na ngang hindi mapigilan na masabing gusto ko siya sa sobrang kilig pero buti nalang at napigilan ko.  *Uuuurghhhhh* Panira naman tong tiyan ko oh. Kinikilig pa ko dito e. *Uuurrghhh* Oo na baba na ko. Makakakain na kayong mga alaga ko sa tiyan haha. Makababa na nga.

“Buti naman at gising ka na bunso. Kaen na ng breakfast. Si Meng nalang mag liligpit niyan pag katapos mo. Alis na ang mommy ah. Nauna na ang dad mo sa office e.” tapos kiniss ako ni mommy sa forehead ko.

“Sige mommy. Ingat po”

“Ay nak, may iniwan palang sulat si Xander. Ito oh”

“Salamat mommy”

Aba may pasulat sulat pang nalalaman tong si Xander. Parang kagabi lang mag kasama kami ngayon ano na namang pakulo to. Mamaya ko na to babasahin pag akyat ko sa kwarto. Kakain muna ko ng breakfast.

“Ate meng tapos na po ako. Akyat na po muna ko para maligo”

“Sige po mam. Iwan niyo nalang diyan”

Andito na ko ngayon sa kwarto ko bago ko maligo mabasa nga muna tong letter ni Xander. I’m sure another kiligness na naman itey haha XD

Wonderful tonight Instrumental... ♫♪♫

Alexa,

Siguro habang binabasa mo tong sulat ko papunta na kong america kasama sina mom at dad.  Sana huwag kang umiyak pag binasa mo na tong sulat ko. Ayoko ng umiiyak ka at nalulungkot lalo na kung ako ang dahilan. Sumulat agad ako nito pag kauwe natin. Hindi ako makatulog ngayon kasi iniisip kita. Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasadan ang mga bituin sa langit.

Alam mo ba na ang saya saya ko kanina habang kasama kita.  Ang ikli lang ng oras na nakasama kita pero ang pakiramdam ko ang tagal na natin mag kasama. Sana palagi nalang ganun. Tayong dalawa, masayang magkasama. Walang iniisip na iba kundi isa’t isa. Alam ko na nagtataka ka kung bakit binigyan kita ng flowers  at skirt na kagaya ng sakin pati nadin yung pag yayaya ko sayo na pumuntang theme park. Eto yung dahilan kung bakit all of a sudden ginawa ko yung mga bagay na yun. Alam ko mag dudulot ng kalungkutan sayo tong pag alis ko pero wala akong magagawa . Sorry kung hindi ko na sinabi sayo na aalis kami. Ayoko kasing makita kang malungkot sa pag  alis ko. Ang gusto ko lang ay mapasaya kita hanggang sa huling sandali na mag kasama tayo. Huwag ka sanang magalit sa ginawa ko.  Iniisip lang naman kita. Gusto lang kitang mapasaya hanggang sa huling araw na meron tayo.  Alam ko maiintindihan mo din ako balang araw. Kung alam mo lang kung gaano kahirap sakin na mahiwalay sayo.  Tama ka kanina, napaluha talaga ko kanina kasi naisip ko iiwan na kita at hindi ko alam kung kelan ko ulit masisilayan yung maganda mong mukha.. kung kelan ko ulit makikita yung mga ngiti mo… at kung mag kikita pa ba tayo..Hanggang ngayon hindi mapigilan ng mga mata kong lumuha sa pagsusulat nito. Wala talaga kong balak sumulat dahil alam ko malulungkot ka lang pero naisip ko na mas mabuti nadin na kahit sa ganitong paraan makapag paalam ako sayo. Huwag ka sanang umiyak.. kasi wala ako sa tabi mo para patahanin ka… Sige ka papangit ka niyan. Alam ko namang  makakaya mong  wala ako sa tabi mo dahil sa matatag kang babae. Ako lang pwedeng umiyak kaya tahan na ah.  Alam mo ba na ang pinaka masayang nangyari sa buhay ko ay ng nakilala kita.  Simula bata namuhay akong mag isa kahit na nandyan sina mom at dad hindi ko naman ramdam yung presence nila para sakin. Namuhay akong walang kaibigan, walang nag mamahal, walang may pakielam at may sariling mundong ginagalawan pero mula ng dumating ka nagbago lahat ng yun. Sumaya ako at nag kakulay ang buhay ko. Salamat Alexa kasi naramdaman kong hindi ako nag iisa. Salamat sa lahat ng ginawa mo para sakin.  Tandaan mo hindi ako mawawala sa buhay mo.  Babalik ako para sayo. Pangako.  Sana intayin mo ko sa pag babalik ko alam ko nangako akong hindi kita iiwan. Gusto ko mang tupadin yung pangako ko pero masyado pa kong bata at kailangan kong sundin yung kagustuhan ng parents ko. Gagawa ako ng paraan para makita kita ulit kaya sana huwag mo kong kalimutan. Tutupadin natin yung pangarap natin na maging sikat na superstar kaya habang mag kahiwalay tayo mag aral tayong mabuti at sikapin na matupad ang bawat pangarap na binuo nating magkasama. Gusto ko maging masaya ka palagi. Pasukan niyo na next week kaya mag aral kang mabuti at ako din ganun. Makipag kaibigan ka sa iba mong kaklase at huwag kang matakot. Alam kong may makikilala ka din tulad ko na palaging andyan para sayo.

Saying goodbye is the hardest part.  It really breaks me into pieces. You will always have a special place in my heart. You will be forever etched upon my heart and I will always remember you as being the most amazing, strongest and bravest woman I have ever met. I hope that our lives may again cross each other. You're an amazing person. I will miss you more than you will ever know. I hope you still think of me. Goodbye Alexa.

-Alexander

Habang binabasa ko tong sulat na to bigla na lang tumulo yung mga luha ko . Bakit ganun siya. Hindi manlang niya sakin sinabi na aalis pala siya. Sana manlang nakapag paalam ako sa kanya ng maayos. Sa tingin niya ba hindi ako malulungkot at iiyak sa ginawa niyang to. Mas pipiliin ko pang makita siyang umalis at umiyak kekesa naman sa pag alis niya hindi ko manlang siya nasilayan. Kung alam ko lang na aalis siya ngayon edi sana sa araw araw na meron kami ginawa naming espesyal bawat araw na mag kasama kami. Naiiyak ako sa lungkot at inis sa kanya. Ang selfish niya. Sinarili lang niya yung lungkot.

Hindi ko manlang nagawang akapin siya sa huling sandali. Hindi ko manlang nasabi sa kanya na mag ingat siya. Huwag niyang pababayaan yung sarili niya. Madami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawa.  Wala na siya. Wala na siya sa piling ko. Kaya pala sabi ko sa sarili ko kagabe. Magiging espesyal na araw yun para samin kasi ganto pala mangyayari. Kaya pala may pabigay bigay pa siya ng flowers, skirt na parehas sa kanya at nag yaya pa siyang pumuntang theme park kasi aalis pala siya. Kahit naiinis ako sa kanya nalulungkot padin ako kasi nagawa niyang sarilihin yung lungkot hindi manlang niya sakin nagawang sabihin. Maiintindihan ko naman siya.

“XANDER NAKAKAINIS KA! INIWAN MO KONG NAG IISA! NANGAKO KA SAKIN! TAPOS ETO. INIWAN MO KO SA ERE! I HATE YOU!”

“Bebe gurl bakit ka sumisigaw. Oh bakit ka umiiyak”

“Kuya iniwan na ko ni-ni xa-xaander. Nakakainis siya.  Ba-bakit hindi manlang siya nag paalam sa-sakin”

“Huwag ka na umiyak bunso. Alam kong aalis siya. Kinausap na niya ko bago siya umalis”

“Ano kuya? Alam mo tapos ako hindi ko alam? Bakit hindi mo manlang sinabi sakin? Kuya alam mo naman na mahalaga sakin si Xander!”

“Bebe gurl huwag kang magalit. Nagpromise kasi ko sa kanya na hindi ko sasabihin sayo. Hiniling niya sakin na huwag kong sabihin sayo na aalis siya. Sabi niya sakin ako na ulit mag aalaga sayo. Sabi niya ngayong wala na siya ingatan kita saka sinabi niya sakin na huwag na ko masyadong makipag barkada kasi wala ka na daw ulit makakasama”

“Kuya ang selfish niya bakit sinarili lang niya yung pag alis niya. Sa tingin ba niya hindi ako iiyak at malulungkot sa ginawa niya?

“Alam mo bebe gurl may mga bagay talaga na dapat mong intindihin. Gaya na lamang ng pag alis ni xander. Hanggang sa huli ikaw padin yung iniisip niya kung alam mo lang. Ayaw ka niyang makitang malungkot sa pag alis niya kasi nahihirapan siyang nalulungkot ka kaya ayaw niyang sabihin sayo”

“Kahit na kuya! maiintindihan ko naman siya kung sinabi niya ng maaga e.. kahit gusto ko magalit sa kanya hindi ko magawa kasi mahal ko na siya kuya… kaya ko naiinis sa kanya kasi hini ko manlang siya naakap, hindi ko manlang nasabi na huwag niya kong kakalimutan pag adun na siya, huwag niyang pababayaan sarili niya. Madami kong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko nasabi at hindi manlang ako nakapag paalam ng maayos. Kuya ganun ganun na lang ba yun?”

“Alam mo hindi naman siya nawala sayo. Kasi andyan siya sa puso mo. Ikaw nadin nag sabi na mahal mo siya.  Kung mahal mo siya. Maiintindihan mo yung ginawa niya. Saka sabi niya sakin babalikan ka niya. Gagawa siya ng paraan para mag kita kayo ulit. Kaya pang hawakan mo yung pangako niyang yun. Alam mo bang bilib ako sa batang yun kasi hanggang sa huli ikaw padin yung iniisip niya yung mapasaya ka kahit na nasasaktan na siya”

“He left me speechless. He left me all of a sudden. Kuya diba hindi totoo to? Kuya gisingin mo ko! It was just a dream”

“Hindi ka nananaginip.  Lahat ng nangyayari ngayon ay totoo. Sige bebe gurl iiyak mo lang yan. Pero una’t huli mo na tong iyak ah. Wala ng susunod”

Patuloy lang ako sa pag iyak habang nakaakap ako kay kuya kristof. Buti na lang at nandito siya  kaya may karamay ako ngayon. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Hindi ko matanggap na wala na si Xander sa piling ko. Ang tangi ko lang gusto ay umiyak hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Gotta Find You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now