Chapter 2 Sorry I have to leave you

215 15 22
                                    

Alexander POV*

Ang tagal naman niya mag ayos.  Kahit ano namang ayos niya maganda na talaga siya. Gusto kong sulitin tong araw na to kasi bukas aalis na kami nina mommy. Hindi ko nasabi sa kanya agad kasi ayoko malungkot siya. Gusto kong pasayahin siya sa huling mga araw na kasama ko siya. Ayoko ko siyang makitang malungkot o umiyak pag sinabi kong aalis ako. Mahihirapan lang akong umalis pag ganun. Ngayon pa nga lang na iniisip kong mag kakahiwalay kami nahihirapan na ko e yung mag paalam pa kaya sa kanya. Gusto ko makita ko siyang masaya at nakangiti lang para puro magaganda lang yung baunin ko at para rin magagandang alaala yung maiwan ko sa kanya. Alam ko mahirap tong napagdesisyunan kong huwag sabihin sa kanya. Alam ko maiintindihan niya kung bakit hindi ko na sinabi sa kanya agad na aalis ako. Para rin naman sa kanya tong gagawin ko kahit masakait sakin gagawin ko para hindi ko siya masaktan.

"Xander. Sorry kung natagalan ah"

"Okey lang. Hello po kuya Kristoff"

"Naks. Parehas pa ng damit ah. Ingatan mo tong si bebe girl namin ah. May tiwala kami sayo kaya pinapayagan namin kayong mag kasama nitong si bebe girl. Umuwe kayo agad. Huwag masyadong magpapagabi"

"Opo kuya. Iingatan ko si Alex. Pwede na po ba kaming umalis?

"Osige. Ingat kayo ah. Hatid mo si bebe girl dito mamaya. Okey?"

"Opo kuya. tara na Alex"

"Bbye kuya kristof" sabay kiss naman niya sa cheeks ng kuya niya.

Lumabas na kami ng bahay nila at nag intay ng tricycle.

"Ang ganda mo diyan sa tshirt na bigay ko bagay sayo"

"You mean hindi ako maganda pag hindi ko to suot?" nag pout naman siya. Ang cute niya talaga ngayon palang nahihirapan na kong mahiwalay sa kanya.. paano pa kaya kung nasa america na ko.

"Haha. Nag tampo naman agad to! ang cutecute mo talaga! (sabay pisil sa pisnge niya) Maganda ka palagi kahit ano pang suot mo. Okey? kaya huwag ka nag mag tampo diyan. Huwag ka na sumimangot. Papanagit ka niyan sige ka. Ikaw din.(nakita ko naman na nagsmile siya)Oh ayan May tricycle na sakay na tayo"

"Manong sa Sparks Fly theme park nga po"

"First time natin pupunta dun Xander ah. Bakit mo naisip na pumunta dun ngayon?"

"Ah wala lang. Maganda daw kasi dun e. kaya gusto ko makita natin"

"Ah ganun ba. Ienjoy natin tong araw na to ah? malapit na pasukan e"

"Oo naman kaya nga tayo nag punta dito para mag enjoy. Alex talaga oh" binatukan naman niya ko. kasi naman noh. malamang mag eenjoy kami doon kaya ko siya dadalin saka gusto ko bago ko umalis ng bansa mapasaya ko siya hanggang sa huling araw na kasama ko siya.

"Aray ko naman masakit yun ah"

"Eh kasi naman ikaw e. Pinipilosopo mo ko"

"Sorry na. Oh andito na pala tayo. Manong bayad po"

"Wow. Ang ganda nga dito. Labas palang ang ganda na e"

"Tara pasok na tayo"

*Theme park*

"San mo gusto unang sumakay?"

"Sa roller coaster" sabay hila agad niya sakin.

"Manong pabili dalawang ticket nga po"

"Eto na oh. Enjoy!"

"Sigurado ka ba na ito gusto mong unahin? baka hindi mo kaya ah. sabihin mo habang maaga baka masuka ka.

(AN: Pasintabi po sa mga kumakain)

"Kaya ko yan ikaw ata tong hindi kaya e"

"Hindi ah. Inaalala lang kita. oh ayan tara na sakay na tayo"

Gotta Find You (ON-HOLD)Where stories live. Discover now