Chapter 8

18 9 0
                                    

"Nakipagkita ka nanaman sakanya?!" galit na sabi ni Ravier pagkapasok ko sa bahay.

"Hindi ako nakipagkita sakanya, kinuha ko lang ang gown kay Annieca—sakto naman na ihahatid niya si Annieca kaya sinabay na nila ako" mahinhin kong sabi pero maslalong sumama ang muka niya.

"Bakit hindi ka nalang umuwi ng mag isa? Kailangan ba talagang may maghatid sa'yo? O baka naman gusto mo pa siyang makasama?!" hindi na ako sumagot ayokong nang mag-away kami kasi nakakapagod na.

"Ano? Bakit hindi ka makasagot? Totoo ano? May relasyon ba kayo ni Ken?"

"Wala nga kaming relasyon bakit ba ang kulit mo? Wag mo rin kasing ipilit ang mga bagay na hindi naman totoo!" sigaw ko, kita ko ang gulat na nakabalatay sa muka nya kaya kinuha ko nayun na pagkakataon para umakyat sa taas.

"Remember this, pag nalaman kong may relasyon kayo ni Ken, papatayin ko siya. You have no right to be happy and I will make sure that you will suffer in this marriage." madiin na sabi niya, Imbis na matakot sa sinabi niya tila wala akong naramdaman, Namanhid na ata ang puso ko pagod na siya pero ayaw parin tumigil sa pagmamahal. Why can't this feelings end? Puro hirap nalang naman ang nangyayari dito sa loob ng bahay fight here, fight there and everywhere. It's just a cycle that always happens for the last seven years.

Week had already past at ngayon ang kasal ni Sara at Dave "Monique, kailangan na daw kayo sa simbahan" ani Annieca sa tawag nauna kasi sila saamin.

"Sige papunta na kami" ani ko pagkatapos kong bihisan si Prince.

"Let's go, Prince" ani Ravier, ng hindi nakatinggin hanggang ngayon kasi hindi niya ako pinapansin simula ng nakaraang linggo.

"Sige na Prince, sumunod ka na kay Daddy mo" kita ko ang pag aalangan niya na sumama kay Ravier buti nga at hindi na takot si Prince saakin ilang oras lang ang lumipas at lumapit na siya saakin at sinabi na hindi na siya takot.

"Okay po, Mommy" ani niya saka sumunod kay Ravier na umalis, nagpalipas muna ako ng limang minute bago umalis. Medyo malapit lang naman ang simbahan kaya mag tataxi nalang ako. Sasakay na sana ako ng taxi ng biglang may magsalita sa likod.

"Are you avoiding me?" he said in a serious tone.

"No, Of course not" I lied, simula kasi ng mag-away kami ni Ravier tungkol kay Ken—ay nagdesicion akong iwasan nalang siya. para hindi kami puro away dahil kay Ken.

"Liar!" ani niya habang nakapamulsa.

"Hindi nga talaga!" pamimilit ko bakit parang ang gwapo niya? Alam ko naman na matagal na siyang gwapo. Hay nahihibang na ata ako kung ano-ano na ang pinag sasabi ko.

"Prove it, then!" saka niya binuksan ang pinto ng kotse niya.

"Fine" kita ko ang pagsilay ng ngiti niya kaya natawa ako.

"Kuya hindi na po ako sasakay pasensya na" sabi ko sa driver, kahit nakakahiya.

"Akala ko talaga iniiwasan mo na ako" natatawang sabi niya saka pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. tawa nalang ng tangi kong nagawa.

"Sumakay kana para makapunta na tayo sa simbahan" I was about to enter to his car—Suddenly a familiar car stop in front us. 

"Who do you think you are, para ikaw ang mag hatid sa asawa ko?" that—that voice, dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Stop pounding please!

My DestinyWhere stories live. Discover now