Chapter 4

97 11 0
                                    

SA ISANG MAALIWALAS at tahimik na umaga sa Soluna, ang mga estranghero sa bayan ay mayroong sari-sariling ginagawa. Tanging pagtipa lamang sa laptop, buntong hininga at mga mumunting galaw lamang ang maririnig. Sila lamang ang tanging magkakasama ngunit walang sinumang nagtangkang bumasag sa katahimikang bumabalot sa loob ng bahay. Mga nakakunot ang noo na tila nahihirapan sa ginagawa maliban sa isa na tila nakatitig lamang sa kawalan.



Si Aelia at Endy ay tutok na tutok sa pagpapatuloy ng kanilang trabaho. Sinusubukang pagsama-samahin at pagtagpi-tagpiin ang kakarampot na mga impormasyong kanilang nakuha sa nakaraang mga paghahanap. Minsa'y nag-uusap ang dalawa tuwing mayroong itatanong ngunit pagkatapos ay wala na. Archival research pa lang ang ginagawa nila sa ngayon. Sa tinagal-tagal kasi ng panahon, walang makabuluhang impormasyong naungkat sa lugar na ito. Now that they're here, para bang unti-unting nagkakaroon ng imahe sa kanilang mga isipan kung ano nga ba ang Soluna noong ito'y hindi pa inabandona.



Si Selene naman ay mayroong nakapatong na kwaderno sa hita at patuloy sa paggalaw ang lapis na hawak. Katatapos niya lang sa paggawa ng progress report at lesson plan. May ginuguhit na lang ito sa kanyang kwaderno. Huli naman ay si Dyo na tahimik lamang na nakaupo, humihigop ng kape, at malayo ang tingin.



Naputol ang katahimikan nang mayroong kumatok sa pinto. Napaangat ng tingin at natigil sa kaniya-kaniyang ginagawa ang lahat. Patayo pa lang sana si Selene at sasabihing siya na ang magbubukas ngunit naunahan na siya ni Dyo. Naibaba na nito ang tasang hawak at walang sabi-sabi'y tahimik na binuksan ang pinto nang bahagya.



Bumungad kay Dyo ang isang matanda na nakangiti at mayroong dalang lalagyan. Kumunot ang kaniyang noo dahil ngayon lamang niya nakita ang matanda ngunit hindi na nagtaka ang binata sapagkat paniguradong alam na ng buong Soluna na mayroong mga dayo sa kanilang bayan na siyang mga kasama niya.



"Magandang umaga, hijo. Ako si Erlinda. Nakatira ako dalawang bahay ang pagitan bago itong tahanan mo."



"Magandang umaga rin po. May kailangan ho ba kayo?" walang tonong wika ni Dyo sa matanda.



Kaagad itong umiling. "Ay, wala naman, anak. Narito't may dala akong ulam para sana sa inyo ng mga kaibigan mo. Para kung sakali ay hindi na kayo maabala pa sa ginagawa ninyo kung magluluto pa kayo." Ipinakita ng matanda ang lalagyan at iniabot sa binata.



"Hindi na sana kayo nag-abala pa pero salamat po," wika ni Dyo kasabay ng pagtango.



"Marami nga ba kayong ginagawa ngayong araw?" tanong ng matanda.



Hindi rin alam ni Dyo kung anong isasagot dahil tila nga maraming ginagawa ang mga kasama niya bukod sa kaniya kaya naman nilakihan niya ang siwang ng pinto upang makita ng matanda ang tatlo. Nakapag-angat naman ito ng mga tingin kaya naman nakita nila kung sino ang kausap ni Dyo.

La Cometa 1892Where stories live. Discover now