Isa na rin sa dahilan kung bakit pinili nya ang mnatili ay dahil alam niyang naiinggit ito sa kanya lalo na sa kanyang pisikal na itsura. Natural ang kanyang ganda, perpekto ang hugis ng mukha, singkit ang mga mata, maganda ang hugis ng labi at ang kutis ay tulad sa mga maharlika. Pasuotin lamang ng mamahaling kasuotan ay mukha nang maharlika.

Ang mga nagkakagusto kasi sa magkakapatid ay napupunta sa kanya kapag nakikita sya ng mga ito. Ayaw niya na magalit sa kanya ang mga tinuturing na kapatid kung kaya't seryoso ang mukha niya lagi na wari'y walang gusto pansinin maski sino. Masungit siyang tingnan kapag ganun siya at pabor naman iyon sa kanya.

Ang totoo ay ni-minsan hindi niya pa nakikita ang unang prinsipe dahil sa laging may abala sa tuwing magkakaroon sya ng pagkakataon. Kuryuso kasi sya sa itsura nito sa tuwing tinitilian at pinag-uusapan ng mga kapatid. Hindi rin naman siya isinasali sa usapan kaya umiiwas na lamang siya rito.

Mula sa kinauupuang bangko ay inunat niya ang kanyang likod dahil sa sumasakit na ito. Kanina pa siya naglalaba dahil sa tambak iyon dahil hindi niya naharap nung maging busy sya sa pinagta-trabahuan niya dahil sa lumiban ng isang linggo ang isa nilang kasama.

Alasais ng gabi laging umuuwi ang mag-anak at umaalis naman ng madaling araw ang mga ito upang tumungo sa Palasyo. Habang siya naiiwan na ayos lamang sa kanya. Gusto rin sanang isama siya ng tinuturing na ina at panganay na anak nito sa Palasyo ngunit tumanggi na sya para sa mga tinuturing na kapatid.

Nang matapos sa gawain ay ay nagpahinga sya sa sala ng kanilang bahay at hindi pa sya nagtatagal nang may kumatok.

Bumungad sa kanya ang pamilya at seryoso ang mga ito. Bumati sya at tinugon naman ito ng panganay na babae na ang pangalan ay Ylenna. Mabait ito sa kanya ngunit pansin niya ang hindi magandang disposisyon nito.

Sumunod na pumasok rito ang nakayukong dalawang magkasunuran lang ang edad na kapatid niya na may ayaw sa kanya. Ang nakakatanda ay si Yessa at ang sumunod ay si Yurika. Sa dalawa, si Yurika ang kaedad niya. Nang makita sya ay sinamaan siya ng tingin nito pero di na lamang niya pinansin tulad ng pagsagi sa balikat niya ni Yessa.

Ang huling pumasok ay ang tinuturing niyang mga magulang. Ngumiti ang mga ito sa kanya pero agad ding nabura. May problema kaya? Isip niya.

Nang isirado niya ang pinto ay lumapit na siya sa kinaroroonan ng buong pamilya. Ramdam niya ang tensyon at mukhang may nangyaring hindi maganda kaya't ganun na lamang ang ekspresyon ng kanyang ate at mga magulang.

"Yejin, anak." Tawag ng kanyang ina Ylesse.

"Po?"

"Simula sa lunes ay ikaw na muna ang papalit sa dalawa. Ikaw na muna ang gagawa ng mga nakaatas kina Yessa at Yurika sa Palasyo."

Nagulat siya roon at hindi agad nakapagsalita. Umangat ang ulo ng dalawa at sinamaan siya ng tingin pero agad itong sinaway ng ama na si Riko.

"Bakit po, ina?" Tanong niya.

"Nakabasag silang dalawa ng gamit sa palasyo kaya bilang parusa mananatili sila rito ng dalawang linggo."

"Pero ina, hindi namin sinasadya iyon."

"Alam nyo ba ang kahihiyang dulot na iyon sa pamilya natin? Kung may pagpapahalaga kayo sa pangalan ng pamilya natin hindi na kayo uulit pa, pero ilang beses na at ngayon ay sa harap pa ng Mahal na Prinsipe."

Napayuko ang dalawang may kasalanan. Ramdam nila ang galit ng kanilang ina sa dalawa kaya't walang gumawa ng ingay.

"Nauunawaan nyo ba, Yessa, Yurika?"

"Opo, ina. Patawad po."
"Patawad po, ina. Hindi na po mauulit."

"Ayos lang ba sa iyo, Yejin?"

"Ayos lang po." Pansamantala lamang naman, aniya sa isip.

Bumaling ulit ang ina sa dalawang anak na babae. Nag-iwan ito ng mga kataga at matapos ay pumasok na sa silid nito na agad sinundan ng asawa.

"Iyang pagkakagusto niyo sa Mahal na Prinsipe ang magdadala sa inyo sa kapahamakan."

***

Icy Princess by btgkoorin

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products or imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead,or actual events is purely coincidental.

Ang inyong mababasa ay purong kathang-isip lamang at walang katotohanan o hindi nangyayari sa totoong buhay. Ang bawat impormasyon sa loob ng kwento ay tanging gawa-gawa lamang ng aking isipan.

Ito po ang ika-lima kong fantasy story at sana tulad ng pagsuporta sa mga nauna kong kwento ay ganun rin dito. Maraming salamat po.

-btgkoorin

Happy New Year, Everyone! 2022 na! Ily!

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
PLEASE READ THIS NOTE:

FIRST, ang story na ito ay HINDI dapat polyandry relationship set-up pero dahil sa dilemma between sa main ginawa ko na lang na ganyan.
AT saka lang NAGING GANYAN nung sinusulat ko na ang Kab 21 kaya ang note ay nilagay ko sa Kab 22 dahil doon na talaga nagstart.

SECOND, hindi ako nagsusulat ng may sinusundang story outline. Nagsusulat ako depende sa naisip ko kaya pabago bago.

THIRD, HINDI ITO CLICKBAIT PARA MARAMI ANG MAKABASA. Hindi importante sa akin kung hindi mo ito basahin. Ang akin lang tinry ko lang itong story to express my imagination. Hindi ako namimilit na basahin itong story at ang iba ko pang story.

LASTLY, Try lang ang ganitong set up. Ito lang ang ganun sa mga sinulat ko. Nag-eexplore ako sa pagsusulat.

Icy PrincessWhere stories live. Discover now